Makalipas ang dalawang araw, panibagong pagbungad ng umaga, unti-unti nang nakaipon ng panibagong lakas. Tila bang napangiti na lamang habang nakatingin sa salamin.
Narito sa loob ng kwarto mukhang naninibago. Nag-aayos ng sarili’t gamit kung kaya ay papunta ng Andromeda upang ipagpatuloy ang naisantabing kagustuhan.
Ako na lamang ay bumuntong-hininga kasabay ang pagdungaw sa bintana na tanging tanaw ang kariktan ng sinag ng araw. Ganoon na rin ang pagsuot ng sumbrero at tuluya nang lumabas ng kwarto habang hawak-hawak ang bag.
“B-Boy!” pagbungad ni Tatay Gabo kung kaya ako’y nagulat.
“T-Tay naman. Nanggugulat ka pa eh,” bigkas ko na lamang at natawa kaming pareho.
“Eto naman. T-Teka, sigurado ka na bang papasok ka na?” pagtatanong ni Tatay Gabo.
“Oo Tay, dami ko nang naiwang trabaho. T-Tsaka, okay na naman ako.” Tumango na lamang ako at ngumiti kay Tatay Gabo.
Tila bang sa ganoon ay nag-iba ang reaksyon nito’t ako na lamang ay nagtaka.
“B-Bakit Tay? M-May problema ba?” pagtatanong ko sa kanya.
“Si Xavier... H-Hindi pa kasi siya sumasagot sa mga tawag ko. Ayaw ko na ring makaabala pa’t makiusap kay Jim. B-Boy, hindi pa kasi tayo nakapagpasalamat kay Xavier eh---”
Hindi na natapos ni Tatay Gabo ang pangungusap niya nang agad akong nagsalita.
“T-Tay---”
“P-Pwede bang kausapin mo na siya? S-Siguro naman, wala ng poot diyan sa puso mo,” pangungusap pang muli ni Tatay Gabo.
Tila bang ako na lamang ay natahimik sa mga sinabi niya at napayuko ng ilang sandali. Unti-unting inahon ang sarili at bumuntong-hininga upang sagutin muli ang mga salitang binitawan niya.
“S-Sige Tay, pupuntahan ko na lang din siya sa Primavera. P-Pero, kung sasagot man siya ulit sa tawag mo o pumunta rito. Sabihin mo, babayaran ko lahat ng mga gastong binayaran niya sa akin noong nasa ospital pa ako. A-Ayoko lang magkaroon ng utang ng loob.”
Ngumisi na lamang ako ng bahagya at inayos ang sumbrerong isinuot ko. Ganoon na lang din ang pag-akbay ng bag sa aking kaliwang balikat.
“Sige na Tay, aalis na ako,” pagbaling ko’t nagmano sa kanya.
Tuluyan ng lumabas ng bahay at dumiretso na sa gate nang nailabas na ang sasakyan kani-kanina. Agad na pumasok dito sabay paglapag ng inakbay na bag sa kabilang upuan at isinara ang pinto.
Pumreno ng dalawang beses at ipinaharurot na ang sasakyan. Hindi alintanang ganito kasarap pagmasdan ang panibagong araw. Diretso ang tingin sa kalsada, ganoon na rin ang pagpihit ng manobela. Ninanais na maging maganda ang araw na ito hanggang sa ito ay lumubog at bubungad ang buwan.
Binuksan na lamang ang musika ng sasakyan. Sinabayan ng pagsipol ang himig nito’t napatingin sa sinag ng araw.
Pawang ngiti ang nakikita sa labi. Napagtantong bagong umaga ay natanaw ko na. Dumating, upang bigyan ng kasiyahan ang mga mata. Hanggang sa handang harapin muli ang mundo.
Ibinaling na lamang muli ang sarili sa pagmamaneho habang pinapakinggan pa rin ang musika.
Mahigit kalahating oras ang nakalilipas, narating na ang paroroonan. Agad na pinarada ang sasakyan at ganoon na lang din ang pagbukas ng pinto nito at kinuha na ang bag. Dali-daling bumababa upang tumungo sa opisina.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...