PROLOGO

213 37 28
                                    

"... Dati rati'y hawak-hawak lamang ang mga kamay,
Ngayo'y abot langit na ang walang hanggang pag-ibig na taglay.
Ika'y susunduin sa ating pinangakong tagpuan,
At nanamnamin ang tibok ng puso patungo sa ating kailanman..."


Ang araw na kanyang pinakahihintay, puno ng kasiyahan sa kanyang mga mata't galak naman sa kanyang labi. Nanghahalimuyak na kagandahan ng panahon sa hinaba-haba ng pagkakataon.

Ibinaba ang panulat na kanyang hawak-hawak kasabay ang pagtaklob ng tintang ginamit nito sa paghahabi ng mga talata. Binasa muli ang mga salitang isinulat sa pahina at tuluyang isinara at itinago ang kwadernong kanya ngayo'y hawak-hawak. Ngumiti na lamang ng matuwid at napabuntong-hininga.

Siya ngayo'y nakatayo sa harap ng salamin sabay ayos ng bawat hibla ng kanyang buhok. Magarang kulay puting amerikana, kulay kayumangging sapatos. Relos at kwintas na ngayo'y nagpapagaan ng pakiramdam niya. Hindi aakalaing darating ang lahat sa simula ng walang hanggan at ngumiti na lamang sabay pamulsa ng kanyang mga kamay.

Unti-unti itong lumabas ng kanyang silid nang ito'y tinawag na ng kanyang amain. Dala-dala pa rin ang ngiting taglay ng pag-asa nang kanyang damhin. Magkahalong kaba at pananabik sabay pagsipol ng mahinhin.

Kasabay ang pag-alala nito ng kanyang mga alaala, napahinto sa paglalakad nang ito'y narating na ang sasakyan at napatingin naman ito sa kanyang pupulsuhan. Isang napakagandang obra ang nasilayan, isang tattoo-ng takipsilim ang pinagmamasdan. Palatandaan ng kanilang walang hanggang pagmamahalan kasabay ang paglubog ng napakagandang araw ng kinabukasan.

Napailing at napangiti sabay pagpasok nito sa kanyang sasakyan, sumunod ang kanyang amain na ngayo'y sobrang galak sa araw na pinakahihintay. Bumusina ng dalawang beses at ipinaharurot ang sasakyan patungo sa tagpuan ng kanilang pangakong isasabuhay.

"Alam mo, Boy? Proud na proud ako para sa'yo. K-Kahit man hindi ako 'yung totoo mong magulang. Ramdam ko pa rin na parang totoo kitang anak," bigkas ng kanyang amain na ngayo' y nangingiyak na.

Habang nilalakbay ang kahabaan ng daan patungo sa simbahan, nagiging emosyonal na ang lahat kahit hindi pa nagsisimula.

"Tay, kahit kailan tinuring kitang totoong ama. Hindi ko kailanman ipagpapalit ang pag-aalaga mo sa akin. Huwag ka ng mag-isip ng ganyan. Araw ko 'to, tay. Kaya please, maging masaya ka para sa akin," sagot niya na lamang sa kanyang amain at napangisi naman ito.

"P-Pasensya na. Oh, ready ka na ba? Paano 'yung wedding vow mo, okay na ba?" salitang muli ng kanyang amain na ngayo' y nakangiti na.

"Oo naman tay, ako pa ba? Mas magugustuhan pa yata ako nito ng aking future wife eh," biro niya naman habang nagmamaneho pa rin ng sasakyan at sila nama'y nagtawanan.

Agad namang tumagpi ng pangungusap ang kanyang amain. "Ikaw talagang bata ka. Ilang oras nalang, magbuhay-asawa ka na."

Ngunit, pawang natulala naman ito.

"Tay, ano naman 'yang mukha mo? Nagpapaawa ka na naman. Diba dapat maging masaya ka para sa akin?" pagbigkas nito nang napansin muli ang pagkatulala ng kanyang amain.

"Wala lang napaisip lang ako. Paano na ako? Iiwan mo na ako pagkatapos ng araw na' to. Wala ng mag-aalaga sa akin-" bigkas ng kanyang amain at napailing na lamang at napangisi ng bahagya.

"Alam mo tay, ang drama mo. Pwede ba, bibisitahin naman kita ng madalas eh. Atsaka, may inuman pa diba tayo pagkatapos nito?" bigkas nito nang tila bang napangiti na rin ang kanyang amain sa kanyang mga binitawang salita.

"Oh, ba't parang ngumisi ka na? Ito talagang si tatay, basta alak na ang pinag-uusapan para bang nag-re-recharge ng kusa," pagbiro niyang muli kasabay ang pagtawa nilang dalawa.

Iniinda na lamang ang kasiyahan na kanilang dala-dala sa pagkakataong ito kasabay ang pagtatawanan sa isa't-isa.

Ilang minuto ang nakalilipas, narating ang tagpuan ng kanilang pangakong isasabuhay. Puno ng magagarang palamuti, mga bulaklak na kulay puti. Nagsisidatingan na ang mga panauhin at agad naman itong bumaba sa sasakyan at magtungo na sa loob ng simbahan.

Ito'y binati ng kanyang mga panauhin at nagsipwestuhan na ang lahat habang hinihintay ang kanyang pinakamamahal. Nanginginig na ngayo'y nasa harap na ng altar at napahimas na lamang sa mukha nito't upang ito'y mahimasmasan.

Naging maaliwalas na ang lahat ngunit tila bang hindi pa rin nawawala ang kaba nito. Sa pagsisimula ng tugtog ng musika, lalong naging tensyonado ang nararamdaman nito, magkahalong kaba at pananabik. Pagsenyas na lamang ng mga panauhin ang naging kanyang lakas ng loob na ngayo'y unti-unti nang nawawala.

Hinay-hinay na naglalakad ang iba't-ibang panauhin sa gitna ng simbahan, dala-dala at suot-suot ang magagarang damit na kamilang pinaghandaan. Kitang-kita ang kasiyahan sa kanilang mga mata at tuwa naman sa kanilang mga labi. Hindi maitatanggi na pati mga panauhin ay sabik na sabik na rin sa pagkakataong hinihintay sabay pagsara muli ng pintuan ng simbahan.

Sa paglipas muli ng ilang minuto kasabay ang paghawi niya ng kanyang buhok at nagsisitulong mga pawis. Tila bang unti-unting bumukas ang pintuan ng simbahan at bumungad sa kanya ang kanyang pinakahihintay, suot-suot ang napakagarang kulay puting damit pangkasal, nakapatong na kulay puting belo nito habang hawak-hawak ang isang kumpol ng bulaklak.

Hinay-hinay na naglalakad patungong altar kasabay ang pagpapatugtog ng musikang kay gandang pakinggan. Tila bang ito'y napakaayang tignan ngunit pawang ito'y kinakabahan nang hindi mahagilap ang ngiti sa kanyang mga mata. Tinitigan ng lalake hanggang sa ito'y makalapit at makahawak sa kanyang mga bisig. Hindi na kailanman naggawa nitong kabahan kung kaya't matagal niya ng hihintay ang simula ng kanilang walang hanggan.

Isang napakagandang pagkakataon, isang kapita-pitagang panahon. Kasiyahan lamang ang kanyang naipupuslit na ngayo'y kitang-kita sa kanyang mga mata. Inaasam na magtatagal ang mga ngiti kasabay ang mga pangakong kanilang minimithi.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon