KABANATA VI: Galak

52 16 0
                                    

Naglalakbay sa kahabahaan nitong hallway upang paakyat patungong opisina. Tanging kompyansa ang dala-dala ngayon maliban sa polo't pantalon.

The day of story conference.

Narito na sa opisina, nag-ayos muna ng lamesa. Napag-isip, nagpasalamat, apubrado na ang screenplay ng pelikula. Naghahandang pumunta sa conference area, sabay pagsuot ng amerikana.

Tuluyang lumabas ng opisina patungo sa kung saan paroroon. Sa aking pagpasok, bumungad ang pagbati ng mga producers maging ang mga artistang gaganap sa pelikula.

Hindi ako makapaniwala parang ibang-iba ang saya na aking nadarama.

"Palakpan, here he is Direk Lance Samaniego." bati ng isang media insider.

Isa-isa itong bumati at pumalakpak sabay pag-upo ko na sa upuan. Tila bang nagtataka ba't hindi mahagilap ang presensya ni Xavier.

"Good Afternoon Direk Lance." pagbati ni Mr. Lacson na ngayo'y natutuwa.

I already fixed the incident happened the other day at wala ng problemang magaganap. Hindi ko lang alam kay Xavier.

"Are we complete?" pagtatanong ko habang kita na ang ayos ng conference room.

"Mr. Del Viejo can't join the conference due to it's prior appointments pero nandito naman si Mr. Burgos, one of Primavera Studios' producers." paliwanag ni Mr. Lacson sabay pagbati naming dalawa.

"By the way, we appointed you PA, Direk Lance. He is Yaz." dagdag pa ni Mr. Lacson nang ipinakilala niya ang magiging PA ko.

"Good Afternoon, Direk." pagbati niya.

"Good Afternoon, mamaya na tayo mag-usap after this conference." ani ko naman.

Ilang saglit pa'y nagsimula na ang story conference kasabay ang pagpapakilala sa isa't-isa. Sinundan naman ng pagbigkas ng istorya ng pelikula nang nagtanong ang mga media insider.

"So, good afternoon, I'm Jessa Liburan from Star Click Media. First to ask, for you Direk, why did you come up with this kind of story?" pagtatanong ng isang media insider.

"Actually, it was offered to me to do this movie, hindi lang pagiging writer kundi ang pagiging direktor din. It's my first time, actually to direct a movie, that's why I'm very thankful for this opportunity at the same time, kinakabahan din. Regarding with the story, how did I made up of it, napaka-challenging nito to do a romantic movie since it's not my genre, I just based sa mga realistic situation na maaaring mangyari sa buhay natin." sagot ko naman sabay pagngiti.

"You said po na, it's not your genre to do a romantic movie, what about 'To Our Nowhere' diba ikaw po ang nagsulat no'n?" tanong niya pang muli na nagpawala ng ngiti ko.

"Ah, yes---" pagsagot ko na lamang na tila bang napansin din ng iba ang pagbago ng reaksyon ko.

"Anyways Direk, how did you came up with these fresh teams of artists?" pagtatanong pa ng isang media insider.

"I-It's very new nga and it's our first time also to team up with Jason Carranza and Sam Garcia. Actually, after the script finalization, I personally pitched these two dahil alam naman natin kung gaano sila kagaling as an actor and that's why I came up to team them up since it is also their first time to work with." pagpaliwanag kong muli sabay pagtingin sa kanila Jason at Sam.

Jason Carranza, kilala sa pagiging magaling na aktor. Ilang beses na ring nakatanggap ng parangal bilang Best Actor.

Sam Garcia, isa sa mga breakthrough actress sa industriyang ito. Kahit na bago pa lamang siya sa industriya ay hindi ito alintana para tawaging Most Promising Actress of the Year.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon