Chapter 51

0 0 0
                                    

Mayyang 'BM' Pov

Ang sarap niyang ipalapa sa mga aso!Kung hindi ba naman siya tatanga tanga!

Nalaman ko lang din na ninanakawan sila ng pera ng p*tang babaeng yun ng sinabi ni Mommy na malaki ang perang nawala sa kompanya nila simula ng pumasok yung babae ni Jiminne. Hindi naman porket naiinis na ako kay Jiminne wala na akong pakealam sa kompanya lalo na kay Mommy eh.

Naghinala na ako noon dahil noong ako pa ang model hindi naman nawawalan ng pera pero ng pumasok yung babaeng yun para pumalit eh nagkan letse letse na ang lahat.

Minanmanan ko talaga yung babaeng yun at tama nga ang hinala ko siya nga ang kumukuha ng pera. Ang lakas talaga ng loob niyang magnakaw tignan natin kung saan ka pupulutin tss.

Kay Jiminne ko na rin sinabi dahil kung kila Mommy ko sasabihin maghihinala ang mga kong bakit ko alam at siguradong papaulanan ako ng mga tanong ni Mommy kaya mas mabuting si Jiminne nalang dahil alam kong hinding hindi siya magtatanong.

Hindi nga nagtanong nang insulto naman.

Akala ba niya hindi na ako nasasaktan porket binabaliwala ko na mga sinasabi niya?

Aba!

May puso rin naman ako ah! Demonyong yun.

"You alone?"

"Ay kabayo!" napatalon pa ako sa gulat ng biglang may pumarada na sasakyan sa harapan ko at nagpakita doon si Daniel ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Mukha ba akong kabayo?"

"Hindi! Nanggugulat ka kasi. Anong kailangan mo? Kikidnapin mo ako? Tara."at basta nalang akong pumasok sa loob ng sasakyan niya ng walang paalam alam.

Mukhang nagulat pa siya dahil sa kapal ng mukha kong pumasok sa sasakyan niyang mahal.

"Anong problema mo?"

"Wala ano ka ba. Ganito na talaga mukha ko maganda wala kang magagawa."natawa naman siya at sinimulan ng patakbuhin ang sasakyan.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. "S-saan ka nga pala pupunta?"

Sa sobrang kapal ng mukha ko nakalimutan kong isipin baka may pupuntahan pala siyang importante tapos andito ako. Ang tanga mo talaga Mayyang!

"Actually yayayain sana kitang kumain pero alam kong may pinagdadaanan ka. Would you mind if pumunta tayo sa tagaytay. Para makapag isip isip ka." napamaang naman ako at kinikilig na umiwas ng tingin.

Kagat ko ngayon ang pisngi sa loob ng bibig ko para pigilan ang pag ngiti. Ang harot ko pala.

"S-sige."

Habang nasa biyahe nakatingin lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang kapaligiran. Sumandal ako doon at mukhang napansin ni Daniel ko ito.

"Water?" kinuha ko naman yung inialok niya.

Nagpatuloy na siya sa pagmamaneho at diretsong nakatingin sa daan para makapag konsentreyt. Mahirap na baka mabangga kami masira pa kagandahan ko. Kapag nagkataon maraming iiyak na lalaki.

Tumingin muna ulit ako sa bintana at medyo nangunot ang noo ko. Ito ba yung daanan talaga papuntang tagaytay?

Nagkibit balikat nalang ako. Baka dumaan sa mas malapit si Daniel ko para mabilisan kaming makarating. Ito talagang lalaking ito hindi pa sabihin na gusto akong solohin.

Binuksan ko na ang tubig na binigay ni Daniel ko at agad na uminom nito.

Ako lang ba o ngumisi talaga si Daniel ko?

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon