KABANATA XXXVI: Sabi-Sabi

40 4 3
                                    

“Lance, nasaan ka na? Bakit mo ‘ko iniwan?” pagbigkas ng isang boses na tila bang hindi matanaw kung nasaan nanggagaling.

“A-Aya?” pag-utal ko nang sigurado akong si Aya iyon.

Hindi pa rin mahagilap, purong dilim ang nakikita. Pawang nasa isang kulungang walang bintana at ilaw.

“Lance, t-tulungan mo ‘ko,” bigkas pa nito muli.

“Nasaan ka ba, Aya!” sigaw ko’t hinahanap pa rin kung saan nanggagaling ang boses nito.

Pagkunot ng noo ang nagagawa. Kaliwa’t kanang mga paglingon, hindi pa rin siya matanaw. Pawang naninikip ang dibdib at paulit-ulit na pinipisil-pisil.

“Si Nikko... Si Nikko... Alagaan mo si Nikko,” patuloy na pagbigkas nito, naghihingalo, pawang natigilan na lamang nang ako ay nagulat sa mga sinasabi niya.

“Aya, nasaan ka ba?! Hindi kita makita. A-Asan ba si Nikko?!”

“Si Xavier... Si Nikko... Si Xavier---”

“AYA-AA! Ano ba?! Nasaan ka? Naririnig mo ba ako?!” paulit-ulit kong sigaw na tila bang napahawak na lamang ako sa aking buhok.

“Si Nikko... Si Xavier... Si Nikko---”

“AYA!” malakas kong sigaw.

Iminulat ko ang aking mga mata. Narito sa loob ng kotse’t nagising mula sa pagkaidlip. Nakaparada sa kalsadang malapit sa set, ako na lamang ay napasandal sa upuan, iniisip pa rin ang mga napapanaginipan kamakailan.

Itinukod ko na lang ang mga siko sa manobela kasabay ang pagkunot ng noo ko’t pagbilog ng mga kamao.

“X-Xavier, anong ibig sabihin nito?!” matulin kong bulong sa hangin, ngayo’y galit ang tanging nararamdaman.

Paulit-ulit na paghinga ng malalim upang mapakalma ang sarili. Kinuha ko na lamang ang gamit ko at unti-unti nang bumaba sa sasakyan upang tumungo sa set.

Diretso ang lakad, pumasok na lang muna sa tent upang ilagay ang gamit.

“D-Direk? Saan ka po ba galing? Kanina pa po namin kayo hinahanap, may isa pa po tayong eksenang hindi nakukuha.” Mga pangungusap na binitawan ni Yaz nang ito ay lumapit sa akin.

“I’m sorry, nakaidlip lang ako sa kotse. Pakisabihan na lang ang mga talents, let’s resume the taping in five minutes.”

“O-Okay po, Direk.”

Ito na ay lumabas ng tent at ako ay napaupo na lamang muna sa upuan. Hindi pa rin ako maliwanagan sa mga nangyayari kamakailan na tila bang galit ang napupuno sa puso’t hindi kasiyahan.

Napahawi ng buhok kasabay ang paghimas ng mukha. Tila bang hindi na-eenganyong huling taping na ng pelikula ngayon at tanging pagbigat lang ng isip ang nararamdaman.

Ako na lang ay napaayos ng upo nang bumukas ang tent kasabay ang pagbungad ni Jim.

“B-Bro, okay ka lang? Ayos ka na ba?” pagtatanong ni Jim nang ito ay lumapit sa akin.

Ako na lang ay tumango at sinabi ang gustong itanong sa kanya. “Jim, anong nangyari sa akin kahapon? Huling pagkaalala ko, lumabas ako ng sasakyan para tingnan ‘yung gulong and I saw you there. After that, wala na akong maalala.”  

“H-Hindi ko rin alam, bro. Pero pagkatapos noon, isinakay kita sa kotse ko para ihatid ka sa bahay niyo. Tinawagan ko rin si Rex para siya na lang ‘yung magpapaayos ng kotse mo. I think you’re just too stressed bro, kaya nawalan ka siguro ng malay,” tugon pa nito.

“Stressed? Hindi naman ako stressed---”

“Bro, you are. Pinapagod mo kasi ‘yang sarili mo eh,” aniya.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon