KABANATA VII: Napaisip

55 16 0
                                    

"... Buhos ng ulan, sa bintana nakadungaw,
Hindi alintana, alaala muli'y natanaw..."

Nakadungaw, napatulala sa bintanang tanging tanaw ang pagbagsak ng ulan. Bakit naayon sa aking nararamdaman ang buhos ng panahon ngayong araw?

Papel, bolpen, nakalatag sa mesa, nag-iisip sa susunod na mga linya. Ano bang ginagawa ko?

Napabalik, naiisip, mga alaalang ginuhit noong makalawa, alaalang kasama siya na pawang nalilito na ang damdamin. Mga kwentuhang umuusisa sa takbo ng orasan, hindi natanto subalit nakatanaw lamang noon sa lawak ng dagat.

"Alam mo, ngayon lang ulit ako naging masaya ng ganito." bigkas niya nang nakaupo lamang kami noong makalawa sa upuang malapit sa baybay.

"B-Bakit? Ano bang nagpapalungkot sa'yo?" ani ko naman habang nakatanaw sa lumulubog na araw.

"Hindi ko alam, araw-araw nalang akong nakakaramdam ng lungkot sa tuwing mag-isa ako." mahinahong salita niya na tila bang ramdam mo ang lungkot na nararamdaman niya. "Kaya siguro ganito nalang ako kasaya kapag may kasama ako." dagdag pa nito.

"I-Ikaw lang ba talaga mag-isa? W-Wala kang kasama?" pagtatanong ko sa kanya.

"A-Actually, I don't need someone to be with me. Para bang mas gusto ko nalang 'yung mag-isa parati." pagsagot niya na ikinagulat ko noon.

"You would choose to be alone?" pangungusap kong muli.

"Yes, siguro nga. By the way, sa tanong mo na ako lang ang mag-isa? H-Hindi, I have a boyfriend but we're not good as anyone. Siguro 'yun nalang din 'yung dahilan ko at pumunta rito para magpakasasa sa masayang buhay. Remember the day, noong una tayong nagkita? Nag-away kami no'n. 'Yung pangalawa? No'ng nakita mo akong may kayakap? Nagtalo din kami no'n." paliwanag niyang muli na tila bang galit ang nararamdaman ko kung kaya't napailing na lamang sabay pagtingin muli sa kanya.

"A-Ano?!"

"Yes and you're right, he is Xavier. Xavier Del Viejo." bigkas muli nito habang ako nama'y napakumot ng kamay kung kaya't galit muli ang nararamdaman sa nalaman ko. "Siya ba ang Xavier na kilala mo?" dagdag niya pa.

"H-Hindi, iba." pagkautal ko at iyon na lamang ang nasabing dahilan. "A-Ano bang ginagawa niya sa'yo? Sinasaktan ka ba?" pagbaling ko na lamang.

"H-Hindi naman, hindi niya naman ako sinasaktan. Nagtatalo lang kami kapag hindi kami nagkakaunawan sa isang desisyon." paliwanag niyang muli na nagpatigil sa aking paggalaw.

"Tanginang lalakeng 'yon." mahina kong bulong sa sarili ko kung kaya't pawang narinig ito.

"Ano?"

Natigilan ako, walang salitang binitawan, ni hindi malaman ang dahilan. Pawang ikaw ang taglay ng alaalang dumudungaw sa isip ko.

Gustuhin mang tumakbo, magwala, magalit sa taong kinaiinisan ko, walang maggawa kung kaya't mapupuno ng pagtataka ang isip nito.

"Wala. Kay sarap lang ng hangin. Kay sarap pagmasdan ng kulay kahel na langit." pagbaling ko sabay paggala ng mga mata ko. "Diba---"

Sa aking paglingon pabalik sa kanyang malulungkot na mga mata tila bang hawak-hawak na ang ulo nito't magulong mga buhok.

"Czea, okay ka lang ba? Cz-Czea!" sigaw ko no'n kung kayo hindi malaman-laman ang nangyayari sa kanya.

Agad naman itong tumayo pawang hindi naririnig ang mga sigaw ko. Ako ri'y napatayo sa pagkakataong iyon, hinawakan nito ang mga kamay sabay pagyakap ko nang hindi inaasahan. Hindi nais na gawin ngunit tila bang nadala na lamang.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon