Mayyang 'Ganda' Pov
Masaya akong umuwi sa bahay dahil sa pinaggagawa namin ni Jiminne dodong ko sa skul. Pagkatapos kasi naming magrebyu kumain muna kami, syempre hindi mawawala ang pagkain dahil hindi ako mag-e-enjoy sa lahat ng gagawin ko kung wala munang lamon.
Pagkatapos namin kumain naglaro muna kami ng basketball. Hindi ako mahilig pero dahil gusto ni Jiminne dodong ko na maglaro kami kaya gora na. Tinuruan pa nga nya ako eh ang kaso wala talaga syang mapapala dahil wala akong talent sa pag ba-basketball lalo na meron akong dalawang watermelon na malalaki.
Hindi ako komportable na tumakbo lalo na at tumatalbog talbog kaya pabebe nalang akong tumakbo. Yung bola pa nga, sa akin umaayaw anbilis mawala sa kamay ko. Hindi pa nga inaagaw ni Jiminne dodong ko naiinis na ako sa bola.
Sa ganda kong toh naman kase lumilihis pa sa kamay ko kaya sa sobrang bad trip ko naglumpasay na agad ako sa sahig.
Ayun tumawa lang ang irog ko bwisit sya!! Hindi man lang naawa sa ganda kong pinangangalandakan na sobrang ganda.
Aba! Dapat nga pinahahalagahan nya ako dahil nag-iisa lang ang mukhang ito!!!
Okay masyado na akong OA.
Basta ayun na yun ang nangyari!Wag nang magtanong pa.
Kakatok na sana ako sa pintuan pero narinig kong parang may kausap si Tiya. Hindi sa tsismosa ako ah curious lang. OH!!INGLES YAN AH!
Dinikit ko ang aking tainga sa pintuan ng walang mismong tunog para hindi nila ako marinig.
"Ano bang nangyayari sayo Dave anak?"narinig kong tanong ni Tiya kay Utol. Malamang si Utol yun Dave sabi eh alangan naman ibang tao yun...pero pwede naman hakhak.
"Tiya h-hindi ko na kaya."napakunot ang noo ko sa tono ng pananalita ni Utol.
*booggsshh!!*
*skkriiiiitcchhh*
dO_Ob
Ano yun?
May narinig akong nabasag na kung ano kaya hahawakan ko na sana ang pagpihitan ng pintuan ng magsalita si Tiya kaya hindi ko natuloy.
"Tama na Dave. Please sabihin mo na ang nangyayari nalilito na ako at nahihirapan."pagmamakaawa ni Tiya.
"T-iya wala na ang a-asawa ko."napatigil ako. Parang hindi ko matanggap ang sinasabi ni Utol dahil sa sinabi nya.
Anong patay na?
Pano yung bata?
Anong nangyari?
"ANO??!!Wag mo naman akong pinagloloko Dave ng ganyan hindi na nakakatawa."
"Sana nga lang nagloloko lang ako Tiya. Pero hindi eh! P*TANGINA wala akong ginagawa sa kanila pero ginalaw nila ang mag ina ko. "galit na sabi ni Utol.
Oh!Mukhang alam nyo na kung saan ako nagmana ng mga malulutong na mura. Hekhok.
"Sinong gumalaw? Ni-rape ba ang asawa mo? Paano yung anak nyo ayos lang ba sya? Asaan sya?"sunod sunod na tanong ni Tiya kay Utol. Yun din ang nasa isip ko eh.
"Oo Tiya. Ginahasa nila ang asawa ko at t*ngina hindi pa sila nakuntento pinatay pa nila. Ililigtas ko na sila Tiya eh pero f*ck huli na ako Tiya. Huling huli na ako!But thank god my daughter is fine."narinig ko nalang ang paghagulgul ni Utol kaya mas lalo akong nanghina.
Hindi ako sanay na mahina si Utol. Siya kasi yung tipo na hindi mo makikitang umiyak dahil matatag sya pero sa nangyari sa kanya ewan ko nalang.
"Asaan ang asawa mo? Puntahan natin sya."
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."