Mayyang 'Ganda' Pov
"Alam kong hindi ikaw ang may pakana nito Miss Polendey."
dO_Ob
Anak ka ng kagang!!
Ano raw??!!
"D-dean...."ewan ko nawalan yata ako ng sasabihin.
Nablangko yung utak ko sa sinabi ni dean langya!
"Alam kong naguguluhan ka but the truth is alam kong hindi ikaw ang nauna. Dahil alam kong pakana ito ng tatlong babaeng iyon. Lagi silang may binubully at pinapapunta dito dahil sa kagagawan nila na ipinaparatang sa iba,kumbaga binabaliktad nila lahat ng nagyari..."
"Eh loko naman pala ang mga yun eh!!"biglang nalang akong napasigaw .
"Your mouth Miss Polendey. "agad naman akong napatakip ng bibig.
"Eh ba't po pinaniwala nyo kanina na ako talaga ang may pakana . At paparusahan pa ako....tinakot nyo pa nga ako na baka matanggal ang skolarsip ko."litanya ko na kinatawa lang ni dean.
Naku kung may nakakatawa dapat naman i- share eh. Tumatawang mag isa toh mukha tuloy syang ewan jan. Dapat nagsasabi para parehas kaming tumawa.
"Haha...yun talaga lagi ang ginagawa ko kapag sila ang sangkot dito. Dahil kapag ikaw ang kinampihan ko gagawa na naman sila ng paraan para mapatalsik ako."
"Weh? Pero ganon po sila kalakas??"
"Kung hindi nila kasama si Miss Nikki siguradong may laban pa ako pero dahil kasama nila si Miss Nikki wala na akong magagawa dahil malaki ang kapit...at mayaman na negosyante ang magulang nya. "
"Hindi naman po masama si Nikki..."biglang nagseryoso si dean dahil sa sinabi ko.
"Yun ang akala mo Miss Polendey--"
"Mayyang nalang po nakakaasiwa po yang miss achuchu na yan hehe."kamot batok kong sabi sa kanya.
"Ah sige sige. As i was saying para sa akin hindi sya mabait kagaya ng akala mo dahil may ginawa na rin yun dito na hindi mawala wala sa isip ko..."
"Ano po yun dean??"interesadong tanong ko.
"Tinanggalan nya ng trabaho ang aking anak na nagtuturo dito."mahinang sabi ni dean pero rinig na rinig ko ito. Malungkot rin ang kanyang pagkakasabi.
"P-pero dean baka may dahilan..."pagtatanggol ko kay Nikki.
Hindi kasi ako naniniwala na kayang gawin iyon ni Nikki dahil alam kong may busilak na kalooban yun minsang ngalang mukhang hunghang hehe.
"Oo may dahilan..."nagkaroon naman ako ng pag-asa na hindi talaga masama si Nikki dahil sa sinabi ni dean. "Ang dahilan nya ay dahil nakakairita raw ang pagmumukha ng anakko. Na kaya niya pinatanggal ito dahil boring syang magturo....laging nagpapagawa ng project...hindi alam mag discuss at higit sa lahat pumapatol daw sya ng lalaking studyante nya.."napalunok ako at parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa sinabi niya.
Nak ng!!
Pumapatol sa studyante??
"Eh dean? Binubugbog po niya yung mga studyante nya?? Eh kung ganun naman pala talagang dapat syang matanggal. "napailing iling ko pang sabi. Pambihira rin pala yang anak ni dean basagulera hayst.
"Hindi binubugbog Mayyang..."napalingon naman ako kay dean.
"Eh ano po?"
"Nakikipagrelasyon sa studyante ang ibig kong sabihin."
dO_Ob
"P-po?"parang ayaw pumasok sa utak ko ang sinabi ni dean ah.
"Pero hindi iyon totoo dahil ang totoo...gustong gusto ng tatlong babaeng yun ang studyanteng tinutukoy ko na pinatulan daw ng anak ko. Kaya lang naman nasabi ng tatlong iyon na pinapatulan daw ng anak ko ito dahil dikit ng dikit ang lalaking iyon. Paborito kasi niyang teacher ang anak ko. Walang malisya sa pagitan nila pero lahat ng ginagawa nila binibigyan ng malisya nung tatlo dahil pare-parehas na ni-reject nya ang mga ito ng umamin sila na gusto nila ito...."
"At dahil doon nagalit yung tatlo sa anak ko. Siniraan nila ito at pinagsasabi na pumapatol sya sa studyante nya...na kaya matataas ang grado ng lalaki ay dahil binibigay nya ang katawan nya sa anak ko.."napatakip naman ako ng bibig dahil sa mga nalaman ko.
Putakte kang Nikki ka!!
Humanda ka sakin mamaya!!
Kakalbuhin kitang animal ka!
"T-tapos ano pong nangyari?"lunok ako ng lunok ampupu.
"Naniwala ang may ari ng skwelahang ito...kaya pinatanggal nya ang anak ko."naluluha ng sabi ni dean kaya ng makita kong may tisyu sa lamesa agad kong ibinigay sa kanya agad naman nya itong kinuha at pinagpunas sa luha nya.
Habang nagpupunas sya agad itong napahinto na parang may naalala...yata.
"Bakit po dean? Masakit pa rin po ba?"
"Anak ka ng teteng!! eh pinang punas ko ng sipon ko kanina ang tissue'ng ito! Kaya naman pala malagkit."
dO_Ob
d>_<b
"Ah eh..."ewan ko kung anong gagawin ko. Matatakot ba ako o matatawa sa mukha ngayon ni dean na diring diri sa tisyu na ibinigay ko.
Kasalanan ko ba eh nakita ko lang naman yan tapos kinuha lang naman ni dean.
"Nakung bata ka."parang istres na sabi ni dean sa akin.
"Eh dean hindi nyo naman kasi sinabi kanina na may sipon na yan."naloloka ako.
"Kuhanan mo ako ng tissue diyan sa drawer na yan."sabay turo sa gilid ko.
Tumayo naman agad ako at kumuha ng tisyu na nakapatong sa drawe kuno. Mukhang malinis naman ito dahil naka supot pa eh.
"Malinis na po yan ano?"paninigurado ko.
Aba mahirap na. Mamaya pinangpunas pala nya ng pwetan nya ng magbawas sya.
"Oo Mayyang malinis na ito. At kung pwede sa atin nalang muna ang mga sinabi ko? Makakasa ba ako?"
"Opo naman dean ako pa."nakangiting sabi ko na parang magpapakita na yung gilagid ko.
"At hindi rin magbabago ang parusa sayo. Maglinis ka sa second floor and third floor. Sa third floor nalang sana ang ipapalinis ko sayo kanina pero binigyan mo naman ako ng tissue na ginamit ko na kaya lilinisin mo yung sa comfort room ng dalawang floor."napasimangot naman ako sa sinabi ni dean.
"Kasalanan mo yun dean ah. Hindi mo nama kasi sinabi aisshh. Tsaka bakit hindi nyo pa tinapon kanina yung nagkulangutan nyo sa basurahan. Kahit kailan ka talaga dean pasaway ka."nagbibirong sabi ko.
"Magkakilala ba tayo at kung makapagsabi ka ng pasaway ako lagi mong nakikita?"taas kilay na sabi ni dean.
"Nagbibiro lang naman dean. Wala talaga kayong senses of humorous. "natawa naman sya sa sinabi ko.
Ano na naman ba ang nakakatawa???
Mukha syang baliw dahil mag isa lang syang tumatawa.
"It's sense of humor Mayyang not senses of humorous HAHAHAHHA."umirap nalang ako sa kanya.
"Pasensya na na-istres ang byuti ko sa mga nalaman ko ngayon dean eh."aniko. "Babush na dean at magsisimula na akong maglinis ng mga kubeta."pagpapaalam ko.
Agad na akong tumayo dahil tawa parin sya ng tawa mabilaukan ka sana at ng matigok ka na. Chos!!
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."