KABANATA XXXVII: Malamig na Luha

34 4 1
                                    


Mag-a-alas nwebe ng gabi sa relos. Narito muli sa sasakyan, inihinto nang nasa harap na ng bahay, napasandal, hindi maramdaman ang sarili. Napalukot ng kamao’t nagagawa ay paghampas ng manobela. Hinanap siya sa kung saan-saan ngunit tila bang hindi ito natanaw.

Ako na lamang ay unti-unting bumaba, isinara ang pinto ng sasakyan. Pumasok na sa loob ng bahay ngunit tila bang walang katao-tao’t bukas ang mga pinto.

Bumibigat na mga mata, namumuong mga malalamig na luha. Pamumula ng mga kamay at hindi maintindihang mukha. Ako na lamang ay dumiretso sa kusina, kinuha ang mga alak pati na rin ang isang pakete ng sigarilyong nakapatong sa la mesa.

Napabuntong-hininga, hinayaan na lamang ang pagbagsak ng mga luha. Tumungo na sa kwarto, isinara ang pinto’t mga patay na ilaw. Gusto ko na lamang magkulong at mabaon sa lahat ng mga nararamdaman ko.

Inihithit ang sinindihang sigarilyo kasabay ang paglaklak ng alak sa lalamunan. Papalit-palit at paulit-ulit, pawang na-e-enganyo muli sa ganitong klaseng mga bisyo.

Walang salitang binibigkas, ginawang pabango ang amoy ng usok at alak. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luhang hindi alam kung kailan titila.

Palibot-libot dito sa loob ng kwarto, panay ang pagpikit. Hindi na napigilan ang sarili’t napasigaw na lamang sa hangin. Ganoon na lang din ang pagkawala sa balanse kung kaya ay natabig ang mga nakapatong na gamit sa mesa’t naupo na lamang sa sahig.

Rinig ang pagkalampag nito’t nabuhusan na lamang ng alak sa damit. Ganoon din ang pagkarinig ng mga pag-apak ng paa sa labas ng kwarto at mga malalakas na pagkatok sa pinto.

“B-Boy?! Andiyan ka ba? B-Buksan mo ‘tong pinto,” boses na narinig ko’t alam kong si Tay Gabo iyon.

“Huwag ganito bro, please. Pwede naman natin ‘tong pag-usapan eh,” rinig din ang wika ni Jim.

Natawa na lamang ako sa mga sinasabi nila. Patuloy pa rin ang paghithit ng sigarilyo at pagbukas muli ng bote ng alak.

“Lance, buksan mo na ‘tong pinto...” paglitaw ng isang boses na tila bang natigilan ako.

“A-Aya, ikaw ba ‘yan?” pagtatanong ko.

“S-Si Lara ‘to, Lance. Open the door, please.”

Napahawak na lamang ako sa aking buhok, napapailing. Ibinuhos muli ang alak sa lalamunan at pinahiran ang luha.

“H-Hindi, umalis na kayo. I don’t need all of you!” pagsigaw ko.

“L-Lance, si X-Xavier ‘to. Pwede ba tayong mag-usap?” pagbigkas ni Xavier na pawang rinig na rinig ko.

Napangisi ng bahagya, ako na lamang ay napatabon ng mukha’t may gana pa pala ‘tong gagong ‘to na makipag-usap.

“L-Lance, pasensya na sa mga nagawa ko---” pagputol nito nang agad akong nagsalita.

“UMALIS KA NA!” pagsigaw ko sa kanya.

“Umalis na kayo, hindi ko kayo kailangan!” dagdag ko pa sabay pagtapon ng bakanteng bote sa pinto at ito ay nabasag.

Pagmukmok, paghithit pa rin ng sigarilyo ang nagagawa kasabay ang pag-ubos ng alak. Tiningnan na lamang ang bote nito’t mariin ang pagkahawak.

Ganoon na lang din ang pag-alala ng isa sa mga pangyayaring naging balakid ng aking kasiyahan, ang aming kasal ni Aya.

Noo’y naroon sa bahay ni Xavier nang iyon ay ang kanyang kaarawan. Ako’y kagagaling lang sa isang tawag habang hawak-hawak ang walang laman na bote ng alak.

Ako noo’y pabalik sa aming mesa sabay pagbulsa ng telepono ngunit tila bang natigilan na lamang ako nang nakitang nag-uusap sina Aya at Xavier at sila ay pinakinggan na muna.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon