KABANATA XLI: Pamamaalam

53 2 3
                                    

Tiningnan ang relo, alas kwatro. Narito sa loob ng sasakyan, matulin ang pagpapatakbo. Hindi mapakali nang hindi pa rin matanaw si Aya.

“Anong oras na? Hindi pa rin umuuwi si Aya,” bulong ko sa sarili ko na para bang ilang beses na pinipihit ang manobela ng kotse.

Tanging pagpisil sa kamay ang nagagawa. Pawang bilis ng tibok ng puso ang napapakinggan.

“Aya, saan ka na ba?” bulong muli sa sarili.

Hindi na napigilan ang sarili, ako ay napabuntong-hininga kung kaya ay napag-isipan na lamang na tumungo roon sa aming naging tagpuan. Nagbabaka-sakaling baka naroroon siya.

Kaliwa’t-kanang paglingon sa daan, mahigpit na pagkahawak sa manobela. Ganoon na lang din ang pagbungad ng kulay kahel na kalangitan nang ito ay tinignan.

“Aya? Aya?” paulit-ulit kong bulong sa sarili na mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Ipinatuloy na lamang ang pagmamaneho patungo sa paroroonan. Hindi na inisip ang sarili’t mukha, ninanais lamang na ito ay makita.

Ramdam ang pamamawis sa buong katawan na para bang hindi naman naiinitan at haplos lamang ng hangin ng aircon ang nararamdaman.

Tila bang ramdam din ang pagkahingal. Ako na ay muling huminga ng malalim at itinuon muli ang mga mata sa daan kasabay ang pagpawi ng pawis na dumadaloy sa aking mukha.

Saktong isang oras ang nakalipas, agad ng bumaba ng sasakyan nang narating na ang paroroonan. Dali-daling naglakad patungo sa tuktok ngunit nang narating ito ay tila bang bumungad sa aking mga mata ang kanina pang hinahanap.

Pawang nagmistulang ilaw ang kanyang presensyang umaayon sa kagandahan ng palulubog na araw.

Agad itong nilapitan sabay pag-ayos ng sarili ko.

“A-Aya? N-Nandito ka lang pala. Hinintay kita, diba sabi mo babalik ka?” nauutal kong pagbigkas.

“Love, babalik naman talaga ako eh. Hindi mo talaga matiis na hindi ako makita ano?” pagbibiro niya pa kasabay ang pagtawa ng bahagya.

Tila bang ngayon ko lang muli natanaw ang kanyang mga ngiti at pagrehistro ng saya sa kanyang labi.

“E-Eto naman. Kinabahan lang ako, baka mawala ka na naman sa paningin ko.” Pangungusap na ibinigkas ko at napangisi na lamang ng bahagya.

“A-Ahh...”

“T-Tingnan mo ‘yung kalangitan, napakaganda,” saad ko at tumingin sa kanya, “You know what Love, I’m always wanting this to happen again... kasama ka, sa ating tagpuan.”

“A-And look, you fulfilled it...” ani Aya.

“No. We fulfilled it.”    

Ito ay ngumisi na lamang ng bahagya habang ako ay nakatingin pa rin sa kanya.

"Maganda nga talagang tignan 'yan ano?" pagbaling nito na para bang ang tingin nito ay nasa kamay ko.

Ako na lamang rin ay napatingin at tinanaw ang aking pupulsuhan.

"Oo naman," tawa ko, "Tingnan mo 'yung sa'yo, diba umiyak ka pa niyan noong pinagawa natin?"

Tila bang natawa na lamang muli habang nagkokompara pa rin ng tattoo-ng parehong nasa aming pupulsuhan.

"Hindi naman ako umiyak. Ikaw naman kasi may pa sorpresa ka pa," bigkas niya pa at ito ay ngumisi.

"Pero tingnan mo, naging simbolo natin 'to. Naging simbolo ng pagmamahal natin ang takipsilim," saad ko at binigyan ito ng pagngisi.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon