"Bro naman, akala ko ba pupuntahan natin si Rex?" pagtataka ko nang narito ngayon sa isang club.
"Pupuntahan nga natin siya." sagot pa nito't tumawa nalang.
Nagsasayawang mga ilaw, abot-kantong ingay ng musika, tanaw ang mga taong nagkukumpulang daig pa ang mag-asawa.
"Rex, finally! Sa'n ba pwesto natin?" sigaw ni Jim dahil sa lakas ng tugtog ng musika.
"Doon, tara. I've ordered drinks already." ani naman ni Rex habang ito'y sinusundan namin.
Ngayo'y nakaupo na, tila bang nasa VIP area. Ingay pa rin ng mga nagsisigawang mga tao at kalampag ng malakas na tugtog sa aking tenga.
"Lance! Ano ba, kaya ka nga namin dinala rito para magliwaliw. Stop that drama bro." bigkas pa ni Jim at tumawa naman ang dalawa.
"Alam niyo, aalis na ako---" akto kong tayo kung kaya't pinigilan naman ako ng dalawa.
"Ops. Saan ka pupunta? Umupo ka nga. Walang aalis." bigkas muli ni Jim.
"Alam kong gusto mo 'to. Tagal na rin noong huli tayong tumagay." ani naman ni Rex at aaktong bubuhos ito ng alak sa baso. "Relax muna tayo, Lance, dami-dami mong iniisip. Oh eto, inumin mo 'yan." dagdag pa ni Rex sabay abot ng boteng nilagyan niya ng alak.
Kinuha ko ang baso at pawang tinititigan lamang ito.
"Huy ano na, Lance. Drink it." salita ni Rex na tila bang pinagkakaisahan nila akong dalawa.
"Tangina niyo!" pagmumura ko't ngumisi na lamang at ininom ito.
"Wooh! That's our Lance." pagtawa nila't napailing na lamang ako.
"Ano, isa pa?" tanong ni Jim.
"Isa pa!" sigaw ko't nadala na lamang sa alak.
"Ikaw ang nagsabi niyan." sagot ni Jim sabay pagtawa nilang dalawa't napatango na lamang.
Umaalingawngaw na ingay ng napakalakas na tugtog pa rin ang nadadali sa magkabilang tenga. Kabilang na rin ang pagwasiwas ng makukulay na mga ilaw.
Sunod-sunod ang pagbuhos ng alak sa bawat baso. Kwentuhan naman ang kalakip na saya na nananalantay. Tila bang literal na napalitan ng ngiti ang lungkot na nadadarama.
Kitang-kita ang mga ngiti sa bawat labi ng dumadaan sa harapan kung kaya't wala ng ibang takbuhan ng lungkot kun'di rumito na lamang.
"Huy bro. Ba't parang nag-iba na 'yung timpla mo? Kani-kanina lang ang lungkot mo." pagtatanong ni Rex sabay pag-abot ng alak.
"Hindi, alam ko na. Let's call girls, argh." pagbigkas ni Jim sabay pagtawa nilang dalawa.
"Huy bro, ano ba." pagsaway ko't patuloy pa rin ang pagngisi nilang dalawa.
"Hey girls, you wanna sit beside us?" pagtawag ni Jim sa dalawang babaeng nasa harap namin ngayon.
"Jim, may asawa ka na!" sigaw ko habang ibinaba ang basong hinahawakan ko.
"I know, it's not mine. It's yours." pagbigkas ni Jim na tila bang inaasar ako't napailing na lamang.
"Bro, not this time." salita ko habang napayuko na lamang.
"Hi boys. Can we?" paglambing ng isang babae nang lumapit ang dalawa sa kung nasaan kami nakaupo.
"Oh sure pretty girls, except sa'kin. May asawa na ako." banat pa ni Jim sabay pagtawa nito.
"Come here babies, we don't have wives." banat din ni Rex sabay paglapit ng dalawa't umupo sa gilid naming pareho habang ako nama'y napailing na lamang at ngumisi.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romansa//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...