Ito na nga ang pangakong akala ko ay maisasabuhay patungong walang hanggan ngunit tila bang gulo lang ang sinapit ng pangakong ito.
Agad nang sumakay sa sasakyan paalis ng simbahan. Naramdaman ang pagbagsak ng mga luha na akala ko ay ito na ang pinakamasayang araw sa buhay ko ngunit hindi pala.
Patuloy na binabaybay ang daan habang sila ay sinusundan. Luha lang ang karamay, tanging poot at galit ang nararamdaman kasabay ang pagpihit ng manobela.
Buhok na gulong-gulo, pawisang mukha, suot na puting amerikana pawang nadudumihan na. Puno pa rin ng katanungan sa sarili.
Ano bang kinalaman ng pagpigil ni Xavier sa kasal naming ni Aya?
Patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha. Ipinaharurot pa ng mabilis ang sasakyan upang sila ay maabutan. Ngunit sa aking pagpreno ay sumalubong ang isang malaking trak na tila bang nagpawala ng tingin sa kanila.
Napamura sabay agarang paghinto’t napadabog sa sasakyan. Kasabay pa ang mainit na tanghali na pawang nakikiayon sa pagsabog ng damdamin.
Subalit, sa paglisan ng malaking trak sa aking paningin ay hindi inaasahang bumungad sa aking tanaw ang pagbuhol ng trapiko na mas nagpabagsak ng aking luha.
Ako ay napatigil sa pagmaneho. Usok ang nakikita at ganoon din ang hindi mairehistrong mukha ng mga sasakyan. Hinay-hinay na lumabas ng kotse, pawang hindi maramdaman ang sarili nang muling tinignan ang mga nagsibanggaang sasakyan.
Dali-daling kinuha ang telepono’t tumawag ng ambulansya. Pawang naaligaga na rin ganoon din ang mga paghinto ng ibang mga sasakyan.
“Hello, emergency? M-May banggaan dito sa may Parola Street... d-dito sa Cainta---”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang natanaw si Aya sa sasakyang sinakyan nila.
“A-Aya?” bulong ko sa sarili ko at agad na ibinulsa ang telopono.
Agad na tumungo roon ngunit sa aking paglapit ay mas lalong bumagsak ang aking mga luha.
Sa pagkakataong ito ay agad na dumating ang mga pulis , maging ang mga ambulansya. Ramdam ang namumula kong mga mata, namamaos na boses nang bumungad ang duguan nitong gown at walang malay na si Aya.
“A-AYA, AYA!” sigaw ko at agad na binuhat ito.
“S-Sir, umalis po muna kayo. You should not be here. Kami na pong bahala,” wika ng isang responder.
“Bitiwan niyo ako! She’s my wife!” sigaw ko pa’t pinigilan ako ng ibang mga responder.
Mahihigpit na pagkakahawak sa aking mga braso kung kaya hindi na muling nakalapit kay Aya. Hindi mabilang na pagbuhos ng mga luha ganoon din ang mga dugo at basag na mga salamin na nakakalat sa daan.
“AYA-AA!” pamamaos ko nang siya ay agad na inihiga sa stretcher ng ambulansya.
Ako na lamang ay napaluhod sa daan habang siya ay tinatanaw na walang malay. Maging si Xavier at ang ibang naaksidente ay pawang wala ring malay.
Isa-isa nang ipinasok ang mga naaksidente sa mga ambulansya ngunit ako ay nagpumiglas at agad na tumungo sa kung nasaan si Aya.
“S-Sandali! I need to come with you, asawa ko siya!” sigaw kong muli na paos na paos na.
Sila’y tumango at pareho na kaming pumasok sa loob ng ambulansya. Pag-iyak pa rin ang nagagawa kasabay ang paghawak sa kanyang mga palad na pawang nilalamig.
“A-Aya please wake up!” bigkas ko pa at hinalikan ang kanyang kamay.
Ilang minuto pa at narating na ang pinakamalapit na ospital. Agad na akong bumaba at siya na ay dali-daling isinugod sa emergency room.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...