"A-Aya, will you be my girlfriend?"
"Girlfriend ko na si Aya!"
"Happy Graduation to us, Love. College na tayo."
"Steady lang Love, kukunan kita ng litrato."
"I always set aside my decisions just because of you!"
"Nagsisisi ka?! Sabihin mo---"
Biglang napamulat dahilan ng mga salitang bumubulong sa magkabilang tenga ko.
Agad na napasandal sa upuan kung kaya't napaidlip pala nang hindi namamalayan. Narito sa opisina, nakabukas na laptop, makalat na mesa, nanlalamig na kape sabay paghawak sa ulo ko't pumipintig ito.
Huminga ng malalim, napapailing, ikalawang beses na nangyari ang lumilitaw na mga bulong ng hangin.
Biglang bumukas ang pinto habang inaayos ang kalat sa mesa. Bumungad sa aking presensiya ang papasok na si Rex.
"Oh Lance, ba't parang nagulat ka yata? Hangover lang 'yan bro." bigkas ni Rex na tila bang natatawa pa ito pabalik sa upuan niya.
"Tarantado kayo." ani ko na lamang sabay pagtuloy ng pag-aayos ng gamit sa mesa.
Tila bang napangisi na lamang ito dahilan ng paglapit niya sa kinauupuan ko.
"Lance, pasensya na. Hindi ka naman mabiro eh." bigkas nito sabay pag-upo sa upuang nasa harap ng mesa ko.
"Anyare sa'yo?" pagtataka ko't napakunot naman ang noo nito.
"A-Akala ko ba nagtatampo ka? Pasensya na talaga bro---" banat pa nito at napangisi na lamang sabay pag-ayos ng mesa.
"Sira. Hindi naman 'yan 'yung kaso eh. Wala lang ako sa mood, bro." pagtumbok ko sabay pagsara ng laptop.
"'Yun naman pala eh, akala ko naman. Teka, ba't ka ba kasi nagkakaganyan?" sagot pa ni Rex nang pumalapit ito't napatukod ng siko sa mesa.
"Wala nga, sige na, diba may meeting kayo with Direk Art?" bigkas ko't napasandal na lamang ako.
"Oo, mayamaya. Sabihin mo na kasi, iniiba mo 'yung usapan eh." pagdiin pa nito.
Biglang bumukas muli ang pinto't kasabay ang paglingon naming pareho. Bumungad ang nakatayong si Jim na nag-aabang sa pintuan.
"Jim, napadalaw ka? May problema ba?" pagtatanong ni Rex at ito'y napatayo sa kinauupuan nito.
"Hinahanap ka na 'yata sa conference room. Narinig kong hinahanap ka ng PA ni Direk Art." ani pa ni Jim nang pumasok ito nang tuluyan sa opisina.
"Talaga? Sige, mauuna na ako. Kunin ko lang 'tong folder." sambit ni Rex na agad namang kinuha ang folder sa mesa nito. "Kausapin mo nga 'yan Jim, mukhang may iniisip na naman." dagdag pa nito't tinapik ang balikat ni Jim habang naririnig ko ang sinabi nito at tuluyang lumabas ng opisina.
"Uy Lance, no tapings today?" pagtatanong ni Jim sabay pag-upo sa upuang inupuan ni Rex kani-kanina.
"Mayroon, napaaga lang 'yung pack-up. Nagka-emergency kasi si Sam, pinayagan na lang namin. Sayang nga ang oras eh, madami-dami pa sanang i-sh-shoot ngayon." pagsagot ko habang napapayuko na lamang.
"'Yan ba 'yung iniisip mo?" pagtatanong nito dahilan ng pag-ahon ko sa pagkayuko. "Rex told me, natutulala ka na naman. Sabihin mo nga sa akin bro---" dagdag niya pa at napangisi na lamang ito.
"Jim---"
"Why can't you say it?" pagdiin pa ni Jim dahilan nito ang pagkumot ko ng buhok.
"Okay fine. Hindi ko lang masabi dahil hindi ko alam kung paano sasabihin." sagot ko sabay sandal sa upuan.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...