S I X
Chapter 3
Bago ako umuwi ay dumaan ako sa club ng kaibigan ko. Kailangan na ng sistema kong uminom ng alak dahil talagang puro trabaho na lamang ako nitong mga nakaraan. Kahit anim na buwan pa lang ako sa trabaho pakiramdam ko ay anim na taon na ako r’on sa dami ng pinagagawa ng syota ng diablo na si Jenyl.
Pagpasok ko pa lang sa club ay agad ko ng nakita si Caleb sa may counter. Nagpupunas ng mga baso si Caleb at kausap nito ang isa sa mga staff nito.
“Yo.” Si Clovis iyon na isa rin sa mga naging kaibigan ko rito. Part timer ako dati sa club ni Caleb hanggang sa naging kaibigan ko na rin sila. Itong si Clovis pasulpot-sulpot lang dito, mas madalas na wala ang isang ‘to dahil daw sa trabahong siya lang ang may alam.
“Ngayon ka lang ulit naparito.” Sabi ni Caleb sa akin at binigyan kaagad ako ng beer.
“Ang dami kong trabaho.” Sagot ko lang.
“Parang matandang tao na ‘tong si Caleb.” Sabi ni Clovis sa akin at pinagtawanan nila akong pareho. Pambihira naman talaga, mukhang mas stress pa ako sa dalawang ito samantalang malaki ang agwat ng edad sa akin ng mga ito. Matanda pa nga kay Jenyl ang mga ‘to, eh.
Tangina, bakit kaya si Jenyl ang naging example ng isip ko?
“Baka may alam kayong hiring, mag susubmit ako ng resume.” Sabi ko na lang sa kanila.
“Dito sa club bumalik ka.” Sabi ni Caleb sa akin.
“Ang liit mong mag pa sweldo.” Sabi ko.
“Tangina, halos wala ka na ngang ginagawa rito pero gusto mong sweldo treinta-mil.” Sabi niya at natawa kaming pareho ni Clovis.
“Bakit mag reresign ka? Parang noong bagong hire ka r’yan tuwang tuwa ka pa.” Sabi maman ni Clovis.
“Pinag iinitan ako ng boss ko.”
“Yayain mo ng suntukan.” Sabi niya.
“Sira, babae ‘yon.”
“Ligawan mo na lang.” Sabi naman ni Caleb.
“Lalong huwag na, asawa ng diablo ‘yon.” Sa sinabi kong iyon ay lalong lumakas ang tawa n’ung dalawa.
-
Napasimangot na lang ako nang makita ko si Miss Jenyl na papasok ng building. Pumasok muna ako sa 7Eleven para magpatay ng oras dahil baka mamaya ay makasabay ko na naman ‘to sa elevator.
Nagpalipas ako ng ilang minuto bago magpasyang pumasok na sa building. Nang dumating ako sa opisina namin ay naroon na si Daniel.
“Ang aga mo.” Puna ko sa kanya.
“Oo, inihatid ko sa school yung panganay ko kaya napaaga ako.” Sagot niya sa akin at napatango naman ako.
Ulirang ama si brad, parang si Caleb lang din ‘tong isang ‘to.
“Wala pa rin bang balita kay Patrick?” Tanong ko sa kanya.
“Hindi ako sigurado pero may mga tsismis ngang kumakalat na basta na lang daw tinanggal si Pat.”
“Tangina, mag sampa siya ng reklamo sa Labor para makabawi naman siya.”
Naisip ko si Patrick habang nakatingin sa pintuan ni Jenyl, kawawa naman si brad at talagang masama talaga ang ugali nitong boss namin. Eksakto namang bumukas ang pinto ni Jenyl at agad na tumingin sa akin.
Nang ngitian niya ako at itaas ang tasa niya ay ngumiti na rin ako at tumango ako pero sa totoo lang ay gusto ko ng ihagis sa labas iyong mug niya. Talagang ginawa na akong alila ng babaeng ‘to.

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.