S I X
Chapter 5
Tinabihan ko si Mica sa assembly. Hindi naman masyadong halata dahil hiwahiwalay at kanya -kanya ng pwesto ang mga tao.
Hindi kami nag uusap dahil nagsasalita sa may podium si President pero amoy na amoy ko si Mica sa pwesto ko. Amoy rosas, amoy babaeng babae. Tumingin ako kay President at nakita ko siyang nakatingin sa isang tao sa unahan. Nang sundan ko ang tingin niya ay nakita kong kay Jenyl siya nakatingin. Kung lalaki siguro itong si President ay mag iisip na ako ng masama pero baka nga malakas lang talaga si Jenyl dito. Baka kinulam si President.
Nang matapos ang pagsasalita ni President ay lumabas kaming lahat para sa games na inihanda ng HR para sa lahat. By department nga ang teaming katulad ng inasahan na namin.
Nagkahiwalay na kami ni Mica nang hindi nag uusap. Nag ngingitian lamang kanina at okay na ‘yon. Lowkey lang dapat para di masyadong halata at dahil ayaw ko rin naman na mapansin kami ng iba, baka ma issue agad. Ayaw ko pa naman ng napag uusapan.
Nagsimula na ang games na kalokohan lang naman pero hype ang lahat dahil ang team na mananalo ay may instant cash nga raw na paghahati-hatian.
Sumali kami nina Daniel sa relay games pero hindi kami nanalo. Okay lang dahil nag enjoy naman kami, pawisan na kami at pagod na rin samantalang ‘yung boss namin prenteng nakaupo lang sa gilid, sa ilalim ng malaking payong na kala mo reynang nakatingin sa mga alipin niya. Kala mo nama’y ang gandang babae, hindi naman.
Gabi na nang matapos ang games at umakyat muna kaming pare-pareho para maligo at magbihis bago maghapunan. Sinulyapan ko si Mica habang kumakain kami at nginitian ko siya nang magtama ang mga mata namin.
Napaka cute talaga ni Mica, lalo na sa suot niyang short shorts ulit at manipis na t-shirt. Mag s-swimming kaya siya bukas katulad ng plano ng iba naming mga kasamahan? Babantayan ko siya at sasalaka … basta babantayan ko.
Muli ko siyang binati hanggang sa magpaalam siya na pupunta raw sila ng night market malapit sa resort.
Karamihan naman sa mga kalalakihan ay dumeretso sa bar na nasa loob ng compound ng resort at doon nagpalipas ng oras dahil wala ng activities pa ang company. Hawak na namin ang mga oras namin at libre na naming gawin ang gusto namin sa resort.
Habang naghihintay kami ng order ay naisip ko ulit si Mica. Yayain ko kaya siya mamaya sa beach after nila sa night market? Maigi pa ay mag message ako sa kanya. Nang kapain ko ang bulsa ko para sa cellphone ko ay wala akong nakapa.
Shit.
“P’re, wala ang cellphone ko sa bulsa ko. Hindi niyo ba napapansin kung hawak ko kanina?” Tanong ko kay Neil at Daniel.
“Hindi ko napansin.” Si Daniel.
“Ako rin, huli kong napansin nang kuhanin mo ang number ni Mica.”
“Shit, sana naiwan ko lang sa kwarto pagkatapos n’ung laro.” Sabi ko. Tangina, ang dami kong files ‘ron.
“Tingnan mo na muna sa kwarto niyo, kung wala ay ireport mo kaagad sa management ng hotel, baka naman may nakakuha.” Sabi ni Daniel at tumango naman ako. Lumabas na muna ako ng bar at nagsabi na lang na babalik mamaya.
Dumeretso ako sa hotel room namin. Sana talaga ay naroon lang ang cellphone ko.
-
Fuck me.
Napakurap ako ng ilang beses nang makapasok ako sa kwarto. Nakadapa sa kama si Miss Jenyl at halatang tulog na, pero hindi iyon ang nakapukaw ng pansin ko. Naka robe lang siya at mabilis na naglakbay ang isip ko sa kung ano ang suot niya bukod roon nang dumako ang mga mata ko sa binti niya.

BINABASA MO ANG
Six
Romansa[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.