Dumadagungdong na tibok ng puso, ninanamnam ang pagkakataong iyon. Iyon na ata ang pinakahihintay, araw nang pagtatapos sa sekondarya.
Naroon noon sa covered court ng skwelahan, natamasang saya nang nagtapos na ang seremonya. Puting toga ang suot-suot, mga medalya't garland na nakasablay sa leeg.
Nagtipon-tipon sa isang saglit kasabay ang tropa't si Aya. Hindi mapigilang saya at tanging nagbibigay ng pag-asa patungong kolehiyo.
"Congrats sa atin, brothers! College na tayo," bigkas ni Jim na pawang nalulula pa rin sa sayang natatamasa naming lahat sa mga araw na iyon.
"Good Luck sa college?!" sigaw ko pa't napapatalon na lamang kaming lahat.
"Ano, tagay naman tayo diyan. Wala bang mag-aaya?" ani Jim na tila bang nagpakunot ng noo ni Aya.
"Tara!" sigaw ko pa't nakatingin ng diretso si Aya sa mga mata ko.
"Anong sabi mo?!" pagtumbok ni Aya na nagpangisi sa aming tatlo.
"Eto namang si Love, hindi mabiro. Walang tagay na mangyayari! Sino ba kasing nag-aya? Ikaw Jim, sinasabi ko talaga---" pagbaling ko na kung kaya't napapangisi na lamang habang nakikitang nagagalit si Aya.
"Loko ka talaga. Kailan ka pa natutong uminom? Ba't 'di niyo sinasabi sa'kin? Kayo talaga---" sunod-sunod nitong mga salitang napapatawa na lamang.
"At tumatawa pa kayo ha?!" dagdag pa nito't napataas ng tono.
"Huy Love, sorry na. Kaya kita nagustuhan lalo eh kasi ang cute mo kapag nagtatampo." Suyo ko pa't nilalambing ito.
"Binobola mo pa ako ha," sagot niya na lamang.
Mga alaalang hindi makakalimutan, sa'yo lang ang aking mga mata't hindi papawiin ang mga luha.
Tila bang napapangiti na lamang, nagaganahan kapag ika'y nagtatampo. Pasensya na, mahal talaga kita. Hindi maikakailang mas gumagaan ang puso ko kapag ika'y sinusuyo na.
Nagtagal pa ang usapan kung kaya't ito'y gumagaan na ang loob at ngumingiti na.
"Uy bro, aalis na kami. Hinahanap na kami ng mga magulang namin." Wika pa ni Jim sabay pagtapik noon sa aking balikat.
"Sige bro, mag-iingat kayo," tugon ko naman at ngumiti.
"Huwag kang mag-aalala Aya, hindi naman 'yan marunong tumagay si Lance." Pagtawa ni Xavier habang nagkatinginan sila ni Jim.
Oo si Xavier, siya'y parating nasa larawan ng nakaraan tila bang naiinis nang pawang napapayuko at naiiling na lamang.
Naiwan na lamang kaming magkasama ni Aya nang sila'y naglaho na. Naglalakad patungo sa pupuntahan habang nagdidiskusyon kaming dalawa.
"Happy Graduation to us, Love! College na tayo," aniya.
Napatingin sa kanya't ngumiti na lamang at inakbayan ito.
"Same as you Love, " bigkas ko. "Siya nga pala, next, next week, pupunta kami ng Manila. Mag-i-inquire kami for enrollment, do'n sa film school na tinitingnan namin."
Sa pagbigkas ng mga salitang iyon, tila bang napabitiw ito sa pag-akbay ko't iba ang naging pahiwatig nito.
"Love, I thought we already planned na you will take an IT course?" sambit niya pa sabay paghawak ng kamay ko.
"T-Tama nga pala, I forgot. Naplanuhan na kasi namin 'yun eh. Anyways, kalimutan na natin 'yun. Sasabihan ko na lang sila na... I can't come dahil babawi pa ako sa'yo---"
Mga salitang binitawan ko habang iginapos ang aking mga kamay sa kanya't tiningnan sa mga mata.
Magandang pagkakataon ding tumungtong sa isang IT school at alam kong mas makakabuti sa akin at maging sa amin.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...