Naalimpungatan sa ingay ng alarm clock. Hindi namalayang nakatulog na pala. Alas otso, kinakailangan ng mag-ayos, magmadali, mayamaya na pala ang presentasyon ng screenplay.
"Tangina, hindi ko pa pala naprint." pagmumura ko sa sarili ko kasabay ang pag-ayos ng printer upang tuluyang iprint ang scripts.
Nagmamadaling nag-ayos ng lamesa at naghanap ng maisusuot ngayong umaga. Dumiretso na sa banyo habang hinayaan na lamang muna ang printer.
Labing limang minuto'y lumipas, nagbihis nang nakalabas na ng banyo. Hinihintay pa ring matapos ang printer kung kaya't tumungo na lamang sa kusina upang mag-almusal na lamang.
Dali-daling nag-almusal, nag-ayos sa sarili at pagkatapos ay tumungo muli sa kwarto upang kunin ang naimprenta. Nagsimula namang mag-ayos ng gamit upang dumiretso na sa opisina.
"Pucha, ipapa-photocopy pa pala to." bigkas kong muli sa sarili kasabay ang pagkuha ng scripts at paglagay sa bag.
Nagmamadaling lumabas sa kwarto nang naayos na ang sarili't gamit kung kaya'y tumungo na sa garahe upang paandarin ang kotse.
Tatlumpong minuto, narating ang paroroonan, agad-agad na tumungo sa opisina pagkatapos kong magpark. Dumiretso sa photocopy area at sinimulang imprentahin ito. Hindi ko na nagawang mag-utos sa ibang staffs kung kaya't sa pagmamadali at walang personal assistant.
Napahinga na lamang ng malalim nang matapos ang ginagawa. Agad na nagpahinga sa loob ng opisina upang hintayin na lamang sina Mr. Lacson.
"Ang aga mo yata, Lance." pagbigkas ni Rex nang pumasok ito sa opisina kung kaya't kakarating lang nito.
"Kailangan eh, ngayon 'yong deliberation ng screenplay. Napaaga rin ako dahil 'di ko pa na-photocopy 'yung scripts." pagpaliwanag ko sa kanya.
"Buti naman natapos mo na. Parang paakyat na 'yon si Mr. Lacson nakasalubong ko siya kanina by the way good luck, Lance." sagot muli ni Rex.
"Ganoon ba? Sige, mag-aayos lang ako ng presentation, salamat nga pala." ani ko naman.
Minuto pa ang nakalipas kasabay ang pagdating ni Mr. Lacson, tumungo na sa meeting room upang simulan na ang presentasyon.
"Are we all set? Magsisimula na ba ako?" bigkas ko kaya't wala nang nakikitang dahilan para hindi magsimula.
Tila bang hindi mapakali kung kaya't pawang may darating. Biglang bumukas ang pinto ng meeting room na nagpakunot ng noo ko.
"Are we late? We're very sorry nagka-emergency lang." bigkas nito sabay pagpasok sa meeting room.
Hindi maalis ang kunot sa aking noo na pawang mga kilay na nagsalubong. Biglang napatayo si Mr. Lacson at ang tingin sa kanya. Ano bang hindi ko alam sa nangyayaring ito?
"Mr. Del Viejo, Sir X, no, you're not. Take your seat." pagbigkas ni Mr. Lacson kasabay ang pagpaupo niya nito.
"Xavier?! A-Anong ginagawa mo rito?" pagtatanong ko na halong pagtataka, kaharap ko ang taong tinuring kong kaibigan.
"Are you both know each other?" pagtatanong din ni Mr. Lacson.
"We're best friends." sagot pa ni Xavier na nagpabilog ng kamay ko.
"Noon." sagot ko na lamang.
"I-I'm sorry Mr. Samaniego. We forgot to inform you that this movie will be co-produced by Primavera Studios and Mr. Del Viejo, is their new head of production." pagpaliwanag pa ni Mr. Lacson.
"Ba't 'di niyo agad sinabi? Since it is co-produced, the tasks should be divided. There should be a consultation before this meeting, right?" pagbigkas ko kung kaya't ang tingin pa rin ay nasa kay Xavier.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...