KABANATA XXXV: Panaginip

42 3 5
                                    

"Look at the sunset, its beautiful." Mga salitang binitawan niya habang ako ay nakatingin pareho sa kanya at sa palubog na araw.

"It is beautiful... like you," pagdugtong ko sa mga binitawan niyang salita.

"You know what Love, you're so corny---"

"Pero kinilig ka," mapanuya kong wika.

Kitang-kita ang pag-iba ng reaksyon nito't ako na lamang ay napatawa. Tila bang gugustuhing asarin ito parati.

"Ang sarap mo talagang asarin, anyway may tanong ako..." pagbaling ko.

"What is it?" pagtanong niya rin kasabay ang pag-ayos namin ng upo.

"Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" pagbigkas ko na nagpahinto sa aming dalawa.

Sinilip ang kanyang mga mata at ibinalik ang tingin sa repleksyon ng araw sa dagat.

Tila bang ako ay napamulat na lamang ng mga mata kasabay ang pag-ahon sa pagkaidlip. Isa na namang alaalang napanaginipan.

Nagtataka, pawang napapadalas ang ganitong klaseng panaginip na kasama siya.

"A-Aya?" bulong ko sa sarili ko. "Tama nga pala."

Agad na napatayo sa kinauupuan, inaayos ang nagulong buhok pati na ang sarili.

Magkikita nga pala kami ulit ni Aya ngayon bago pa ako bumalik sa Pilipinas. Mananatili pa siya ng tatlong araw rito sa London kung kaya ay hindi pa natapos ang kanilang summit.
                                                        
Kahit mga araw pa ang nagdaan, tanging saya pa rin ang nararamdaman. Ngunit tila bang nahaluan muli ng lungkot ang pakiramdam kung kaya ay ngayon ang huling araw rito sa London.

Napatigil na lamang sa paggalaw habang inililigpit na ang mga gamit upang ilagay na sa maleta. Napadungaw na lamang sa bintana, tanaw pa rin ang ganda ng London Eye mula rito. Napagtanto kasabay ang pagngiti ng bahagya, nabago nga ng lugar na ito ang tanaw ko sa buhay.

Alas nwebe sa orasan, ala una ang flight pabalik ng Pilipinas. Dali-dali nang tinapos ang pagliligpit ng mga gamit upang tuluyan nang pumunta sa Trafalgar Square para hindi maabutan ng oras.

Itinabi na ang maleta sa tabi ng kabinet kasabay ang pagtingin sa salamin at napabuntong-hininga na lamang.

Agad na lumabas ng unit at isinara ito. Binilisan na ang paglalakad patungong elevator.

Ilang segundo pa, agad nang lumabas ng elevator nang ito ay nagbukas na at tuluyang dumiretso sa sasakyan upang tumungo na sa paroroonan.

Muling binabaybay ang kahabaan nitong daan, hindi na nagpaalam sa mga kasamahan kung kaya ay sandali lamang ang pupuntahan.

Makalipas ang kalahating oras, agad na bumababa sa sasakyan. Dumiretso na sa sentro nitong Trafalgar Square upang siyaay muling makita.

Hindi mapakali, pagka-aligaga at panay na paglalakad para lang makita muli ang hinahanap na si Aya. Napatigil na lamang rito sa may monumento, tinatanaw ang dulo nito.

Ako na lamang ay huminga ng malalim at ipinatuloy ang paghahanap sa kanya. Palibot-libot na lang, pawang naabot na ang sulok nitong lugar kung kaya ay hindi pa rin ito mahagilap.

Ang pagkikita ay napag-usapan na namin, ayaw kong bumalik sa Pilipinas na hindi siya makita ng ilang sandali. Panay pikit-mulat na mga mata kasabay ang madidiing paghawak sa buhok.

Ngunit ilang saglit pa, ako ay napatigil, nang natanaw itong nakatalikod sa may fountain. Tila bang muling nabuhayan ng loob at agad itong pinuntahan kahit man ay maraming taong nakasalubong sa akin ngayon.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon