Mayyang 'Ganda' Pov
Lalapitan ko na sana sya pero biglang pumasok yung maestra namin at doon ako kinabahan. Taena ba't ngayon ko lang naalala na sya pala ang maestra namin ngayon.
Waahhh!!
Patay ka na Mayyang!!
"What is all this mess?!!"sigaw nya na nagpa alingawngaw sa buong klasrum namin. Halos lahat kami ay napayuko lalo na ako dahil agad dumako ang tingin nya sa akin.
"Mr. Harmer kindly explain all of this."hindi ito sigaw na nakakatakot pero ramdam mo ang awtoridad na nakapaloob sa boses nya.
Lumingon ako kay Jiminne dodong ko na hindi nagsasalita at nakayuko rin. Siguro dahil sya ang tinanong dahil siya ang presidente dito.
"M-miss..."
Napabuntong hininga si maestra at tinuro kami." You..you..you..you..and also you come and follow me."napalunok ako dahil isa ako sa tinuro nya.
Sabay sabay kaming lumabas sa klasrum na walang imikan.
Habang naglalakad kami patungo doon ay agad nasalita si Jenevie.
"This is all your fault. "masama ang tingin nya sa akin kaya napataas naman ako ng kilay.
"At ba't naging kasalanan ko aber??Kayo nga itong biglang sumugod at nagkalat."inis na sabi ko.
Makapagbintang kase eh.
"Ha!!! Ikaw ang may kasalanan. Kung hindi ka sana pumatol pa hindi tayo papapuntahin doon."singit naman ni Mariel. Tinignan ko namann sya.
"Hindi kita kinakausap kaya wag kang sumabat."pabalang na sabi ko.
"Tumigil na nga kayo. Malapit na tayo oh."sabay turo ni Nikki sa opisina.
Tumahimik naman kami pero nagpapalitan parin ng masasamang tingin.
"Kindly explain what happen to your faces??"principal atah toh ewan ko lang. Agad ko namang kinuha ang tawel ko sa bulsa at ipinunas muli sa aking mukha dahil meron pa pala.
"Tinapunan po nya kami ng putik dean."nagulat naman ako sa sinabi ni Jenevie.
"Anong ako? Kayo kaya."reklamo ko.
"Anong kami? ikaw. Tsaka hindi nga namin alam kung bakit bigla kang pumunta sa room namin eh nagulat nalang kami ng buhusan mo kami ng putik."
dO_Ob
Anak ng tinapa naman oh!!!
At bakit parang binaliktad nya ang sitwasyon?
"W-wag po kayong maniwala sa kanya. Hindi po t-totoo yun."utal utal na sabi ko sa dean daw sabi ng Jenevie na ito.
"Ha! at sa tingin mo maniniwala si dean sayo? Mas marami kami kaysa sayo."nakangising sabi ni Mariel.
"Eh totoo naman ah. Kayo kaya ang pumunta sa rum at ako ang binuhusan nyo ng lintek na putik na yan. Tapos ngayon babaliktarin nyo pa ang stiwasyon?!"inis na sabi ko.
"Enough!"medyo pasigaw na sabi ni d-dean kaya napayuko ako ganun na din sila.
"Mr. Harmer... Explain."seryosong sabi ni dean kay Jiminne dodong ko kaya napaangat ng ulo ito.
Lumingon sya sa akin at tumingin kay dean."Kagagawan po ito ni Miss Polendey dean."
dO_Ob
Para akong pinompyang sa sinabi nya. At kailan pa ako ang may kagagawan?!!!
"Ano?!! Jiminne nakita mo ang nangyari!!!At alam mong hindi ako ang nauna."hindi makapaniwalang sabi ko.
Tumingin ako kila Jenevie at nginisihan lang nila ako na nagpainis pa lalo sa akin.
Tumingin ako kay Nikki na halata rin na nagulat sa sinabi ni Jiminne dodong ko pero hindi sya nagsalita at tumingin lang sa akin.
"And why did you do that Miss Polendey??"napalingon ako kay dean sa sinabi nya.
"P-pero dean hindi po ako ang n-nauna."
"But Mr. Harmer already said that it's your fault. "naguguluhang tumingin ako kay Jiminne dodong ko pero iniwasan lang nya ang tingin ko.
"Hindi po yan totoo. Nakita nyo naman pong ako ang mas pinakamadami ng dumi dito tapos sila ang paniniwalaan nyo?"
"Panong hindi marami ang mapupunta sayong dumi eh sa katangahan mo napatid ka kaya nabuhos yung dapat para sa amin."kunwaring inosenteng sabi ni Jenevie kaya nainis ako.
"Walanghiya!! Anong pinatid??!!!"
"Don't shout Miss Polendey. "paalala sa akin ni dean kaya tumingin ako sa kanya.
"Dean talagang hindi ako ang may pakana nito. Tanungin nyo pa ang mga nakakita."halos maghisterika na ako sa pagsasalita.
"Go ahead. Tanungin mo sila tignan natin kung sino ang sasabihin."nakangising sabi ni Mariel kaya napakunot noo ako.
Wag nilang sabihin na kinakuntsaba nila ang mga yun?
Bakit ba kase wala sila Justin at Emjey doon?!!
Langya!!
Ngayon pa kase nag absent ang dalawang yun!
"Miss Polendey I'm sorry kialangan kang maparusahan sa ginawa mo."lalong nainis ako sa sinabi ni dean.
"Pero dean hindi po talaga ako."
"Wag ka ng magsinungaling kung ayaw mong mawalan ka ng scholarship Miss Polendey."hindi nya ako binabantaan kundi parang yun talaga ang mangyayari kapag nagkataon.
Napabuntong hininga nalang ako at tumango na kinangisi nila Jenevie, tusukin ko mga mata nyo eh tsk.
"Ano pong gagawin ko dean?"
"So inaamin mo ng ikaw ang may pakana?"
"Pagbaliktarin man natin ang mundo dean hinding hindi ako aamin sa paratang niyo na hindi ako talaga ang may gawa kundi ginagawa ko ito dahil may respeto po ako sa inyo. At mas mahalaga sa akin ang skolarsip ko kesa ipaglaban pa ang isang bagay na alam kong ako ang talo. Kahit matapakan ang dignidad ko kung ang kapalit naman ay hindi matanggal ang skolarsip na iniingatan ko handang handa po ako dean na tapak tapakan."sinserong sabi ko na nakatingin kay dean.
Natigilan naman halos silang lahat at pinakinggan ang bawat salita na lumabas sa aking bibig dahil alam nila na seryoso ako at may katotohanan sa sinabi ko.
At hindi ko ugaling umamin sa isang bagay na hindi ako ang may gawa.
"Ano po ang parusa niyo dean?"sabi ko pa dahil lahat sila nakatunganga sa akin. Siguro nagandahan na naman sila hayst. Ang hirap talagang maging maganda.
Napakurap kurap muna si dean bago tumikhim at magsalita.
"Linisin mo ang comfort room ng mga babae at lalake dito. Wag kang umuwi ng hindi natatapos lahat."
dO_Ob
d>>_<<b
Anak ka ng manok oh!!
"D-dean ba't naman po pati sa lalaki?? Pwede po bang sa mga babae nalang?"naaalibadbaran ako sa tumatakbo sa isip ko kapag nasa panglalaking kubeta ako buset!
"Sige mamili ka. Tatanggalin ko ang scholarship mo o gagawin mo ang parusa ko?"napanguso naman ako dahil sa sinabi ni dean.
"May sinabi po ba ako dean na ayaw ko? Wala po ah....Kahit nga buong kubeta sa skul na ito lilinisin ko eh. Sabihin nyo lang dean gagawin ko na may pag-utot pa. Now na!!"natawa naman sya sa sinabi ko at napailing iling pa.
"Doon lang sa second floor at sa floor nyo ang linisin mo. Kung lilinisin mo lahat ng comfort room Miss Polendey siguradong aabot ka ng siyam siyam."pagkatapos nyang sabihin iyon ay bumaling sya sa iba ko pang kasama na hindi na nagsasalita pa.
Naurong 'ata dila ng mga toh.
"You may now go to your respective room."tsaka sya tumingin sa akin. "You Miss Polendey maiwan ka dito."
Ba't pa kailangan maiwan??
Eh alam ko naman na ang gagawin hayst.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."