Apat na buwan ang hindi inaasahang nagdaan, animo’y panaginip ngunit tila totoo na nga. Ito na nga ang araw na pinakamatagal ko ng hinihintay. Ang araw na pawang patay-malisyang isinulat ng tadhana upang tuparin ang ninanais sa buhay.
Ito na nga ang premiere night. Tila ngiti sa labi ang natatamasa. Hindi makapaniwalang natupad na ang dati ko lang pinapangarap na parehong makapagsulat at magkaroon ng isang pelikula.
Narito sa basement parking, agad na bumaba sa sasakyan. Binaybay ang daan kung kaya landas ay patungong sinehan. Hindi mapigilang pagrehistro ng kasiyahan mula sa mga mata pati na rin ang nasasabik na nararamdaman mula sa aking katawan.
Kulay itim na amerikana kapares ang kulay puting polo sa loob. Kulay asul na pantalon, itim na sapatos ang suot-suot. Tila, akma ang lahat kabilang ang pagka-pomade ng buhok pati na rin ang suot na pabango.
Patuloy na pag-apak ng mga paa, malapit-lapit na rin sa patutunguhan. Mga pagsipol at malimit na pag-ayos ng buhok. Pagsilip sa kulay pilak na relo ang nagagawa. Alas sais i-medya ang nakikita.
Mga minuto’y nakalipas, ako na lamang ay napatigil at ngumiti. Ganoon din ang paglapit ni Jim at Yaz sa aking kinatatayuan.
“Bro, congrats. You’re way too far from us,” pagbungad ni Jim.
“Bro, huwag namang ganyan. We are way too far. Hindi lang ako,” sagot ko sabay pagtapik ng balikat ko.
Pareho na lamang kaming natawa at ibinaling agad ang tingin kay Yaz nang ito ay nagsalita.
“Mukhang spooting na spooting tayo Direk ah?” pang-aasar pa ni Yaz.
Ngumisi na lamang ako’t nagsalita. “Alam mo Yaz, kung pumunta ka lang rito para mang-asar. Umalis ka na lang.”
Tumawa na lamang ito at nagbiro pa. “Huwag naman ganoon, Direk. Compliment kaya ‘yun.”
“Bahala ka,” tugon ko na lamang.
Muli naman itong tumawa kung kaya ay napangisi na lamang kaming pareho ni Jim.
“Siya nga pala Direk, Jason and Sam are already there,” wika ni Yaz.
“Talaga ba? Sige. I need to go. Kita na lang tayo mamaya,” sagot ko.
Agad na akong tumungo at naglakad upang puntahan na sina Jason and Sam. Ganoon din ang pagsalubong ng mga tao roon sa red carpet. Kung kaya naroon din sina Direk V, Ms. Castro, Mr. Lacson pati na rin si Xavier.
“Direk!” pagtawag nila.
“Sorry, I’m late,” pagsalita ko’t kumaway sa kanila.
“Ano ba naman ‘yan, bro. Late ka na naman,” pagbibiro pa ni Xavier.
“Eto naman... Humanda ka sa’kin mamaya,” tugon ko pa’t tinuro ito.
Natawa na lamang kaming lahat, ganoon din ang pagtapik ko sa balikat niya.
Kami na ay unti-unti nang lumakad sa red carpet. Tila mga pagkindat ng ilaw at flash pati na rin ang hiyawan at mga ngiti na nakikita sa mukha ng mga taong nakapalibot sa amin.
Dati’y pinapangarap lang ito kung kaya ngayon ay unti-unti ng natutupad.
Sunod-sunod na papasok sa sinehan. Tila saya pa rin ang nanalantay sa labi. Agad na tumungo roon sa ibaba upang magbigay ng kaunting salita sa mga manonood.
“So, may we call on first, before we watch the much-awaited entry of this year, CFFF. Please welcome, the director of ‘We, Us, & Trafalgar’, Direk Lance Samaniego together with the fresh team-up of Mr. Jason Carranza and Ms. Sam Garcia...” pangungusap ng emcee.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...