KABANATA XXI: Lungkot

36 7 0
                                    

Mga araw pa ang nagdaan, bakit tila sa kanyang pagsama sa akin noon dito sa bahay ang huli pa naming pagkikita. Kahit ilang beses bumabalik sa aming naging tagpuan, hindi mahagilap ang tindig niya na tanging hinahanap.

Pabalik-balik, hindi alam kung saan hahanapin nang sa tuwing siya ay hinahatid ay nag-aalok na ibababa siya sa sakayan ng jeep. Hindi na lamang nagpumiglas at hinayaan na ito.

Nadedesperado na, maging ang gusto na pagpunta sa kanyang pinagtatrabahuan ay hindi maisingit dahilan ng napaka-hectic ng schedule sa shooting.

"Nasaan ka ba, Czea?" bulong ko na lamang sa aking sarili.

Nakaupo rito sa sofa, mag-aalas sais ng gabi. Nakakalat na mga papel sa mesa, pawang paghahabi lamang ng tula ang naggawa. Nahihirapan, parang ang hirap nang gumawa ng paksa rito sa apat na taludturang tula.

Ikaw lamang ang nais na kwento ng aking talata. Ngunit nauudlot ang isip sa paglikha ng mga salita. Napahawak na lamang sa buhok at napansandal upang makapag-isip ng maayos.

Nakatulala, nakahangad lamang sa kisame ng bahay na para bang naroon ang mga salitang hinahanap. Agad namang napaayos ng upo at itininta ang naisip na mga taludtod.

"...Nasaan ka na ba? Hiling ng tadhana,
Parehong mga mata, sayo'y nahahalina.
Lilipas man ang araw at ito'y magiging buwan,
Nakagapos pa rin sa pag-asang ika'y muling mahagkan..."

Ito ay tiningnan, binasang muli upang malamang wasto ang naitinta. Natulala, napagtantong bakit parang malungkot ang naisulat na mga taludtod.

Napabuntong-hininga, inilapag na lang muna ito sa mesa kasabay ang mga nakakalat na papel at nakabukas na kahon ng alaala.

Napailing, napag-isipang pupunta sa naging tagpuan upang hanapin siya. Wala namang taping ngayon. Iniligpit ang mga kalat sa mesa. Isinilid ang tulang hinabi sa kahon ng alaala at ito ay isinara.

Napatitig muli rito ng ilang sandali tsaka itinago sa kwarto. Agad na nagbihis ng damit habang nakatingin sa salamin. Napabuntong-hininga at ngumiti.

Tuluyan ng lumabas ng kwarto sabay pagkuha ng aking maliit na sling bag at susi ng sasakyan. Iginala muna ang mga mata sa loob ng bahay kung wala na bang nakalimutan. Pagkatapos ay lumabas na ng pinto at isinara ito.

Inilabas na ang sasakyan nang binuksan ang gate at agad namang isinara. Dali-dali nang tumungo sa driver's seat upang dumiretso na sa pupuntahan. Ngunit sa pagbukas ko ng sasakyan ay tila bang bumungad sa akin ang papalapit na si Jim.

"Bro, anong ginagawa mo rito?" wika ko kay Jim nang ito ay lumapit sa akin.

Nagulat ito sa aking sinabi.

"Ano? Bro, diba may usapan tayo? Sasabay na ako sa'yo kaya iniwan ko na 'yung kotse sa bahay," ani Jim.

Napangisi na lamang ako at napahawak sa aking buhok.

Napamura na lamang ako. "Tangina! Birthday nga pala ni Rex ngayon."

"Wow! So, kung hindi ako pumunta rito... hindi rin papasok sa isip mo?" bigkas niya pa.

Tama nga pala, kaarawan ngayon ni Jim. Muntikan ng hindi sumagi sa isip ko, mabuti na lang at pumunta rito si Jim.

"Bakit, saan ka ba dapat pupunta?" pagtatanong niya.

"B-Bibili sana ng stocks ng bond paper. Naubos na kasi kanina eh," dahilan ko na lamang.

"Sakto, pupunta rin sana ako ng mall. Bibili ako ng cake for Rex. Tara!" pag-aya niya pa sabay akmang papasok sa kotse.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon