KABANATA IX: Nahumaling

40 15 0
                                    

Happy Valentine's Day!

Pagbati ng mga taong nakapalibot sa akin ngayon. Mga bulaklak ang tanging nakikita, maging kulay pulang lobo at cake rin nariyan. It's our first day of shooting, bakit tila matamlay ako. Nakalatag ang mga gamit para sa unang set sa araw na ito.

Bakit nangingibabaw ang pagkatamlay kaysa sa kasiyahang dapat kong maramdaman kung kaya't unang araw ngayon ng shooting namin.

Ngayo'y nasa kalsada, sisimulan ang unang eksena. Kinakababan, halo-halo ang nararamdaman. Saya ang nanalantay sa kanila't nahahalina naman sa pagkakataong ito.

"Direk, ngiti, ngiti naman diyan. Unang shooting natin 'to tsaka Valentine's Day pa at naipasok mo pa 'yang katamlayan mo. Oh eto Direk, tubig baka sakaling lalabas 'yang ngiti mo." pagbigkas ni Yaz at napailing na lamang ako sabay pag-abot niya ng isang bote ng mineral water.

"Loko ka talaga, Yaz. Dami mo pang sinasabi bumalik ka na ro'n, salamat nga pala." pagsagot ko sabay pagkuha ko ng bote ng tubig na inabot niya sa akin.

Napatawa na lamang sa kakulitan ni Yaz. Bumalik na ito sa kinauupuan nito at ako nama'y napaayos ng sarili upang muling simulan ang shooting kanina.

Sinenyasan ang mga lente, ilaw, maging ang cameramen at mga artista. Magsisimula muli sabay pagbigkas ng mga command.

"Ready, hold your positions. Maglalakad si Brian papasok ng bahay. Scene two, take one, external. Cameras rolling in three, two, one, action." sigaw ko at pag-alalay ng AD sa eksena nang nagsimula nang umarte si Jason.

Nag-oobserba, napapatango. Saktong-sakto ang galaw na ginagawa nito. Hindi maikailang kahit simpleng eksena'y nagagawa nito ng napakahusay.

Ito ay kwento ng isang simpleng lalakeng nangangarap para sa kanyang pamilya na ang tanging gusto ay sa ikakabuti ng kanyang anak.

"Cut!" sigaw ko nang natapos na ang eksenang naggawa ni Jason.

Pineprera ang pangatlong eksenang gagawin sabay paggalaw ng mga taong nakatoka sa gawain. Mabilis na naikumpuni at agad namang nag-ensayo sa susunod na eksena.

Mga linya ang guguhit sa pangatlong eksena kung kaya't lilipat na sa loob ng bahay nang wala ng ish-shoot sa labas.

Pagbungad ng mga magandang dekorasyon at maraming handang nakalatag sa mesa. Eksena na kung saan walang kamalay-malay ang karakter ni Jason na may naghihintay na sorpresa sa loob ng bahay.

Sabay pagsensyas muli sa lente at maging sa ilaw kung kaya't handa na sa susunod na eksena.

"Okay, hold your position. Isu-surprise si Brian. Internal, scene three, take one. Cameras rolling in three, two, one, action.!" pagsigaw kong muli.

Natahimik ang lahat pagsensyas naman ng AD kung anong blocking ng eksena't sabay pagbukas ng pinto't bumungad si Jason at ito'y nagulat.

"Happy Birthday!" pagsigaw ng mga artistang kabilang sa eksena't sabay pagbulabog ng party popper.

Narito rin si Sam kung kaya't kasintahan ito ni Jason sa istorya kasama rin ang magda-dalawang taong gulang na anak nila't pamilya nito.

"Happy Birthday, Daddy." wika ng bata kung kaya't ito ang anak nila sa istorya.

"Thank you, baby boy!" wika rin ni Jason, na si Brian sa istorya, sabay pagkarga nito sa bata't hinalikan sa noo.

"Lapit ng kaunti sa kanila at kita pa rin ang pagkagulat." pagsugo ko't naisagawa naman.

"Ano 'to? Y-You surprised me, Elisse." wika ni Jason nang lumapit ito kay Sam, Elisse sa istorya, habang karga pa rin ang bata.

"It's all on you, eto kasing si Gio, he insisted to surprise Daddy. Anyways, tara, let's eat!" wika rin ni Sam. "Akin na muna si Gio." dagdag pa nito sabay pagkuha ng bata.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon