Siya ay nakahawak sa aking bisig, tanging ngiti lang ang nananalantay sa aking labi ngunit sa pagtanaw ko sa kanyang mga mata wari hindi mahagilap ang sayang dapat maranasan.
Napatingin na lamang sa aking likod, kasiyahan ang nakikita sa mga bisita. Kasiyahang tanging alay sa aming dalawa na pawang walang nakikitang dahilan sa mga matang naiirehistro ni Aya.
Ako ay nalilito tila bang bumalik ang kaba na kanina ay natatamasa. Nanginginig na mga paa at tanging mahigpit na hawak sa kanyang kamay ay naggawa.
Binigyan ng pagsensyas, pagtango at bahagyang pagngiti ang kanyang naggawi. Mas lalong naninikip ang pakiramdam ko nang hindi pa rin malaman ang dahilan ng kanyang lungkot.
Pareho nang nakaharap sa altar, maging ang panimulang salita ng pari. Muling pinagmasdan ang kanyang mga mata ngunit ang nakikita na ay luhang nagsibagsakan. Nagtataka, walang salitang bumubula sa kanyang labi.
Ako na ay nakaupo habang siya ay nanatiling nakatayo. Mas lalong nagtaka nang hindi ito maggawang umupo sa tabi ko. Napatingin muli sa aking likod pati na rin sa paring pare-pareha ang reaksyon.
Bumagsak ang aking mga luha ng hindi inaasahan dahilan ng pagtanggal niya ng belo na nagpagulat sa aming lahat.
Patuloy pa rin ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata habang ako naman ay hindi na maggawang pahiran ang akin.
Agad na napatayo at siya ay hinawakan sa braso sabay pagtayo, pag-ingay ng mga bisita. Hinigpitan ang paghawak sa kanya upang manatili sa aking tabi.
"A-Aya, a-ano bang ginagawa mo?" nauutal kong pagbigkas.
Siya ay hinawakan sa magkabilang pisngi tanging pagluha pa rin ang naggagawi.
"I-I'm sorry," wika niya na lamang.
Mas lalong bumagsak ang mga hindi mabilang na luha nang binitawan niya ang aking magkabilang kamay. Lahat ay nagulantang, nagsisigawan. Napaatras ng dalawang beses at napatabon ng mukha.
Unti-unti itong napalayo at tumakbo. Hindi mahagilap ang dahilan kung kaya't napatulala na lamang ako at sinubukan itong habulin.
"Aya!" pagsigaw ko pa ngunit tila bang hindi ako pinapakinggan at lahat ay natigilan nang hindi malaman kung anong gagawin.
Siya ay nakalabas na ng simbahan habang ako ay patuloy pa ring tumatakbo sa kahabaan nito. Sa aking muling pagtanaw sa kanya ay nakitang nakasakay na ito sa loob ng sasakyan, ako ay nagulantang at hindi makapaniwala.
Hindi makapaniwalang bakit pumasok siya sa loob ng sasakyan ng itinuturing ko ng kapatid na si Xavier.
Hindi magkandaugaga, gustong-gusto nang mawala. Sinubukan akong pigilan ni Tatay Gabo at ni Jim ngunit ako ay pumalag sabay pagtakbo patungong sasakyan upang sila ay habulin.
Dali-daling sumakay sa sasakyan, hindi na pinakinggan ang mga pagpigil ng mga bisita. Agad na humarurot upang sila ay sundan.
Pangakong akala kong maisasabuhay patungong walang hanggan ngunit tila bang gulo ang sinapit ng pangakong iyon.
Ako ay nakasunod sa kanila, luha ang karamay, tanging poot at galit ang nararamdaman kasabay ang pagpihit ng manobela. Kailangan bang mangyari sa akin ang lahat ng ito?
Puno pa rin ng katanungan sa sarili. Anong kinalaman ng pagpigil ni Xavier sa aming pinangakong alaala? Ipinaharurot pa rin ang sasakyan upang sila ay maabutan.
Ngunit sa aking pagpreno ay sumalubong ang isang malaking truck na tila bang nawala ang pagtingin sa kanila. Napamura sabay napadabog sa loob ng sasakyan. Mainit na tanghali, pawang sumasabay pa sa pagsabog ng damdamin.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...