"Cut! Ten minutes to familiarize your dialogues!" sigaw ni Lance at nagbigay ng sampung minuto upang pag-aralan muna ng mga aktor ang kani-kanilang mga dayalogo.
Inupuan na muna nito ang isang kulay itim na maletang isa sa kanilang props habang tanaw-tanaw ang obra ng papalubog na araw. Nakarolyong manggas ng damit, nakatiklop na short kapares pa ang kulay itim na high cut na sapatos kung kaya makikita mo ang bawat detalye ng kanyang mga tattoo galing sa braso patungong paa.
Tila nagpahinga ng ilang saglit mula sa kanilang ginagawang pelikula. Eksena'y pawang nasa isang parkeng malapit sa dalampasigang tanaw ang takipsilim.
Ganoon na lamang rin ang pagkahumaling nito na pagmasdan ang mga taong naeengganyo sa kagandahan ng oras na ito.
Mga batang naglalaro, mga pamilyang nag-pi-picnic, mga taong panay ang pag-ehersisyo kagaya ng pagtakbo pati na rin ang pag-jogging.
Siya na lang ay napasimot sa hangin, buminat at muling tumayo subalit agad itong napatigil sa pagbinat nang may napansing isang maliit na papel na nahulog mula sa isang babaeng dumaan sa kanilang set.
Dali-dali nitong kinuha ang nakatiklop na papel at agad naman nitong nilapitan ang babaeng napadaan upang ibalik niya ito sa kanya.
"M-Miss---"
Tinapik nito ang balikat ng babae nang ito ay naabutan niya.
Hindi na niya natuldukan ang salitang nais niyang bitawan kung kaya agad namang nagsalita ang babae nang ito ay agad ding lumingon sa kanya't inalis ang suot-suot nitong earphones.
"Oh my God! I-I'm sorry, I had my earphones on. I-I didn't notice that you're filming," sunod-sunod na pangungusap ng babae.
"No, it's okay. We're actually on a ten minute break," tugon niya.
"O-Ohh, I see. So, I guess... you're the director?" pagtatanong pa ng babae.
Tumawa na lamang silang pareho na tila bang si Lance ay napailing na lang at tumango.
"Y-Yes," sagot niya.
"Wow! So unexpected. I'm talking to a director," saad pa ng babae.
Yumuko na lamang si Lance na para bang nahihiya't napapangisi na lamang ng bahagya.
"By the way, b-bakit mo nga pala ako tinawag?" pagtatanong ng babae sa kanya.
"Oh, I almost forgot," pagbaling ni Lance, "I think this is yours. Nahulog mo noong dumaan ka sa set," dagdag pa niya kasabay ang pag-abot ng papel.
Kinuha naman ng babae ang nakatiklop na papel na inabot ni Lance at kanyang binuksan. Tila, napangisi na lamang ito habang si Lance naman ay puno ng pagtataka.
"W-Why? C-Can I ask, what is that?" pagtatanong ni Lance.
Huminga ito't ngumisi muli. "Nah, it's just a poem. I'm sorry, I fell it but thank you."
Tila, nausisa ito't gustong makita ang tulang nakapaloob sa nakatiklop na papel na kanyang napulot.
"M-May I see it? I-I'm just too fond of making poems and looks you are also."
"Oh sure. Pasensya na, ang corny pa niyan. Kanina ko lang 'yan naggawa eh. I-I'm just too bored earlier," bigkas ng babae at agad itong inabot kay Lance.
Ngunit sa kanyang pagbasa, tila bang pamilyar ito na nagpabilis ng tibok ng puso niya.
"Sa paglubog ng araw, ika'y katabi,
Sana'y sa pagsikat nito, ika'y aking kapiling.
Kahit tayo'y magkalayo, ika'y nasa puso pa rin,
Sabay ang pagtanaw ng walang hanggang dulo natin."Ito'y napatabon sa mukha't napangisi ng bahagya. Ganoon din ang pagngiti't pagtataka ng babae.
"W-Why are you smiling? Is it bad?" pagtataka ng babae.
"No. I'm just happy, I found the missing piece."
Siya na lamang ay napabuntong-hininga. Natawa na lamang muli ang dalawa na para bang matagal nang magkakilala.
Tila naayon ang obra ng papalubog na araw habang si Lance ay napapatitig na lamang sa mga ngiti ng babae na pawang naging perpektong timpla ng saya ang natatamasa.
"I hope that will be the perfect missing piece," saad niya pa.
Tumango si Lance kasabay ang pamulsa ng kamay sa kanyang bulsa. Ganoon din ang paglitaw ng boses ni Yaz nang tawagin nito si Lance upang bumalik na set.
"Direk Lance, we will be starting na! Mamaya na 'yang pakikipagkaibigan mo diyan sa babaeng maganda," pagsigaw ni Yaz nang ito ay medyo nasa kalayuan.
"Oo na! Tumahimik ka na diyan," tugon ni Lance.
Tila bang panay pa rin ang pagtawa sa pagitan ng kanilang pag-uusap. Ganoon din ang pagyuko muli ni Lance na para bang nahihiya na.
"I-I'm sorry. D-Don't worry, he's just too funny," pag-utal niya na tila bang kitang-kita ang pagkahiya sa kanyang mga mata.
Kinaway ng babae ang kanyang kamay at agad nagsalita. "No, it's okay."
"So... Lance?" dagdag pa nito.
Tumango si Lance at agad ring sumagot. "Yes. L-Lance, Lance Samaniego."
"Nice to meet you, Lance. By the way, I'm Czea... Czea Alleroña."
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...