Naglalakad, pilyo, tulala. Ewan ko ba, nagpapakalasing na naman. Suot-suot ang isang kulay itim na sling bag sabay pagsuot din ng aking sumbrero.
Narito ngayon, nakaupo sa harap ng isang dagat na tanging tanaw lamang ay ang paglubog ng araw. Hindi ko alam kung bakit ako nandito, hindi ko alam kung bakit ang aga pa nagpapakalasing na ako.
Hinugot ang isang basyo ng sigarilyo at bumunot ng isa. Kinuha sa bulsa ang lighter at isinindi ito. Tila bang nagpapakasasa na lamang sa usok ng sigarilyo't pabalik-balik itong hinihithit hanggang sa maubos.
Bahala na kung mahuli man, gusto ko lamang mapag-isa at mag-isip ng susunod na gagawin. Hindi namalayan ang oras, sabay paghithit ng pangalawang sigarilyo na hinugot ko galing sa basyo nito.
Isang magandang imahe ang bumungad sa aking mga mata. Isang babaeng nakaupo sa kung nasaan ako ngunit tila bang malayo kung aabutin ito. Tila bang bumilis ang kabog ng puso't pawang humina ang takbo ng panahon, ako'y napaigtad na lamang at paulit-ulit na ipinikit ang mga mata. Para ba itong malungkot at hindi malaman ang dahilan. Tinitigan muli sa pangalawang pagkakataon sabay pagkunot ng noo ko.
Napag-isip na lapitan ito kung kaya't hindi na natuloy nang napatingin ito sa mga mata ko. Ito'y napatayo at napalihis na lamang ako ng tingin sa papalubog na araw.
Ewan ko ba, tila bang bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakataong iyon. Ngayo'y napahithit ng sigarilyo at pawang may nararamdaman akong hingalo galing sa tenga ko. Napalingon ng hinay-hinay sa likuran ko't laking gulat ang babaeng kanina ko pa pinagmamasdan ay nasa likuran ko na ngayon.
Napausog ng upo, sabay paglapag ng upos ng sigarilyo katabi sa kinauupuan ko. Nag-alinlangang kausapin kung kaya't pawang naninibugho ito. Hindi pa rin maggawang tumagpi ng mg salita kung kaya't napapatulala na lamang sa kanya.
"Ah, miss? B-Bakit po? M-May kailangan ba kayo?" pag-alinlangan kong sagot sabay pagusog ng kaunti sa kinauupuan ko nang hindi ko inaasahang tumabi ito sa kung nasaan ako ngayon.
"Porket lumapit ako sa'yo, may kailangan na agad? B-Bakit kayong mga lalake, ang tingin niyo sa'ming mga babae ay nandyan lang kapag kailangan kayo? Ibahin niyo naman ako sa mga babaeng iyon. Binigay ko na ang lahat, b-bakit-" pagdahilan nito na para bang napailing na lamang ako' t hindi ko naiintindihan ang mga sinsasabi nito.
Bigla akong napaigtad na tila bang parang siya ang lasing sa aming dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko na sa tuwing bibigkas ito ng mga salita ay pawang nararamdaman ko ang kirot nito.
"T-Teka miss, a-ahh, hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Easy ka lang, baka kung ano pang sabihin ng mga taong nagtitingan na s-sa atin," bigkas kong muli sabay pagtitinginan na ng mga tao na ngayo'y nagtataka na.
"B-Bakit?! A-Ano bang pakialam nila?!" sigaw muli nito sabay pagtayo sa kinauupuan namin ngayon habang tinitingnan ang mga tao na para bang nanlilisik na ang mga mata nito.
"M-Miss, chill ka lang. Baka akalain nilang inaaway kita. Ako pa madehado nito. U-umupo ka na," pag-awat ko sa kanya at ito'y napaayos naman nang hinawakan ko ang mga kamay nito upang hindi na ito makagalaw pa.
"T-Teka nga. A-Ano ba?!" sigaw muli nito at inawat muli.
"M-Miss please!" bigkas ko sa kanya.
Tila bang sa pagkakataong iyon ay tumahimik itong bigla na hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip nito. Napaayos ng upo habang napakunot ng noo nang tinitingnan ko ito. Kumuha muli ng sigarilyo at sinindihan ito. Hindi ko alam, hinayaan nalang muna ito at napabuntong-hininga na lamang.
Pinausok ng dalawang beses subalit sa pangatlong pagkakataon ay tila bang hinugot nito ang nakasinding sigarilyo na hawak ko at ito'y hinithit. Ako'y nagulat tila bang ako ri'y nagulantang, ano ba talagang nangyayari sa babaeng ito?
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...