Lumalalim na gabi, galing sa reception set ng eksena kung kaya't katatapos lang ng taping. Narito sa loob ng sasakyan binabaybay muli ang daan pabalik ng bahay.
Sumasalubong na mga ilaw ng daan pati na rin ang pagbungad ng liwanag ng buwan. Napatulala na lamang at inihinto saglit ang sasakyan sa tabi. Napahawak na lang sa buhok nang naalalang muli ang kanina pang bumabagabag sa aking isipan.
Bumabagabag ang pangakong alaala na tila bang hindi na mangyayari pa. Kasal... Oo, kasal namin na ibinaon na sa alaala.
Iyon nga ang araw na pinakahihintay, puno ng kasiyahan sa mga mata't galak naman sa labi. Nanghahalimuyak na kagandahan ng panahon sa hinaba-haba ng pagkakataon.
Sa araw na iyon, ibinaba ang panulat na hawak-hawak kasabay ang pagtaklob ng tintang ginamit sa paghahabi ng mga talata. Binasa muli ang mga salitang isinulat sa pahina at tuluyang isinara at itinago ang kwadernong dating hawak-hawak.
Nakatayo sa harap ng salamin sabay ayos ng bawat hibla ng aking buhok. Magarang kulay puting amerikana, kulay kayumangging sapatos. Relos at kwintas na dati ay nagpapagaan ng aking pakiramdam. Hindi aakalain na dati, darating ang lahat sa simula ng walang hanggan.
Napasandal na lamang sa upuan ng sasakyan tila bang nararamdaman na ang pamumuo ng hindi inaasahang mga luha.
Nagpatuloy pa rin sa pag-alala, noo'y lumabas ng silid nang ako ay tinawag ni Tatay Gabo. Naalala ko pa noon, tanging dala lamang ay ngiting taglay ng pag-asa ngunit pawang magkahalong kaba at pananabik din.
Sumasabay sa pag-alala ng nakaraan ang pagbuhos na ng mga luhang hindi kayang pahiran at napatingin na lamang sa aking pupulsuhan na tanaw ang tanda ng aming pagmamahalan.
Napailing at napangiti ng bahagya, binunot ang sigarilyong kanina pa gustong sindihan sabay pagbaba ng kaunti sa bintana ng sasakyan upang hindi mabalutan ng usok.
Nakatengga pa rin sa isang daang walang katao-tao kahit mga sasakyan ay limitang dumadaan. Sinindihan na lamang ang yosi at ito ay sinimulang hithitin.
Kasabay ang pagpalaboy ng usok ganoon din ang pagbalik muli ng alaala.
Noon ay paalis na ng bahay tanging kasama si Tatay Gabo papuntang simbahan.
"Alam mo, Boy? Proud na proud ako para sa'yo. K-Kahit man hindi ako 'yung totoo mong magulang. Ramdam ko pa rin na parang totoo kitang anak," bigkas pa ni Tatay Gabo.
Habang noon ay nilalakbay ang kahabaan ng daan patungo sa simbahan, naging emosyonal kaming pareho.
"Tay, kahit kailan tinuring kitang totoong ama. Hindi ko kailanman ipagpapalit ang pag-aalaga mo sa akin. Huwag ka ng mag-isip ng ganyan. Araw ko 'to, tay. Kaya please, maging masaya ka para sa akin," sagot ko at pareho kaming natawa.
"P-Pasensya na. Oh, ready ka na ba? Paano 'yung wedding vow mo, okay na ba?" salita nitong muli at ngayo' y nakangiti na.
"Oo naman tay, ako pa ba? Mas magugustuhan pa yata ako nito ng aking future wife eh," biro ko.
"Ikaw talagang bata ka. Ilang oras nalang, magbuhay-asawa ka na," pangungusap niyang muli.
Ako ay napapakunot na lamang ng noo sa pag-alala na iyon sabay paghithit pa rin ng sigarilyo.
Iniinda na lamang ang kasiyahan na noon ay dala-dala kasabay ang pagtatawanan namin ni Tatay Gabo.
Ilang minuto pa ang nakalilipas, narating na ang noo'y tagpuan ng q isasabuhay. Pangakong tila bang hinding-hindi na maisasabuhay. Noon ay puno ng magagarang palamuti, mga bulaklak na kulay puti. Kagayang-kagaya sa set kanina sa simabahan.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...