KABANATA XXXIV: Masaya

55 5 2
                                    

"Mr. Samaniego!" pagtawag ni Mrs. Harrington sa akin nang ito ay kakarating lang sa Fairgrounds.

Ako ay napatigil sa aking ginagawa nang agad na hinarap si Mrs. Harrington habang ito ay papalapit sa aming kinauupuan.

"Are you starting?" pagtatanong niya.

"Yes, Mrs. Harrington. The team already started editing the prologue of the scenes..." pangungusap ko sabay muli pagtuon sa mga ginagawa ng mga crew.

Mariing inoobserbahan ang kanilang ginagawa upang maging swabe ang pagsisimula ng post-production.

"Great! Are tapings already done?" pagtatanong niyang muli.

"Not yet, Mrs. Harrington. I just wanted to see what will be the progress of entering the stage of post-production. But, we have only two scenes left here in London, just minor scenes though. Also, we will be having additional ending scenes in the Philippines since I slightly revised the scripts."

"I see, let's claim that this movie will hit a blockbuster," wika niya kasabay ang pagtawa na lamang namin. "Anyway, it's really a great honor to be at help, Mr. Samaniego."

"And thank you for that, Mrs. Harrington," tugon ko.

Pareho nang inayos ang sarili, ibinaling muli ang tingin sa mga ginagawa ng mga crews.

Napasandal sa upuang kinauupuan, tanaw-tanaw pa rin ang kanilang mga ginagawa habang nagbibigay ng direktiba sa kung ano pa ang susunod na gagawin.

Ilang saglit pa, inilihis ang tingin sa bumukas na pinto kasabay ang pagbungad ni Jim kung kaya agad na lamang akong napaayos sa aking pagkasandal.

Ito ay lumapit kasabay ang pagbati nito sa bawat taong narito sa loob ng kwarto. Ako na lamang ay tumango sa kanya ganoon din ang paglapit nito sa aking kinauupuan.

“J-Jim, nandito ka na pala. Natanggap mo ba ‘yung e-mail na pinasa ko?” unang pangungusap ko sa kanya habang abala pa rin sa pag-obserba sa mga crews.

“Yes, I already forwarded it to the rest of the department na nasa Pilipinas. I’m just waiting for their reply para pagdating natin doon, makapagsimula na tayo agad sa additional scenes na gagawin.”

“That’s great!” pagbati ko sa kanya.

“Anyway, we have a simple dinner later at seven. It’s Angel’s birthday celebration, she wants you to come with us. I hope you won’t have any self-meditations.”

Natawa na lamang ito habang ako ay napangisi na lamang ng bahagya.

“Self-meditations talaga? I’m sorry, I can’t come. I-I have to revise the scripts. J-Just tell Angel a happy birthday,” pagdahilan ko na lamang.

“Akala ko ba, you already done revising the scripts?” pagtanong niya pa.

“O-Oo pero may idadagdag pa ako. P-Pasensya na, pakisabi na lang kay Angel na hindi ako makakapunta.”

Pawang ito ay nagtataka, hindi ko na lang ito tiningnan. Ako na lamang ay napayuko at ihinarap muli ang sarili sa mga computer. 

“O-Okay, I-I need to go,” bigkas niya na lamang.

Hindi na nilingon si Jim kung kaya mas lalong manghihinala ito. Narinig na lamang ang pagsarado ng pinto at ako ay napasandal muli sa upuan.

Hindi na sinabi sa kanya ang totoong dahilan na makikipagkita ako kay Aya sa Trafalgar. Ayoko lang ng gulo, ayoko lang na mag-aalala ang mga ito at ayoko lang makarinig ng mga salitang magpapahina sa mga iniisip ko.

Napabuntong-hininga na lamang. Napatitig ng ilang segundo sa screens ng mga monitor. Napatingin sa relo, labing-limang minuto na lamang papatak na ang alas kwatro.

The Sunset's Cry (Nostalgia On Sunsets)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon