KABANATA XVIII: Hindi Makapaniwala

33 7 0
                                    

Ngayo'y nasa kwarto ng resort, mag-isa. Inaalala ang eksena kanina na parehong-pareho sa nakagawiang alaala ng nakaraan.

Dati'y naroon sa bundok na kung saan kami nalalagi, may tent, puno ng mga pagkaing nakalatag sa mesa. Naisipan noong mag-picnic na ang tanging dahilan ay mag-propose sa kanya.

Hinihintay ang takipsilim, naghahanda ng bonfire sa aming tabi. Tila bang itinuturing napakaromantiko ng gabing iyon.

"Hawakan mo ang aking kamay upang tayo'y maging masaya," pangungusap ko.

Inilahad ang parehong mga kamay sa kanyang mga palad upang siya'y masayaw sa tinig ng mga ibon at palaspas ng hangin. Parehong nakatitig sa aming mga mata't ngiti lamang ang nanalantay sa aming puso at labi.

"Tingnan mo ako sa mga mata't sabihing nabibighani ka," pangalawang pangungusap ko.

"L-Lance, ano 'to?" pagtataka na kitang-kita sa kanyang mata't napapangisi na lamang.

Hinigpitan pa ang paghawak sa kanyang mga kamay na nanginginig na.

"Damhin ang pintig ng puso ko na ngayo'y nagwawala na," pangatlong pangungusap ko.

"Love, I always feel it," sagot niya pa.

Ngumisi ako na pawang rinig na rinig na ang bawat tibok ng puso ko.

"Tatlong salita na gustong sabihin ngunit ako'y kinakabahan... Aya, mahal kita."

Sa ika-apat na pangungusap tila bang nanginginig ang mga binti at ngumisi sa kanya. Siya'y puno pa rin ng pagtataka hanggang sa binunot ang isang bagay sa aking bulsa na para bang nagpaluha sa kanya.

"Maria Aya Ramirez, will you be... my wife?" wika ko sabay pagpakita sa kanya ng singsing na para bang nagpabuo ng mga luha ko.

Siya'y napatabon sa kanyang mukha, nakikita'y tumutulo na mga luha. Hinihintay pa rin ang sagot na tanging inaasam habang ako'y nakaluhod, nakatingala sa kanya.

Siya'y tumango at ngumisi. "Y-Yes, Lance. Yes, Love."

Pagsagot niya at agad na isinuot ang singsing sa kanyang daliri. Kinarga ito dahilan ng sobrang saya na naramdaman ko.

Pawang hindi masukat-sukat ang saya na natamasa sa araw na iyon kasabay pa ang saksing takipsilim na nasisiyahan din noon. Iyon na ata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.

Napapawi na lamang ng luha, tila bang sa pag-alala sa araw na iyon ay hindi saya ang natamasa kundi lungkot na dumadaloy sa nararamdaman ko.

Napatayo na lamang at ayaw nang makita ang nanghihinang sarili. Kinuha na lamang ang sigarilyo't lighter sa bag upang lumabas sa kwartong kinabibilangan.

Dumiretso sa dalampasigan, mag-isa sa lawak ng dagat. Nag-iisip, nagmuni-muni at sinindihan na lamang ang yosing hawak-hawak. Hindi na inisip pa kung mahuhuli man.

Narito, nakatayo sa buhangin na ang harap ay dagat. Nagpalaboy pa rin ng usok. Nararamdaman ang lamig ng paghampas ng alon sa aking mga paa kung kaya't hinubad ang tsinelas na ngayo'y naka-paa lamang.

Binabaybay ang lawak ng dagat at nakatanaw sa pag-usbong ng buwan na kanina'y palubog na araw. Katatapos lang ng taping, sila'y naroon sa kani-kanilang mga kwarto habang ako nama'y tumungo muna rito upang magmuni-muni.

Ninanamnam ang hanging bumabalot sa akin at ibinulsa ang kaliwang kamay. Lumilingon, kaliwa't kanan ngunit sa muling pagtingin sa aking kaliwa ay natanaw ang nakatayong babaeng nakatitig sa aking tindig.

Isinawsaw sa dagat ang sigarilyong hawak-hawak upang baga'y mamatay at ibinulsa na lamang ang upos nito upang hindi mahalata.

Naguluhan, parang hindi makapaniwala sa aking nakita, si Czea. Agad na tumungo sa kanya, natantong ba't naparito siya?

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon