KABANATA XVII: Pagtuon ng Pansin

34 7 0
                                    

Isang napakalaking araw na paghahandaan, panibagong eksenang gagawin sa loob ng pelikula. Naghahanda, ngayo'y nasa sasakyan patungo sa isang resort na tanging set ng mga nakasunod na mga eksena.

Binabagtas ang daan pawang malapit na sa pupuntahan kung kaya ang tingin lamang ay diretso sa daan. Biglang pagtunog ng telepono na nasa harapan ko't nakadikit sa cellphone holder, sinagot at pinindot ang loudspeaker.

"Yes Yaz?" pagtatanong ko nang si Yaz ang tumawag.

Matuling takbo, hawak lamang ay sa manobela't nagsasalita habang naka-loudspeaker ang telepono.

"Direk, we're now at the set. Hinahanap ka na po ng assistant producer," bigkas nito.

"Can you just tell them that I'm on my way. Bakit ba kasi kayo nagmamadali?In ten minutes, I'll be there. Malapit na ako."

Napakunot na lamang ng noo na para bang naiinis sa tuwing minamadali ang oras na sana'y sakto sa plano.

"Okay Direk," aniya.

Binaba agad ang kabilang linya at tanging tingin muli ay nasa kalsada.

Mahigit sampung minutong nakalilipas narating ang paroroonan. Agad na ipinarada ang sasakyan at bumaba upang kunin ang gamit sa likod ng sasakyan. Dumiretso na sa entrance sabay pagbungad sa akin ni Jim.

"Bro, sakto, tara. Kanina ka pa nila hinahanap," ani Jim.

Naglakad na papuntang set habang nagsasalitan ng mga salita kasama si Jim.

"Ano bang minamadali nila? Sino bang assistant producer ang nandiyan?" pagtatanong ko kay Jim.

"Si Ms. Castro, 'yung nandiyan. Bakit?" tanong niyang muli.

"Eh kasi, kanina pa tumatawag eh. I know nakahanda na 'yung set."

Pagbigkas ko habang napapabuntong-hininga na lamang sabay pagyuko subalit sa pagtanaw muli sa aming dinadaan ay bumungad sa aming harapan ang tumatakbong si Yaz.

"Direk, I'm sorry but you need to see Ms. Castro now." Nahihingal niyang bigkas nang ito'y tumakbo papunta sa aming nilalakaran.

"Ano bang nangyari?" pagtataka ko't agad naman kaming naglakad ng mabilis papuntang set.

Bumungad sa aking presensiya ang papalapit na si Ms. Castro kasama si Direk V nang narating na ang set. Tila bang ayos na ayos na ang mga dekorasyon, naghahanda na rin ang mga artista sa kanilang mga tent kung kaya't walang nakikitang dahilan para  mataranta't mamroblema

"Direk, thanks to God, you're here. We have a big problem..." bungad ni Ms. Castro.

"What is it? Akala ko ba okay na ang location, decorations?" pagtataka ko.

"No Direk it's not about that," ani Direk V.

"Ano nga?" diin ko pa.

Tila bang natataranta na rin sa kanilang mga kinikilos hindi pa rin matanto ang pinoproblema nila ngayon.

"It's about Sam. Wala pa siya, she's still stucked in traffic. Hindi pa siya naaayusan," bigkas ni Ms. Castro dahilan ng pagkagulat ko.

"Ano? We're about to start, marami pa tayong scenes na gagawin ngayon..."

Nanluluyang salita na para bang gusto na lamang sumabog kung kaya't pinagsisikapang matapos ang mga eksena ngayon na para bang ma-de-delay na naman ito.

"Yaz, call Sam and ask where is she. Papasundo na lang na'tin sa mga may motor dito," bigkas ko kay Yaz.

"Kailangan na'ting maghabol ng eksena, nahuhuli na tayo sa time frame na'tin. Puro tayo delays."

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon