Panibagong araw, panibagong pagkakataon. Kakagaling ng London Bridge nang kumuha ng shots doon para sa pelikula.
Nagtungo na rin ng London Eye pati na rin sa tinaguriang Big Ben kung kaya kumuha na rin ng location shots para sa ilang eksena sa ginagawang pelikula.
Narito ngayon, mag-isang nakaupo sa loob ng isang napakaaliwalas na Scandinavian-styled coffee shop. Kaharap ang laptop habang nasa gilid naman ang papel at lapis.
Napakagaan lamang indahin ang ganitong pakiramdam habang iniinom ang paboritong café latte sa tasa.
Maagang natapos ang taping kung kaya napag-isipang mamalagi ng ilang sandali rito upang tapusin na lamang ang pag-revise ng script habang sila naman ay piniling mamasyal.
Inayos na lamang ang pag-upo upang ituon nang muli ang sarili sa pagtatagpi ng mga linya. Ngunit tila bang napahinto ako sa pagsusulat nang naalala muli ang pangyayaring nakita kahapon si Aya.
Napasandal sa upuan, pawang pagtitig lamang sa laptop ang nagagawa. Ininom na lamang ang tasang naglalaman ng kape na nakalapag sa mesa.
Napayuko, napailing na lamang ng bahagya kasabay ang pagtaas ng noo. Huminga ng malalim at mga mata'y nakatingin sa blangkong papel. Agad na hinablot pati na rin ang lapis.
Napag-isipang gumawa ng tula sa halip na baguhin ang mga linya. Inilapag ang papel at isinulat na ang lapis.
Asahan mong ikaw muli ang laman ng mga taludtod na tatagpiin.
"...Gusto kang matanaw, asahang mahanap,
Ika'y yayapusin, mahihigpit na yakap.
Ngunit sa muling pagdilat ng aking mga mata,
Ika'y naglaho, ikaw sana'y magpakita..."Tila bang napangiti na lamang ako ng bahagya kasabay ang pagbungad ng katanungan sa isip.
"Narito ka nga ba?" bulong ko sa aking sarili habang pinaikot-ikot ang lapis sa aking mga daliri.
Napatulala ng ilang sandali, pawang pinoproseso sa utak ang mga katanungan sa sarili. Napabuntong-hininga at napailing. Tama, alam kong nandito siya at kailangan ko siyang hanapin.
Agad na isinara ang laptop upang ito ay ilagay sa bag. Iniligpit na rin ang mga papel at lapis para tuluyan ng umalis. Hinayaan na lamang ang kapeng nanlalamig na't lumabas na ng coffee shop.
Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Ngunit, isa lamang ang inaasam at ito ay muling makita.
Napag-isipang tumungo ng Trafalgar Square. Baka sakaling naroon siya't doon matatagpuan. Tila bang nararamdaman ko lang ay ang pagkadesperado kung kaya pumara na ng bus at pumasok dito.
Agad na umupo sa bakanteng upuan, narito sa ibabang bahagi ng bus kung kaya ito ay kakaiba nang mayroon pang itaas na bahagi. Isa ngang napakagandang karanasan ang makasakay sa pinagmamalaki nilang kulay pulang dalawang palapag na bus.
Napatingin na lamang sa orasan at napadungaw sa bintana tanging inaasam ay makita itong muli sa lugar na kung saan siya muling natanaw.
Ilang saglit pa, narating na ang paroroonan. Agad na hinanap ang kanyang tindig na tila bang sa ngayon ay hindi mahagilap.
Iginala ang mga mata, kahit ma'y maraming mga taong nagsisikumpulan. Napahinto ng ilang segundo at ako'y huminga ng malalim. Ipinatuloy pa rin ang ginagawa nang naglakad patungo sa kung maaaring nasaan siya.
Pawang lahat ng sulok ng lugar na ito ay paulit-ulit na tinatahak. Hindi pa rin matanaw ang kanyang presensiya.
Alam kong nasa paligid ka lang, Aya. Sana naman, magpakita ka.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...