Nakaupo sa upuan sa may balkonahe ng hotel na tinutuluyan. Tanaw ang nakakabighaning London Eye na tanging pumukaw sa aking mga mata.
Naghihintay na lamang ng oras upang tumungo na sa unang taping namin dito sa London. Ang sarap lang sa pakiramdam, huminga na lamang ng malalim habang ninanamnam ang haplos ng hangin.
Agad na bumalik sa loob ng kwarto kung kaya may narinig na katok mula sa pinto. Binuksan ito sabay pagbungad sa akin ni Jim.
"Uy bro, aalis na raw ba? Hindi pa naman tumawag sa akin si Ms. Castro ah?" pagtanong ko nang bumungad sa presensiya ko si Jim.
"H-Hindi... Hindi pa. I'm just here to check you, okay ka lang ba rito?" pagtanong din ni Jim sabay pagpasok nito sa unit ko.
Bahagyang nagtaka kung kaya ay pawang alam kung ano ang pinapahiwatig niya.
"Jim, ano na naman bang sinabi sa'yo ni Tay Gabo?" diretsong bigkas ko na sa kanya.
"W-Wala," mariin niyang pagtanggi. "Hindi ba pwedeng kamustahin 'yung tropa ko?" pagtawa na lamang nito.
"Ayos ka doon, bro ah?" pagtawa ko na lang din habang napahawak na lamang sa aking bibig.
"Naman... Mukhang ayos ka naman dito. So aalis na ako, kailangan na naming mauna sa set," pagbaling niya na lamang.
Natawa na lamang sa kanyang sinabi ganoon na rin ang pagsara muli sa pinto nang ito ay umalis.
Dumiretso muli sa balkonahe kung kaya ay napag-isipang tawagan na lamang si Yaz para kamustahin ang natirang trabaho sa Pilipinas.
Pinindot ang numero nito at itinapat ang telepono sa tenga. "H-Hello Yaz, kamusta na 'yung pinagawa kong papers for producers?" wika ko.
"Good Day, Direk. Ginagawa ko na po ngayon baka matatapos na 'to maya-maya," sambit nito sa kabilang linya.
"Okay great. Thanks Yaz," pagsalamat ko.
"No probs, Direk. Huwag mo nga palang kalimutan 'yung pasalubong ko," ani Yaz.
Natawa na lamang kaming pareho dahil sa mga sinabi nito.
"Ikaw talaga, Yaz. Oo na," wika ko pa.
"Salamat Direk," tugon niya na pawang patuloy pa rin ang pagbungisngis.
"Sige na, bababa ko na 'to."
Ibinulsa muli ang telepono nang ibinaba ko na ang tawag. Inihanda na lamang ang mga gamit na dadalhin sa set para isahan na.
Muling narinig ang katok sa pinto kung kaya agad na tumungo rito upang buksan. Presensiya ni Ms. Castro ang sumalubong sa akin dahilan nang agarang pagkuha ng gamit na inihanda ko.
"Direk, let's go? They are in the lobby na. Hinihintay na lang natin sina Mrs. Harrington," pagbigkas ni Ms. Castro.
"Okay, wait I'll just get my cap."
Agad na lumabas sa unit at isinara ang pinto. Pareho nang naglalakad sa hallway na ito. Tanaw-tanaw ang tila bang mga mwebles na nakahilera rito ay mamangha ka talaga.
Tuluyan nang pumasok sa elevator at ilang saglit pa ay nakababa na. Naroon na nga ang mga artista't iba pang staff kung kaya ang location department ay nauna na sa set, sa airport. Hinihintay na lamang sina Mrs. Harrington.
"Direk!" sigaw ni Gio nang ito ay tumakbo papalapit sa akin.
Ako na lamang ay napangiti kasabay na rin ang pagkagulat. Agad itong kinarga nang ito ay gustong magpaakap.
"D-Direk, pasensya na," wika ng kanyang ina. "G-Gio get down, Direk Lance carrying many things."
"Ma'am, okay lang. Don't worry," tugon ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...