Isang panibagong araw, isang panibagong shooting na naman. Nasa huling eksena ngayong araw kung kaya ay maagang matatapos ang shooting ngayon para sa malaking eksenang gagawin bukas.
Nakaupo sa upuan, nakatingin lamang sa screen habang nagbibigay ng direktiba sa kanila para sa huling eksenang gagawin sa araw na ito.
"Okay, set the dining table. Nasaan na ba 'yung bata? Tapos na bang mag-ayos?" pagtatanong ko nang ang bata na lamang ang hinihintay sa set.
"Tapos na Direk," wika pa ni Direk V.
Lahat na sila ay naayos sa upo, naroon sina Jason, Sam at mga pamilya nila sa pelikula. Eksena'y masayang hapunan at tanging kukuhanan lang ng shots na wala nang dayalogo.
"Sige, continuation for the last scene this day. Candid lang tayo. Last scene, continuation. Cameras are rolling in three, two, one. Action!" direktiba ko na nang nakitang maayos at handa na ang lahat.
Nakatingin pa rin sa screen habang inoobserbahan ang kanilang gawa. Mga cameramen ay nakatuon na habang kumukuha na ng shots. Maging ang light director ay nakatuon din.
Minamasdan lamang ang masasaya nilang akto at ako na lamang ay napapangiti sa ganda ng pagkakuha. Wala na ngang mahihiling pa.
"And... Cut! Nice take. Good job everyone!" pagputol ko na sa eksena.
Agad na lumapit sa kanila nang naggawa na nila ang ekspektasyon ko rito sa eksena. Bumati at napangiti sila.
"Congratulations! Done last scene for this day. Embrace yourselves tomorrow, malaking eksena ang gagawin natin," wika ko pa sa kanila.
"Direk, kinakabahan na ako---" ani Sam habang napapatawa na lamang kami.
"Pag-aralan niyo lang kung anong mga dialogues niyo, okay? Don't put pressure, wala na kayong pro-problemahin. Just be there at eight!" pangungusap ko sa kanila habang nakatipon kaming lahat.
"Yes Direk!" sagot pa ni Jason.
Napatingin kay Sam at nagsalita akong muli. "Especially to you, Sam. Eight is eight."
"Opo Direk. Hindi na 'yun mangyayari," tawa pa niya.
"Okay, talents, pack-up na!" sambit ko pa.
Lahat na ay nag-ayos ng mga gamit at ang iba ay tumungo sa tent. Maliban ang mga crews, nang mayroon pang maikling meeting.
"Okay but before that, congratulations, you successfully concluded another day!" wika ni Ms. Castro sabay pagpapalakpan naming lahat.
"So, we need to focus ourselves tomorrow dahil nga it's a big scene," wika niya pa. "Also, Direk V, prepare the call sheets for the talents..." dagdag niya pa.
"I already did," sagot pa ni Direk V.
"Nice."
"Call time nga pala natin guys is
five o'clock. We need to prepare decorations pa, and also ang mga damit though the designs and wardrobe already prepared na kailangan pa rin natin silang tulungan especially to those volunteers," pangungusap muli ni Ms. Castro."And also, just a reminder. Camera and Lights, please... fix your problems kagaya kanina hindi gumagana 'yung mga lights, buti na lang naayos 'yung dalawa kung hindi mapipilitan tayong i-external 'yung eksena dahil hindi enough 'yung lighting sa loob masyadong mailap."
Pagbigkas ko habang napa-cross arms ako. Sila naman ay nakaintindi at ako ay napatango rin.
"Also, locations please... secure the area and you should be the first to go there," wika pa ni Ms. Castro.
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...