"Aya?" bigkas ko habang hawak ang balikat nito kung kaya't tanging saad ng isip ko.
"Lance?" bigkas nito't lumingon kung kaya sa pagtingin sa kanyang mata ay bumungad si Czea.
"A-Anong ginagawa mo? S-Sinong Aya?" batid nito habang lito pa rin ang nasa isip ko.
"Cz-Czea? Pasensya na." sagot ko at napatango na lamang sabay pagtalikod.
"Lance, sandali." pagpigil niya sabay paghawak niya sa aking braso.
Napatigil muli habang ito'y kinalas agad ang pagkahawak niya sa aking braso. Unti-unting humarap sa kanya't itinaas ang noo.
"Sorry, hindi ko sinasadya." bigkas pa nito habang napangisi na lamang.
"O-Okay lang." ani ko. "Saan ka ba?" dagdag ko habang napabuntong-hininga na lamang.
"Pauwi na sana." sagot niya sabay pagtango nito.
"Busy ka ba? I just need someone to talk to." wika ko habang napapayuko na lamang na baka hindi niya tatanggapin ang alok ko.
"Sure, saan ba tayo?" pagtugon niya't napangisi na lamang ako.
"Dito na lang." sagot ko habang naglalakad patungo sa upuan. "Salamat nga pala." dagdag ko't napaupo na kaming pareho.
"Sira, parang hindi naman 'to kilala." ani niya sabay pagngisi naming dalawa. "Bakit, ano na naman ba 'yang bumabagabag sa isip mo? May problema ba?" dagdag pa nito't napasandal sa upuang inuupuan namin ngayon.
"Ah---" pag-utal ko nang hindi mabigkas-bigkas ang sasabihin.
"S-Sino ba 'yung Aya? B-Bakit mo ko tinawag na Aya?" pagtataka nito habang hindi pa rin masabi-sabi ang dahilan kung kaya't napabuntong-hininga na lamang.
"S-Si Aya? She's my friend." pagsagot ko nang hindi mabigkas-bigkas ang katotohanan.
"Talaga? P-Parang hindi eh. Is she your girlfriend?" bigkas muli nito't nagulat sa mga sinabi niya. "Huy, talk to me. Akala ko ba gusto mo ng kausap, hindi ka naman sumasagot." dagdag niya pa't nilalaro ang kanyang kamay habang nakayuko.
Hindi ko alam kung papaano sisimulan. Tila bang hinahatak ako ng pagkakataon na tanging kaba ang nararamdaman ko. Tumingin na lamang muli sa kanya't napabuntong-hininga.
"Actually tama ka, she is." pagsagot ko't napatango.
"Ano bang nangyari? I-Ito ba 'yung sinasabi mong kinalimutan ka na?" tanong niyang muli na tila bang kinakabahan na naman.
"Oo. Siya nga." utal ko at napatango na lamang.
"Bakit, bumalik na ba siya?" tanong niyang muli.
Ano bang sasabihin? Tila bang walang kakayanang tumagpi ng mga salita. Pisil-pisil na lamang ang kamay at humugot ng lakas.
"Hindi ko alam, hindi ko alam kung bumalik ba siya o bumalik na." tugon ko na tila bang nalilito ito.
"What do you mean?" pagklaro niya.
"I'm sorry. I see Aya in you. Sa katunayan nga, you look very the same. You even have the same tattoo that matches mine." paliwanag ko habang pinakita mulo ang tattoo-ng nasa pupulsuhan ko't ipinakita niya rin ito.
"Hindi ko alam, naguguluhan na rin ako. Simula noong una tayong nagkita, I was very shocked, I thought you were Aya pero pinili kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong imposibleng mangyari 'yon." dagdag ko pa't tila bang naluluha na ako habang siya nama'y hindi rin makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"I-It's okay, you don't need to say sorry. N-Naiintidihan naman kita. Kaya pala, no'ng nasa bundok tayo to see the other side of sunset, sinasabi mong sana maalala ko." pangungusap niya habang napatango na lamang ako.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...