"Bro, ano ba?! Buksan mo 'tong pinto!" sigaw ni Jim habang katok-katok ang pinto.
Hindi magawang pagbuksan kung kaya tanging pag-upo lang habang nakakalat ang mga bote ng alak. Pawang pagluha't pagkatulala lang ang nagagawa.
"Lance, ano ba!" sigaw muli ni Jim habang rinig na rinig ang malalakas na katok nito.
"Boy, lumabas ka na diyan. Naghanda ako ng paborito mong ulam, buksan mo na 'yung pinto para makakain ka na," malumanay na pagbigkas ni Tatay Gabo.
Mahigpit na pagkahawak sa aking buhok habang ramdam pa rin ang malayang pagbuhos ng luha. Mabibigat na mga matang hindi mahagilap ang saya. Pawang naririnig pa rin ang mga pagkatok ng pinto pati ang pawang nanlulumong boses ni Tatay Gabo.
"Boy, kumain ka na. Magkakasakit ka niyan," wika pang muli ni Tatay Gabo.
"Bro, si Jim 'to. Buksan mo na 'yung pinto, please," ani Jim.
Pawang nakaupong istatwa katabi ang mga boteng nakakalat sa sahig ng kwarto. Tila bang amoy ng alak ang naging pabango sa tagpong nakakalumo.
"Lance, Aya will be okay, okay? Kaya buksan mo na 'tong pinto. Alam mong ayaw ni Aya na nakikita kang ganyan," pangungusap pa ni Jim.
Inabot ang isang bote ng alak na pawang nawawala na ang lamig kasabay ang paglaklak muli nito upang maubos ang laman.
Hindi maramdaman ang sarili, tila bang namamanhid ganoon na lang ang pag-igtad ko nang natapon ang alak sa aking damit.
"Tangina."
Napamura na lamang ako, gulong-gulo pa rin ang buhok. Tila bang mahigpit ang pagkahawak sa boteng hawak-hawak ko't hindi napigilan ang sariling matapon ito sa dingding.
Bumungad ang pagkalampag ng boteng nabiak kasabay din ang muling pagkatok nina Tatay Gabo sa pinto.
"Boy! A-Ano ba?! B-Buksan mo na 'tong pinto," nanginginig na mga salita ni Tatay Gabo.
"Bro, ano ba? Gusto mo bang sirain ko 'tong pinto? Malilintikan ka sa'kin ngayon. Ano ba!" naririnig kong mga sigaw ni Jim.
"Boy, maawa ka naman sa sarili mo..."
"Lance please, just open this door."
"Boy..."
Sunod-sunod nitong mga pagbigkas, tila bang mas napakapit sa aking buhok na pawang sinasabunutan na. Hindi malaman-laman ang nagagawi, ako na lamang ay napapikit, napalukot ng mga paa.
"Lance!"
"Boy, buksan mo na---"
Ako ay napamulat mula sa kinahihigaan. Bumilis ang tibok ng puso nang ito'y tinapatan ng kanang kamay. Napakunot na lamang ng noo at inayos ang buhok.
Isa na namang panaginip mula sa nakaraan. Hindi mabasa ang sarili, tanging pagtataka lang ang ngayo'y nasa utak. Napabuntong-hininga na lamang at napaahon sa kinahihigaan upang ayusin ito pati na rin ang sarili.
Nakaharap sa salamin, bumabagabag pa rin ang napanaginipan kanina. Nagtataka, bakit napanaginipan ang pangyayaring alam kong nangyari na?
"Ano bang nangyayari sa'yo, Lance?" bulong ko sa sarili habang nakatitig pa rin sa salamin.
Pawang bumibigat ang katawan, ako na lamang ay muling huminga ng malalim. Agad nang tumungo sa banyo upang maligo ngunit tila bang sa aking paghinto sa pinto ng unit ay ganoon din ang pagbungad ng isang boses.
Hindi na binuksan kung kaya pinakinggan na lamang.
"Opo, he's doing good..." mga unang salitang narinig mula sa labas ng pinto.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...