KABANATA XLV: Dapithapon

30 2 1
                                    

Sinag ng magdadapit-hapon na araw ang bumungad nang ako ay napadungaw na lamang sa bintana ng aking kwarto. Niyayapos ang lamig ng hangin na tila ganoon din ang pag-aliwalas ng aking damdamin.

Hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwalang naabot ko na ang pangarap kong lumikha ng pelikula na dati’y inaasam ko lang. Gumagaan ng gumagaan ang aking loob. Hindi na kagaya ng dati’t poot at galit ang laman nito.

Nag-aayos ng mga kagamitan sa loob ng kwarto, kung kaya pawang ang sikip na nito. Isa-isang inalapag ang mga kagamitang nakalagay sa kabinet subalit ako na lamang ay napahinto nang nakita ang isang kulay pulang kahong kwintas ang nakapaloob.

“Cartier necklace? Mukhang mamahalin nga ‘to,” tanong ko sa sarili ko habang minamasdan ito, “'Di bale na nga.”

Ito na lamang ay isinilid pabalik sa kabinet kung kaya ganoon din ang pagkakita ko sa isang kahon na agad itong kinuha at tiningnan.

Ako na lamang ay ngumisi, ibinaling ang sarili sa muling pag-alala ng dati habang binubuksan ang kahon na naglalaman ng puro litrato, liham, maging mga tula at ito ay binasa.

“... Nasasaktan, kahit pa’y dumidilim,
Pait at kirot, saksi ang takipsilim.
Nanaghoy, sugat ay lumalalim,
Tanging paglubog ng araw lamang ang makakalihim...”

Ako na lamang ay ngumisi’t umiling. “Ang lalim naman nito, sigurado ba talagang ako ang gumawa nito?”

Ibinalik na lang ito sa kahon at muling kumuha ng isang tula.

“... Dati rati’y hawak-hawak lamang ang mga kamay,
Ngayo’y abot langit na ang walang hanggang pag-ibig na taglay.
Ika’y susunduin sa ating pinangakong tagpuan,
At nanamnamin ang tibok ng puso patungo sa ating kailanman...”

Yumuko na lamang ako nang ito ay binasa. Tila, nalungkot sa pag-alala ng masakit na nakaraan. Bumuntong-hininga na lang ako at ibinalik ito sa kahon.

Kung kaya, ganoon na rin ang pagkunot ng noo ko nang natanaw na naman ang isang papel na laman nito ay punit na tula.

“Sa paglubog ng araw, ika’y katabi,
Sana’y sa pagsikat nito, ika’y aking kapiling.
Kahit---”

“Ano ba talaga ang kasunod nito? Ba’t hindi ko talaga maalala?” bulong ko sa aking sarili at ito na lamang ay ibinalik sa kahon.

Kinuha na lamang ang mga litrato, ako ay napatigil nang natanaw ang litratong tila nagpaguhit ng ngiti sa labi ko.

Litratong parehong saya ang nakikita sa mukha naming dalawa ni Aya. Litratong nagpapaalala sa akin noong araw na una kaming naging kasintahan.

Ilang segundong nakatitig sabay haplos nito. Ako na lamang ay napabuntong-hininga kasabay ang pagtingin ko sa likuran ng larawan at bumungad ang isang pangungusap na nagpaguhit muli ng ngiti ko.

---------------------------------------------------------

February 14, 2006

Sa tanong mo kanina, yes, you can call me LOVE.

A.

---------------------------------------------------------
Hinay-hinay na inilapag ito sa mesa’t kumuha pa ng isang larawan kung kaya ako na lamang ay natulala nang narehistro sa aking isip ang isang alaala.

Litratong hindi inaasahang makita. Litratong nagpabigat ng aking nararamdaman. Litratong nagbigay sa akin ng pag-asa na muli siyang hanapin.

Laman nito ay litrato naming tatlo kung kaya iyon ang araw na pinakahihintay namin ni Aya ang pagsilang niya kay Nikko.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon