Isang buwan ang nakalipas, narito sa airport kung kaya ito na nga ang pinakahihintay ang pagpunta ng London. Kasama ang ilan sa production team, ang mga artista, sina Jason at Sam, maging sina Ms. Castro at Jim ay narito rin.
Hindi makapaniwala, isang buwan na palang nakalilipas. Isang buwan ko na ring hindi nakikita si Aya. Bigla na lang naalala noong araw na tila bang nagpakasasa sa ulan. Napangisi na lamang at napailing kasabay ang pagbaling ko sa aking sarili.
Itinuon na lang ang sarili sa pagkausap sa mga kasamahan upang hindi na muli maalala ang nangyari noon.
"Good Luck to us, everyone. This is it!" pagbati sa kanila sabay pagkamay bawat isa.
"Direk, I'm excited. We are actually very excited," bigkas pa ni Sam.
Napatango na rin sina Jason, maging ang ibang artista. Ganoon din ang pagngiti nina Direk V, Ms. Castro at Jim sa aming lahat.
"I-I'm excited too," wari pa ng bata.
"Yes Gio, are you ready to see London?" pagtanong ko sa kanya at napangiti kasabay ang pagbuhat nito sa kanya.
Bahagyang napatingin kay Jim, tila bang napangisi na lamang ito ng kaunti at aakmang ibababa na lamang ang bata.
"Bababa muna kita Gio, go to mommy first. May tatawagan lang ako ha?" pakiusap ko sa bata at ngumiti sabay paglapit nito sa kanyang ina nang siya ay kinuha.
Lumayo muna sa kanila nang kaunti kasabay ang pagbunot ko ng telepono sa aking bulsa upang tawagan muna si Tatay Gabo. Pinindot ang numero nito at itinapat sa tenga ang telepono.
"H-Hello Tay Gabo, kakatapos lang naming mag-check in. Hinihintay na lang namin 'yung boarding time," wika ko sa kanya.
"Mabuti naman boy, mag-iingat kayo. Umayos ka ro'n, magtatanong talaga ako kay Jim," bigkas niya pa sa kabilang linya.
Ako ay napatingin kay Jim at natawa na lamang. "Tay Gabo naman, hindi na ako bata."
"Sus kilala kita boy. Baka makahanap ka do'n ng chicks," pagbibiro pa nito.
Natigilan ng bahagya at napailing na lang. "I-Ikaw talaga Tay, kung sana sumama ka na lang. Pinaiimbestigahan mo pala ako," pagtawa ko.
"Nako boy, gustuhin ko man pero puro lakad naman 'yan. Alam mo namang nahahapo ako kapag parating bumabyahe," tugon pa nito.
"Mag-exercise ka kasi, Tay---" putol ko nang agad itong nagsalita sa kabilang linya.
"Ikaw talagang bata ka, oh siya sige na. Tumawag ka na lang ulit kapag nakarating na kayo. Mag-iingat kayo, bababa ko na 'to."
"Sige tay. Kayo rin, ingat!" bati kong muli.
Ibinababa nang tuluyan ang telepono at ibinulsa nito. Napabuntong-hininga kung kaya sa aking paglingon sa kanilang kinatatayuan ay bumungad sa akin ang kanina pa palang nakikinig na si Jim.
"Uy bro, kanina ka pa ba diyan?" sambit ko nang nakitang nakatayo sa likod ko si Jim.
Tumawa ito at lumapit sa akin. "Sakto lang, si Tay Gabo ba 'yun?" pagtatanong niya.
"Oo eh, sinabihan ko lang na kaka-check-in lang natin. Tapos, mukhang pinaiimbestigahan pa niya ako sa'yo."
Pareho nang naglakad patungo sa kinatatayuan ng aming mga kasamahan.
"S-Si Tatay Gabo talaga. Dinamay pa ako," bigkas pa nito at tumawa na lamang muli.
"Alam mo namang madalas lang 'yong nagpapatawa," bigkas ko.
Napatawa na lamang kaming pareho nang kami ay nakabalik na sa kung saan ang iba ay nakatayo.
Isa-isa nang kinuha ang mga bag at gamit. Naghahanda na nang malapit na ang boarding time.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...