KABANATA II: Pag-alangan

156 30 10
                                    

"Cut!" sigaw ng direktor nang natapos ang isang bahagi ng eksena na kanilang ginagawa.

Agad namang nagpahinga sandali ang mga talents kasabay ang pagpunta nila sa kani-kanilang tents ganoon din ang mga staffs habang ako nama'y lumihis muna ng landas upang manigarilyo.

Sinindihan ang isang piraso ng sigarilyo na para bang nagtatago upang hindi ito mahalata ng ibang tao. Subalit sa aking paghithit sa ikatlong pagkakataon ay hindi namalayang may taong kumalabit sa aking balikat at ako nama'y napaigtad nang nasilayan kong nakatayo sa aking harapan ang isang lalake sabay pagtago ko naman ng sinindihang yosi.

"Bro, ano 'yang hawak mo? Yosi na naman 'yan ano? Bro naman, mukhang napapadalas na' yan ah. Baka may makakita pa sa'yo, yari tayo diyan pagnagkataon. " bigkas naman nito nang napailing ito habang hinithit kong muli ang sigarilyong hawak ko.

Jim, Jimmuel Larrienza, isa sa pinagkakatiwalaan ko sa trabahong ito, isa sa mga location managers at in-charge sa kung saan ngayon nagaganap ang taping. Matagal na kaming magkakilala't pawang magkasabay na ring pumasok sa Andromeda Films.

Andromeda Films, isa sa pinakatanyag na film production company sa henerasyong ito. Hindi mo aakalain na para bang lahat ng tao'y gustong magtrabaho sa kompanyang kinabibilangan ko.

"Bro, hayaan mo na ako, please. Sige na bumalik ka na ron." sagot ko nang tiningnan muna ito ng ilang segundo habang hinithit muli ang sigarilyong hawak ko.

"Hindi eh, may problema ka bro, kilala kita. Ano, tungkol ba 'to sa sinabi mo sa' kin kagabi?" pagbigkas muli ni Jim kasabay ang paglapit sa aking kinatatayuan at napailing na lamang ako.

"Tangina naman kasi Jim eh, kinalimutan ko na, ba't parang bumabalik na naman?!" sagot kong muli nang napahakbang ng dalawang beses kasabay ang paghithit muli ng sigarilyo kung kaya't napakumot na lamang ng kamao at nainis ng bahagya.

"Alam mo Lance, sabihin ko nalang sa'yo, mahirap 'yan bro, mahirap. Basta, just make it sure na mawawala na iyan. Ang init pa naman parati ng ulo mo." ani pang muli ni Jim kasabay ang pagtapik ng balikat ko' t ito'y napailing na rin.

Tila bang wala ako sa sarili ko simula't sa simula pa ng araw na ito. Puyat, walang tulog, ni nararamdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko.

"Bro pa'no ba? Alam ko namang-" bigkas kong muli kasabay ang pag-iling ko kung kaya't hindi ko na natapos ang sinabi ko nang agad itong nagsalita.

"Just make yourself busy with other stuffs. Focus on what you are doing now, it could help you." pangungusap muli ni Jim nang napatigil ako sa paghithit ng sigarilyo sa mga sinabi niya.

Nagpalaboy na lamang ng usok kasabay ang huling hithit nito nang ito'y naubos na. Napailing na lamang at huminga ng malalim upang maging maaliwalas ang aking nararamdaman.

Aakmang itatapon ang upos ng sigarilyo sa basurahan malapit sa kinatatayuan naming dalawa kasabay naman nito ang paglapit ng isa sa mga personal assistant ng direktor.

"Sir Lance, magsisimula na po ulit 'yung taping." ani pa nito kasabay ang pagtango' t pagsagot ko ng "Sige, susunod na ako."

Tuluyang itinapon ang upos ng sigarilyo't sabay pagkuha ng mouth spray sa aking bulsa at ito'y ginamit. Ibinulsa muli ito at nagsimulang maglakad kasabay si Jim pabalik ng area.

Pumwesto malapit sa kung nasaan nagbibigay ng direksyon ang direktor habang nagmamasid sa kung anong gagawin ng mga aktor. Unti-unting nagbibigay ito ng senyales upang ang eksena'y simulan na.

"Put your characters in the positons. Observe blocking. Scene twelve, take one, external. Cameras rolling in three, two, one. Action!" sigaw ng direktor kasabay ang panonood ko kung kaya't babantayang maigi ang pag-atake ng mga aktor sa eksena.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon