Makulimlim na hapon, rinig ang pagkulog at pag-ilaw ng kidlat sa labas ng bintana. Mga nakakalat na bote ng alak at mga upos ng sigarilyo ang nakikita sa sahig ni Lance.
Siya ay pawang walang malay, nakahiga sa kanyang kama. Tila bang mga mata nito ay kitang-kita ang pamamaga’t pagbigat.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto ng kanyang kwarto na tila bang wala nang doorknob. Ganoon na lang din ang pagbungad ni Tatay Gabo, dala-dala ang isang tray ng pagkain at inilapag ito sa mesa.
“B-Boy, sorry sinira namin ‘yung doorknob ng kwarto mo. Ikaw kasi eh, hindi mo pa kami pinagbuksan. Aligagang-aligaga na kami kung ano nang nangyayari sa’yo dito,” wika ni Tatay Gabo habang pinagmamasdan ang pagtulog ni Lance.
“Tay, nandito na ‘yung doktor,” saad pa ni Jim nang ito ay pumasok sa kwarto.
“S-Sandali, liligpitin ko muna ang mga kalat---”
Hindi na natapos ni Tatay Gabo ang sasabihin niya nang nagsalita muli si Jim.
“Tay, ako na. Magpahinga ka na muna, kanina ka pa nakabantay diyan kay Lance. Kausapin niyo na lang muna ‘yung doktor,” bigkas ni Jim sabay pagpulot niya ng mga nakakalat sa sahig.
Ngumiti na lamang ito pati na rin ang pagtapik kay Tatay Gabo. Agad nang lumabas si Tatay Gabo upang kausapin ang doktor. Habang naiwan na lamang si Jim sa kwarto ni Lance nang ito ay nagliligpit ng mga kalat.
“Doc, good afternoon po,” pagbati ni Tatay Gabo sa doktor.
“Good Afternoon. Pasensya na natagalan ako, ang lakas ng ulan.” Mga salitang binitawan ng doktor kasabay ang pagkamay nilang dalawa.
“Dapat ako nga ‘yung magpasensya sa inyo, pinapunta pa kita rito ng ulan.”
“Tay, it’s okay. I’m Lance’s doctor,” sagot pa ng doktor.
Nagpalitan ng pagngisi ang dalawa at nagsimula muling magsalita si Tatay Gabo. “T-Talaga po? Sakto naman ho. Halika na Doc, nasa kwarto si Lance. Hindi pa rin gumigising.”
“He never woke up?” tanong ng doktor nang ito ay nilapitan si Lance.
“Yes Doc, nilipat lang namin siya dito sa kama niya. Kagabi, panay ‘yung katok namin hindi na siya namin naririnig kaya napilitan kaming sirain ‘yung doorknob ng kwarto.” Mga salitang binitawan ni Tatay Gabo kasabay ang pagtingin ng tatlo sa sinirang pinto.
“And we saw him, nakahiga na lang dito sa sahig pati na rin ang mga basag na bote at upos ng sigarilyo... nakakalat din,” dagdag ni Jim.
“Okay... I think, he’s deeply drunk kaya siguro hindi pa siya nagigising sa ngayon,” tugon ng doktor. “B-Bakit nga ba siya nagkakaganito?” dagdag pa ng doktor.
Huminga na nang malalim si Tatay Gabo, maging si Jim ay napailing na lang. Tinapik ni Jim ang balikat ni Tatay Gabo upang siya na lamang magsasalita.
“Sa totoo lang Doc, he was so strange lately. Hindi lang lately kung hindi matagal-tagal na rin,” pangungusap ni Jim.
“Why? What’s wrong?” tanong muli ng doktor.
“He was so strange because of his fiancé---” wika ni Jim.
“W-Where is his fiancé?” pagtatanong ng doktor.
“Doc, A-Aya is dead, six years ago. She died on their supposedly wedding day because of a car accident.” Mga paliwanag na ibinigkas ni Jim kasabay ang pagbuntong-hininga.
“L-Lagi niyang bukambibig si Aya, Doc. Sabi niya pa, nakikita niya si Aya, nagkausap sila, nagkasama, nahahawakan niya.” Mga salitang binigkas ni Tatay Gabo ang nagpatigil sa kanilang lahat.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...