Patuloy ang pagsikat ng umaga, naghahanda ng sarili upang tumungo na ng set. Mangyayari ang isa sa mga eksenang gagawin sa pelikula.
Natapos nang maglinis, maligo at magbihis. Maging ang paghanda ng almusal ay naggawa na rin. Hinihintay na magising si Czea upang ako ay aalis na.
Hinay-hinay na binuksan ang kwarto upang siliping gising na ba ito. Ako'y dahan-dahang pumasok, nakikita ang himbing ng kanyang pagtulog. Pawang nakasandal sa dingding habang siya ay pinagmamasdan.
Nabubukod-tangi ika nga, patuloy pa ring nakatitig sa kanyang maamong mukha. Pawang gusto na lamang pagmasdan araw-araw ang ganitong tanaw. Tanaw na tila bang araw na bubungad sa'yong umaga.
Hindi nakapagpigil, agad na napaayos ng sarili nang siya ay napagalaw at napamulat ng mata. Ako na lamang ay napayuko nang agad naman itong napaahon at nagulat.
"Ah... P-Pasensya na, napahaba 'yung tulog ko. Magliligpit muna ako ng kama," nag-aatubili niyang bigkas.
"O-Okay lang, k-kunin ko lang 'tong sumbrero," nauutal kong dahilan.
"M-Magluluto na lang ako ng almusal---" bigkas niya pa at agad naman akong nagsalita.
"H-Hindi na, tapos na akong nagluto," wika ko.
Siya ay napayuko at napaayos ng buhok na tila bang may gustong sabihin.
"Pasensya na talaga. Nakakahiya lang. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa'yo," aniya.
"Czea, listen. You don't need to do it and it's okay, hindi mo na kailangang bumawi," nakangiti kong pagbigkas. "By the way, I have to go. Kung nagugutom ka, may pagkain sa mesa o hindi kaya sa ref. Aalis na ako, maaga pa 'yung shooting namin... Ano, dito ka lang?" dagdag ko pa.
"Oo..." pagtango niya.
"Tsaka nga pala, c-can I get your number? I-I mean, baka lang may kailangan ka rito sa bahay o may problema, you can call me anyways," bigkas ko.
Pareho na lamang kaming napangisi at siya ay napatango. Agad na kinuha ang numero niya at ph-in-onebook sa telepono. Sinuklian ito nang ngiti at tumango rin sa kanya.
"T-Thank you, aalis na ako. Ikaw nang bahala rito," salita kong muli.
Napatalikod na at aakmang lalabas na ng kwarto kung kaya't sa pagtapak ko ng kaliwa kong paa ay agad niya akong tinawag.
"Lance!" tawag niya sa akin.
Ako ay agarang napalingon at itinaas ang noo.
"Yes?" sagot ko.
"T-Thank you," simpleng bigkas niya.
Ngumiti sa kanya at nagsalitang muli. "Wala 'yun... Sige na, aalis na ako."
Siya na lamang ay napatango at agad nang lumabas ng kwarto. Kinuha ang mga gamit at tumungo na sa garahe. Binuksan ang gate at pinaandar ang sasakyan upang ilabas.
Siya ay nakatayo sa labas ng pintuan sabay pagsulyap muli sa kanya nang isinasara ang gate. Nakakapanibago lang ang lahat na nangyayari. Agad na kumaway sa kanya at ngumiti maging siya rin ay ganoon ang sukli.
Pumasok na sa kotse at muling sumulyap sa kanya sabay pagbusina ng dalawang beses upang tuluyan ng umalis.
Nakatingin na sa kalsada habang ito ay binabaybay. Tanging iniisip lang ay ang kanyang ngiti at presensiya. Napabuntong-hininga na lamang at itinuon na ang sarili sa pagmamaneho.
Mag-aalas sais sa orasan, dalawang oras pa upang magsimula ang taping. Kinakailangang maging maaga sa set upang magbigay pa ng iilang direktiba.
Nagaganahan nang gawin ang mga eksena. Inaabangan ang magandang mangyayari sa loob ng araw kung kaya't napapangiti na lamang ng bahagya.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...