KABANATA XX: Kasama

38 9 0
                                    

Kay laking hapon ang natatanaw, ngayo'y binabaybay ang daan pabalik ng Maynila. Nagpalipas ng gabi nang bumisita kanila Tatay Gabo sa Cainta. Nanatili na lamang doon hanggang kaninang tanghali.

Binabagtas pa rin ang kahabaan nitong daan subalit pawang nararamdan ang antok sa aking mga mata. Nagpatuloy na lamang upang makabalik na ng maaga sa bahay.

Dinaan ang baybay na parating pinalalagian, napagtantong tumigil na lang muna upang pagmasdan ang takipsilim at makasimot ng preskong hangin. Ipinarada ang sasakyan sabay baba rito at umupo sa upuang tanaw ang lawak ng dagat.

Napabuntong-hininga at napasandal sa upuan. Napapanaghoy kasabay ang pagtanaw nitong obra ng mundo. Tila bang naghahangad na naman, naghahangad na sana'y makitang muli si Czea dahil matagal na rin kaming hindi nagkikita.

Gustong-gusto siyang hanapin ngunit hindi alam kung saan ito hahanapin. Walang ibang alam na tungkol sa kanya, napakamisteryoso ba't tanging alam lang ay nagtatrabaho ito sa Q.C. at may kaugnay ito kay Xavier. Ngunit pawang ang lalakeng 'yon ay panay lang ang pagtanggi.

Sa paglubog ng araw pa rin nakatingin pawang ito ang nagpapagaan ng loob ko. Mga tao ay nasisiyahan din na pawang takbuhan na rin nila ang lugar na ito. Walang sinuman ang nakikitang malungkot.

Naalala pa ang dati nang kami ni Aya ay tanging saya lang ang nalalagi sa aming mga mata habang nakatanaw lamang sa kagandahan ng paglubog ng araw nang naroon sa bubundok na aming nilalagian.

"Love, halika na. Nakalapag na ang picnic natin," wika ko pa noon nang kami ay nasa kolehiyo pa.

"Sandali... Huwag kang gagalaw, ganyan lang. Ayan, kukunan kita ng litrato."

Ako'y kinunan ng litrato, hindi mawari kung anong posisyon ko noon. Pawang tinatawanan pa ako nito dahilan ng pagtakbo ko papunta sa kanya.

"Ikaw ha, pinagtatawanan mo pa ako. Lagot ka sa'kin ngayon!" sigaw ko pa at hinabol ito nang tumakbo pa papalayo.

"Habulin mo muna ako," pang-aasar pa niya.

"Gusto mo ha?" bigkas ko pa at hinabol muli ito. "Ano ba, para tayong mga bata," dagdag ko habang ito'y panay pa rin ang pagtawa.

"Eh bakit ba? Wala namang tao ah," pang-aasar niya pang muli.

Hinabol pa ito na nagpapagaan na lamang ng loob at napangisi. Kinuha na ang kamerang hawak niya noon nang naabot na ito. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatid ko ang kanyang paa dahilan ng pagkatumba naming dalawa.

Kami'y nahiga nang siya'y nasa ibabaw ko na, sobrang lapit ng aming mukha na kung gagalaw ay mauuntog na. Tila bang huminto ang mundo sa oras na iyon habang nakatitig pa rin sa kanyang mga matang nangungusap.

Hindi tumigil at ito pa'y humirit muli. "Ano? Hahalikan kita ngayon," bigkas niya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Ngumisi ito at sa aking paggalaw ay idinaplis ko ang labi ko sa kanyang labi upang ito'y tumahimik.

"I already did," mapanghibok kong bulong sa kanya at siya nama'y naigtad.

Siya'y biglang napatayo at pawang hindi makapaniwala. Agad naman din akong tumayo upang tumungo na lamang sa hinandang picnic.

Napangiti na lamang habang inaalala ang nakaraan. Tila bang halong emosyon ang nararamdaman na sana'y bumalik na ang lahat. Natanaw na lamang muli sa araw na ngayo'y humalik na sa karagatan. Napahinga ng malalim at napatingala na lamang.

Napag-isipang umalis na kung kaya ay tumayo na upang dumiretso na sa sasakyan ngunit sa pagtapak ko ng aking kaliwang paa ay nabangga ang nakasalubong ko habang ako ay nakayuko.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon