Mayyang 'Ganda' Pov
Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama oh ano dahil sa tingin sa akin ng mga studyante dito sa skul. Kanina pa sila eh nakakairita na!
Hindi ko narin kinuha si Psst dahil pinagalitan ako ni Tiya. Sabi nya nababaliw na ba ako at magdadala ako ng manok dito sa skul sabi ko naman na matagal na akong baliw...baliw sa kanya ayun nabatukan ako ng wala sa oras. Amputek naman kasi eh!
"Hey May."nakita ko si Gregorio na papalapit dito sa pwesto ko kaya naman agad akong ngumiti at kumaway sa kanya.
"Ba't di ka pa kumakain?"tanong nya tsaka umupo sa harap ko, pangdalawang tao lang kasi dito. Pumili ako ng medyo malayo sa mga studyante dahil naiilang ako sa titig nila.
"Nakakainis kasi yang mga tingin nila eh."pagsusumbong ko sa kanya kaya naman napalingon sya sa kabuuan ng kapeterya.
"May ginawa ka naman bang kabobohan ha?"
"Aray ha! Ang sakit mong magsalitang bakla ka."reklamo ko na tinawanan lang nya.
"Just kidding haha."
Napalingon agad kaming dalawa ng may mabasag sa pwesto nila Nikki, medyo nasa gitna kasi sila nakapwesto kaya agaw pansin talaga.
"You bitch!!"napapikit ako sa matinis na boses ni Jenevie na nagpa alingawngaw sa loob ng kapeterya.
"Ano na naman bang pakulo ng Jenevie na ito."narinig ko ring sabi ni Gregorio sa akin pero hindi ko na sya tinignan dahil nakatutok lang ang mata ko sa pwesto nila Jenevie.
Sa kanilang tatlo kasi pinakamasama ang ugali si Jenevie sumusunod naman si Mariel at ang huli si Nikki. Tinignan ko ng maalala ko si Nikki at pansin kong nag aalala ang mukha nya. Ano ba kasing nangyayari??
"Hey Nikki ano pang hinihintay mo? Slap her bitch face ng mapaghiganti mo ang ginawa nya sayo."sabi naman ni Mariel kaya napatingin ako sa damit ni Nikki na hindi ko napansin kanina na merong palang basa medyo may kulay na ito. Orange juice ba yun? Parang nga.
Ng lumingon si Mariel at Jenevie kay Nikki ay biglang nawala ang kinakabahang mukha nito at naging isang mataray na Nikki ang nakikita ko. Ito yung Nikki na kaaway ko noon pero kaibigan ko na ngayon...sa tingin ko.
Unti unting lumapit si Nikki sa pwesto ng babaeng nakasalampak na sa sahig at mukhang naiiyak na kinakabahan na ito sa posibilidad na gawin ni Nikki. Please Nikki wag mong gawin ito sige na. Pumikit ako ng mariin ng sampalin nya ng pagkalakas lakas ang babae.
Halos tumabingi na ito at bakas sa pisngi nito ang kamay ni Nikki tanda na sobrang sakit nito.
Hindi ko na nakayanan kaya agad akong tumayo at pumunta sa pwesto nila narinig ko pa ang boses ni Gregorio na pinapatigil ako pero hindi ko na talaga kaya. Nagulat naman si Nikki ng makita nya akong tinutulungan ang babae aktwali halos silang lahat gulat. Siguro hindi nila inaasahan na tutulungan ko ang tulad nya. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanya ng bagong salta palqng ako dito sa skwelahang ito.
Jologs.
"Well well, buti naman at tinulungan mo ang kauri mo Mayyang"nakangising sabi ni Jenevie sa akin.
Kapag talaga hindi ako nakapagpigil sasabunutan ko ang impaktang ito! Nakita kong nag aalala na ngayon ang mukha ni Nikki at alam ko ring sa lagay nyang yan hinding hindi nya ako kayang tulungan at ipaglaban sa mga KAIBIGAN nya.
"Ba't di kayo gumawa ng club nyo? Jologs club pwede narin haha."singit ni Mariel kaya natawa naman ang lahat maliban kay Nikki na nakayuko.
"Halika na. Kaya mo bang tumayo?"imbes na sumbatan pa sila agad ko ng kinausap ang babae.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."