Nakatukod na mga siko sa mesa nang nakaupo sa upuan habang ang tingin ay sa isang flower vase na nakapatong sa mesa. Tila bang binibilang ang mga talulot ng nalalantang bulaklak kasabay ang pag-iisip ng mga susunod na talata sa ginawang tula.
"...Tindig ay bulaklak na nalalanta,
Mukha'y lungkot ang nakahulma.
Ngiti mo lamang ang hinahangad,
Ngunit tila luha ang bumungad...""Direk, gising!" sigaw ni Yaz dahilan ng pagkagulat ko kasabay ang pagtago ng sinusulat na tula at agad namang napaayos ng upo.
"Ano ba naman 'yan, Yaz---" bigkas ko kung kaya hindi na natapos nang agad itong nagsalita.
"Eh kasi naman Direk, kanina ka pa nakatitig diyan sa bulaklak. Kaya siguro nalanta 'yan," ani Yaz.
Napahimas na lamang ako ng mukha kasabay nang pag-ayos ko ng buhok.
"Saan kaya pumunta si Direk kagabi? Mukhang puyat na puyat eh, namumula pa 'yung mga mata," parinig pa nito.
Agad akong napatingin sa kanya't binigyan nang pagkunot ng noo ngunit tila bang hindi ito napansin.
"Yaz alam mo... Gawin mo na lang 'yung trabaho mo. The taping will continue in a few minutes, pakisabihan na lang din 'yung mga artista," pangungusap ko na lang.
"Okay Direk," mapanuya niyang sagot.
Tila bang ito pa ay ngumisi na pawang ginagawa lang ang nakasanayan. Ako na lamang ay umiling kasabay ang pagtayo ko at pagbuntong-hininga.
Tirik ng araw ang bumungad sa mga mata kung kaya alas dose i-kinse nang tingnan sa aking relo. Tumungo na sa control area, binasa na lamang muli ang script upang muling pag-aralan. Ito na nga pala ang isa sa huling taping namin sa Pilipinas bago pumunta sa London.
Muli na namang natulala, hindi malaman ang dahilan kung lungkot ba 'to ng ngayon o lungkot ng nangyari kahapon.
Hindi lang maalis sa isip ko ang katotohanang bumalot sa gabing iyon. Binunot ang telepono sa aking bulsa upang tingnan sa camera ang mga mapupulang matang sinabi ni Yaz kani-kanina.
Napatitig na lamang dito, kitang-kita nga ang mga mapupulang mata dahilan ng hindi makatulog at walang tigil na pagdaloy ng mga luha.
Ibinalik sa bulsa ang telepono, kinuha ang script na pawang hindi binabasa kung kaya tinititigan lamang ito.
Napagtanto, nasaan ba si Cz... si Aya ngayon? Malulungkot pa ba ang mga mata nito? Ako na ay umiling at itinuon na lamang sa pagbabasa ng script.
Napaayos ako ng sarili nang bumungad sa akin ang papalapit na si Ms. Castro.
"Direk, ba't namumula 'yang mga mata mo?" pagtataka ni Ms. Castro nang ito ay lumapit sa akin.
"W-Wala, n-nakusot ko lang kanina," tugon ko na lamang.
"Sigurado ka diyan? Anyway, we need to continue now the filming. The time is running," pagbigkas niya muli.
Napatango ako at ngumisi sa kanya. "Y-Yes miss production manager."
"Direk, be humble!" tawa pa niya.
"Why would I? Doble trabaho ko. I am the assistant producer and production manager," biro ko rin sa kanya. "I'm just kidding."
Tumawa na lamang kaming pareho kasabay ang pagtayo ko.
"Direk, Dahlia is in maternity leave. I'm just continuing her work until the end of the production," pagpaliwanag niya.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...