KABANATA XLII: Bumubuti

28 2 2
                                    

Malamig na ihip ng hangin mula sa bintana. Naririnig ang nakakabinging katahimikan. Tila bang pangangamba ang naiirehistro sa mga mata nilang lahat habang naghihintay sa labas nitong kwarto na kung saan naroon sa loob si Lance.

Puno ng kalungkutan, hindi magawang magsalita na tila bang napaupo na lamang sa nakahilerang mga upuan.

“T-Tay, kumain po muna kayo.” Paglapit ni Lara sa kung saan nakaupo sina Tatay Gabo at Jim sabay abot ng pagkaing hawak-hawak niya.

“S-Salamat hija,” pasalamat ni tatay Gabo nang kinuha nito ang inabot ni Lara, “H-Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala kayo ni Jim.”

Binuhat ni Jim ang kanyang kamay at tinapik nito ang tuhod ni Tatay Gabo. “T-Tay, kailan ba kami nawala sa tabi niyo ni Lance?”

“S-Salamat talaga-a,” tugon ni Tatay Gabo. “Alam nating lahat na tigasin ang ulo nitong batang ‘to pero alam din natin kung gaano niya tayo pinasaya.”

“Oo naman Tay, kaya dapat hindi na tayo malungkot dahil alam naman natin na kung gaano siya katapang diba?” wika muli ni Jim.

Tila bang sa pagkakataong iyon ay nakikita ang unti-unting paggaan ng loob ni Tatay Gabo at nabawasan ang pangangamba. Ganoon na lamang din ang pagngiti ng bahagya ni Jim at maging si Lara.

Ngunit pawang agad namang nawala ang kanilang mga ngiti nang natanaw nila sa hindi kalayuan ang papalapit na si Xavier.

“Xavier? Kapal naman ng mukha para pumunta rito?” bigkas ni Jim nang agad itong tumayo at nilapitan si Xavier.

“Jim, hindi ako pumunta dito para manggulo,” bungad ni Xavier nang ito ay napahinto, “Teka, diba kasama ka rin dito? Pareho lang tayong nagkasala kay Lance kaya huwag kang umastang parang wala kang kasalanan.”

“Ano ba?! Tama na nga ‘yan. Hindi ito ang oras para magsisihan kayo.” Pag-awat ni Lara kung kaya ay  natahimik na lamang ang dalawa.

Tumungo na lamang si Xavier sa kung saan nakaupo si Tatay Gabo. Ganoon din ang pagbigay ni Jim ng masasamang tingin kay Xavier. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang inis na nararamdaman niya.

“T-Tay, m-magandang hapon po.” Pagbati at pagmano ni Xavier kay Tatay Gabo.

Sinuklian ng ngiti ni Tatay Gabo si Xavier kasabay din ang pagtango nito.

Ilang saglit pa, ganoon na rin ang pagbukas ng pinto ng kwarto na kung nasaan si Lance kasabay ang pagbungad ng doktor kung kaya ay agad na napatayo ang si Jim at lumapit sa doktor.

“Doc, is everything a good news?” agarang tanong ni Jim sa doktor.

Unti-unti namang tumayo si Tatay Gabo kasabay ang paglapag muna nito ng kanyang hawak-hawak. Ganoon na lang din ang paglapit ni Lara nang nagsalita muli ang doktor. Habang si Xavier naman ay nakatayo sa hindi gaanong kalayuan.

“Yes. All is well. The therapy went successful. Hinihintay na lang natin ang pagising ni Lance but expect that he can’t immediately recognize you kapag nagising na siya.”  Paliwanag ng doktor na nagpawala ng mga kaba nila’t napalitan ng tuwa ang kaninang malulungkot na mga mata.

“Okay Doc but at least, he will now be okay,” natutuwang sagot ni Jim.

“Salamat Doc... s-salamat po talaga,” mangiyak-ngiyak na pagpapasalamat ni Tatay Gabo.

“Walang anuman Tay. Hanggang sa makakaya namin, tutulong kami sa inyo,” sagot pa ng doktor at ngumiti ito.

Parehong mga ngiti ang nakikita. Hindi na makapaghintay na makita muli si Lance. Ganoon na lang din ang pagkamay ni tatay Gabo sa doktor at sinuklian ito ng ngiti.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon