Panibagong araw ang nakita sa bintana, saktong-sakto walang ulan, matirik ang araw. Ako na ay napabangon sa aking kama, tila bang saya ang natatamasa. Kasabay ang pagbungad ni Aya papasok ng kwarto't bihis na bihis.
"Love, gumising ka na. Ma-la-late ka na," wika niya sabay pagtingin nito sa salamin.
"S-Sunday ngayon, Love. Wala kaming trabaho," sagot ko.
Ito na lamang ay natawa at muling nagsalita. "Tama nga pala... O siya, aalis na ako. Nagluto na ako ng almusal. Hintayin mo ko mamaya, babalik ako."
"Bye Love! Wala bang kiss diyan?" pagtawa ko't pang-aasar sa kanya.
"Hay nako... Mamaya na, sige na aalis na ako. Bye," natatawa niyang sagot.
Ito na ay tuluyang lumabas ng kwarto at ako na ay agad na umahon sa kinahihigaan sabay pagsilip sa kanya sa bintana nang ito ay papalabas ng gate.
Ngumiti na lamang ako at napasandal sa dingding. Pawang iba nga talaga ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa mga nagdaan.
Iniligpit na ang kama at inayos na ang buhok nang ako ay humarap sa salamin. Aakmang lalabas na ng kwarto ngunit sa pagtingin ko sa pinto ay tila bang wala itong doorknob.
Ako na lang ay napailing, ngumiti ng bahagya at tuluyang lumabas ng kwarto.
"B-Boy? O-Okay ka na? W-Wala---" pagputol ni Tatay Gabo nang agad akong nagsalita.
"Nako Tatay Gabo, ayan ka na naman. Wala namang nangyari sa akin ah," pagngising tugon ko, "Maghihilamos muna ako."
Huminga na lamang ako ng malalim at tumungo sa labador upang maghilamos ng mukha.
"T-Tay, bakit wala ng doorknob 'yung kwarto?" pagtatanong ko kay Tatay Gabo nang natapos na ako sa paghilamos.
"S-Sinira namin ni Jim. H-Hindi mo kasi kami pinagbuksan eh..."
"Ganoon ba? Pasensya na..."
"Okay lang boy... ako na ang bibili. Dito ka na lang sa bahay," tugon muli ni Tatay Gabo.
"O-O sige," sagot ko.
Ako na ay tumungo na lamang sa hapag-kainan, binuksan ang tabon nito at kumuha ng plato't kubyertos. Agad na umupo kasabay ang pagngisi, hindi maikakailang ito nga ang paborito kong luto ni Aya na adobo.
"Ang sarap nito, Tay. Mukhang mapaparami ang kain ko nito ah," wika ko at isinubo ang unang sandok ng kutsara ng ulam.
"Masarap talaga 'yan, magpakabusog ka diyan."
Itinuloy ko na lamang ang pagkain ganoon din ang pagbungad ni Jim nang ito ay pumasok sa bahay. Ako ay agad na napatango na may halong pagtataka't bakit pawang naparito ito ng madalas.
"B-Bro, mukhang napapadalas na ang pagbisita mo ah?" pagtatanong ko sa kanya nang siya ay lumapit sa akin.
"Bakit ayaw mo bang nandito ako? Baka ma-mi-miss mo 'ko." Pagbiro nito kasabay ang pagtawa nilang dalawa ni Tatay Gabo.
"Jim, ang laswa mo. Sabayan mo na nga lang ako rito," tugon ko na lamang.
"Hindi na bro, kakatapos ko lang ding kumain."
"Sus! Kung ayaw mo, uubusin ko 'tong luto ni Aya." Mga salitang binigkas ko at ako na lamang ay ngumisi ng bahagya.
Tiningnan ko sila sa kanilang mga mata, tila bang iba ito na naging dahilan ng agarang pagkawala ng pagngisi ko. Ako na lamang ay napakunot ng noo at mariin pa rin ang pagtingin sa kanila.
"B-Bakit ganyan ang mga tingin niyo? May nasabi ba ako..." wika ko kung kaya hindi na natapos nang agad na nagsalita si Tatay Gabo.
"B-Bro, si Tatay Gabo ang nagluto niyan," bigkas ni Jim.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...