KABANATA III: Pag-alok

106 25 1
                                    

Rinig ang huni ng ibon at ingay ng magtataho sabay pagtingin sa orasan alas siyete. Agad na napabangon at ramdam pa rin ang sakit ng ulo kung kaya't nakatulog na pala kagabi rito sa upuang inuupuan ko.

Nalusaw na lamig ng alak at makalat na sala ang bumungad sa aking mga mata. Napahimas sa mukha sabay pag-ayos ng buhok at napatayo kung kaya't napasilip sa bintana na ang tanging tanaw ay ang liwanag ng araw.

Napahinga ng malalim at napailing, sinimulang ayusin ang mga kalat sa sala upang ito nama'y maging kaaya-aya. Napatingin muli sa papel na nakalapag sa mesa at napapikit pagkatapos ay ipinatong ito sa taas ng mga librong nakahilera sa kabinet. Nagmamadaling inayos ang mesa, kinuha pati na rin ang bote ng alak na pawang may laman pa kasabay ang mga upos ng sigarilyo upang walang bahid ang kalat.

Agad na tumungo sa kwarto, naghanap ng masusuot sa araw na ito. Kailangan ko ba talagang pumunta roon at kausapin ang mga naroroon? Napailing, napahinga ng malalim kumuha ng damit at inalapag ang mga ito sa kama.

Sinimulang hubarin ang damit pagkatapos ay ibinalot ang tuwalya sa baywang. Walang ganang kumain kung kaya't napag-isipang maligo na lamang. Pumasok sa banyo, binuksan ang paliguan, bitbit pa rin ang sakit ng ulo na natatamasa. Binasa ang buhok kasabay na rin ang pag-iisip ng malalim, tila bang napatigil, natulala habang dire-diretso pa rin ang pag-agos ng tubig.

Ilang minuto'y natapos nang maligo, binalot muli ang beywang ng tuwalya pagkatapos ay lumabas. Tila bang gumaan ang pakiramdam ko kasabay ang pagpapatuyo ko ng buhok. Nagbihis, nag-ayos ng sarili, suot-suot ang kulay puting polo't kulay asul na pantalon sabay suklay ng buhok at nagpabango.

Kinuha ang bag kung kaya't napagpasyahang umalis kasabay ang pagpaandar ng sasakyan upang ito'y ilabas sa garahe. Isinara ang gate at ngayo'y pumasok muli sa sasakyan, sinimulang humarurot sa daan at tuluyang lumisan.

Landas patungong opisina kung kaya't hindi natatanaw ang ganang magpakita sa kanila. Anong dahilan ng pagtawag nila sa akin kung kaya't hindi naman kinakabahan.

Ilang minuto'y lumipas, narating ang paroroonan, agad namang pumasok nang naipark na ang sasakyan. Tumungo sa elevator upang makarating sa opisina.

"Oh Lance, sakto. The production team is now in the meeting room. Hinihintay ka na nila." bigkas ni Rex nang nakita niya akong naglalakad patungong opisina.

Rex, Rex Vargas. Isa sa mga screenwriters ng Andromeda Films. Siya rin ang naging kasabayan ko rito sa script department kung kaya't si Jim naman ay nasa location department.

"Tss. Seryoso ba talaga 'yan bro? Bakit ba nila ako tinawag? Dahil ba 'don sa nangyari kahapon? You know what Rex, I was about to write a resignation letter at buo na ang loob kong mag-resign. Kailang---" sunod-sunod na paghabi ko ng salita kung kaya't hindi ko na natapos ito nang may isang boses na lumitaw sa harapan naming dalawa.

"Resignation Letter? Hmm. Think of it twice. Halika na, they are waiting for you in the meeting room." pagsulpot ng boses ni Mrs. Javier, isa sa mga production managers, at ito'y dumiretsong naglakad papasok ng kwarto.

"S-Sige na bro. Pumunta ka na roon. Good Luck." salita na lamang ni Rex kasabay amg pagtapik niya sa balikat ko't nagsimula naman akong maglakad patungo roon.

Naglalakad, tila bang nagdadalawang-isip. Hindi ko na alam. Ipinatuloy muli ang paglalakad hanggang sa narating ang pupuntahan. Tila bang blangko ang kanilang mga mata nang ako'y pumasok, ano bang iniisip nila? Tumango na lamang at huminga.

"Mr. Samaniego, dumating ka. Take a seat." pagbati naman ng isa sa mga producers habang ako nama'y umupo na.

"Let's get into the bush, ba't niyo ako pinatawag? By the way, this is my resig---" tuloy-tuloy kong pagbigkas kung kaya't naudlot ito nang agad na nagsalita ang isa sa mga producers.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon