Isang makabagong araw, nakasuot ng kulay puting polo kapares ay denim pants, kulay itim na sapatos at pawang bilang na bilang ang bawat hibla ng buhok nang ito'y naka-pomade. Papasok sa isang Italian restaurant at tanging pag-asa lang ang dala-dala.
Biglang tumunog ang aking telepono kung kaya't kinapa ang bulsa at ito'y kunin. Bumangad sa akin ang numero ni Yaz at agad itong sinagot nang napahinto saglit sa paglalakad.
"Yes Yaz? Where are you? Andito na ako sa meeting place," pagsagot ko.
"Direk, sorry po talaga. Magpapaalam po sana ako na hindi ako makakapunta, nagkaproblema kasi rito sa bahay eh. Pasensya na po Direk, babawi po ako sa susunod. Hindi ko lang po kasi maiwan ang mga kapatid ko," pangungusap ni Yaz.
"Wala na tayong maggagawa. It's okay, huwag ka na lang pupunta. Ako na lang ang bahala. Just be sure, you will report on Monday, loaded na tayo next week."
Ibinaba na ang telepono at napaayos sa aking damit. Sabado nga pala ngayon. Nakatanaw sa aking relo, tila bang sakto lamang ang pagdating para sa meeting ukol sa taping sa London.
"Good Morning Sir," pagbati ng gwardya ng restaurant sa akin.
"Good Morning. Where's the table for Primavera and Andromeda?" pagbati ko at pagtatanong sa kanya.
"That way sir at may makikita kayong VIP's lounge," sagot niya.
"Grazie," tugon ko at ito'y tumango.
Dumiretso na sa daan na kanyang tinuro at pumasok sa loob ng lounge. Bumungad sa aking presensiya ang mga managers and producers, maging sina Mr. Lacson at Mrs. Javier ay naroon din. Pati na rin ang location department kung kaya't umupo na sa tabi ni Jim.
Ako'y bumati at sila'y napangiti, hinihintay na lamang ang pagdating ng ilang taga-Primavera at maging si Xavier. Bakit sa tuwing nagkakaroon ng pagtitipon ay nahuhuli na lang ito palagi? Napailing na lamang at sumandal sa upuan.
"Kanina pa kayo, bro?" pagtanong ko na lamang kay Jim.
Ito'y ngumiti at sumagot. "Kakarating lang din namin."
Napaayos ng aking upo upang maging komportable. Hinihintay pa rin ang pagdating nina Xavier.
"Saan nga pala 'yung assistant mo?" pagtatanong ni Jim.
"He has an emergency. Hindi ko na lang pinapunta," sagot ko.
"Okay, by the way, Rex invited us on the 21st. Simple celebration daw..." salita niyang muli.
"Tama nga pala, birthday niya March 21, sige pupunta ako. Anyways, when we will be going to London? Ang pagkakaalam ko kasi on the third week," bigkas ko.
"Maybe, narinig ko rin sa kanila Mr. Lacson, it might also be on fourth week of April. Hindi ko lang alam."
Siya'y napailing at maging ako'y ganoon din. Ilang minuto pa ang pagkwe-kwentuhan ay iyon din ang pagdating nina Xavier.
"Good Morning everyone. We're very sorry for the delay," bungad ni Xavier habang lahat ay nakatingin sa kanilang pagdating.
"Mr. Del Viejo, you're here. Take a seat," bati ni Mr. Lacson.
Lahat ay napaayos ng upo habang ako'y napahinga na lamang ng malalim. Gusto mang lukutin ang mga kamay, napapailing kung siya'y tuwing nakikita. Sinimulan na ang paglalahad ng meeting, lahat ay nakatuon sa kung sino ang nagsasalita.
"So, good morning everyone. But, first of all, thank you for coming," pagbati ni Mr. Lacson. "Anyways, as we all know, we are gathered here para sa... malaking proyekto natin. Especially, we, at Andromeda, are very happy that our potential entry to the CFFF is co-produced by Primavera."
BINABASA MO ANG
The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)
Romance//Will be scheduled for MINOR revision// "Umiiyak ba ang araw kapag ito ay nakahalik sa dagat?" His promise is her as he looked and waited for her to come back. He used pen and ink to be his sword where he became a writer of reality and dreams to be...