Magkabilang bag sa magkabilang kamay. Isinuot na lamang ang isa upang hindi mahirapan. Panibagong tanghali, kagagaling lang ng Diamond Company nang natapos na ang other half ng eksena roon. Papunta na muli sa Trafalgar Square upang simulan ang ikalawang taping doon.
"Everyone, please double time tayo. We're running out of time for this day. Na-delay pa tayo ng isang oras," pangungusap ko sa kanila.
Napatango naman ang lahat kasabay ang pagtungo na sa mga van na aming sasakyan. Agad na naupo, katabi si Jim sa kanan ko.
"Bro, relax. Don't stress yourself. Ikalawang araw pa natin 'to, paano pa kaya sa susunod na araw? Sabog ka na noon," pag-alala ni Jim.
"No, I'm not stressing myself bro. Nanghihinayang lang ako sa oras eh," bigkas ko.
"It's done okay? Just forget about it," aniya pa.
Tumango na lamang ako sa kanya at napabuntong-hininga. Ngumisi ng bahagya ganoon na lang din ang pagbaling ng tingin sa bintana.
Tama nga naman si Jim, baka napapagod na ako. Hinayaan na lang ito at isinandal ang ulo sa bintana. Wari hinihintay ang oras na makakarating muli sa Trafalgar Square.
Ilang saglit pa ay narating na ang paroroonan. Agad na bumaba upang maghanap ng magandang pwesto para sa mga susunod na eksena.
"Since the locations and technicals are still setting up, let's just review first the remaining scenes we need to shoot for today," wika ko sa mga artista.
"First scene, The National Gallery, Brian will wander what's inside the museum, puro lang tayo location shots dito. Then second scene, dito na papasok sina Elisse and Gio. Habang tinatanaw mo rito ang lugar J, since nakalabas ka na ng museo, you'll get shock nang makita mo sina Sam at Gio nakatanaw rin sa'yo. So on and so forth," direktiba ko sa kanila.
Nakikita namang naiintindihan nila kung kaya binigyan nila ako ng pagtango at sinuklian ito ng pagngisi. Dali-dali nang pumunta sa unang eksena nang natapos na ang pagkukumpuni ng mga staffs.
Narito na sa loob ng museo, talagang nakakamangha nga talaga rito. Iginala ng ilang sandali ang mga mata at napabuntong-hininga na lamang.
Binigyan na rin ng direktiba ang namamahala rito kung kaya ay napag-isipan nang irolyo na ang mga kamera.
"Crowd controls, kayo na ang bahala. Salamat," sugo ko sa mga crowd controllers.
"D-Direk V, paayos lang ng blocking ni Jason. Medyo nakatagilid siya ng kaunti," sabi ko kay Direk V at agad naman itong tumungo. "Salamat, Direk!" pagpapasalamat ko sa kanya.
Ibinalik na muli ang tingin sa screen upang obserbahan na ang pagrolyo ng kamera.
"Okay... Take one, cameras are rolling in three, two, one. Action!" sigaw ko na at nagsimula na ang pagrolyo.
Kitang-kita sa screen, paglalakad ni Jason sabay paggala ng mga mata nito sa loob ng galeriya ang nairehistro. Tumungo sa mga nakakabighaning mga koleksiyon sa loob.
Tila bang umaakma ang mga nakakamanghang obra na nakukuha ng mga kamera sa galaw na ipinapakita ni Jason. Napakaperpekto nga ng kuha ng mga kamera.
Patuloy pa rin ang pagrolyo ng mga eksena ganoon din ang pagkuha ng mga shots mula rito sa loob ng museo. Mga iskultura, maging ang mga larawan. Mga kulay hanggang sa laki ng nadadaanang obra. Kay ganda nga talagang pagmasdan, hindi mahagilap ang duda.
"Okay cut, nice take!" sugo ko at ngumiti sa kanila.
Ngumisi na rin ang lahat at niluwagan muna ang mga sarili. Inayos na ang mga gamit upang lumipat nang muli sa labas.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...