S I X
Chapter 20
Sinilip ko si Miss Jenyl sa opisina niya nang makita kong bahagyang nakaawang ang pinto. Mula kaninang umaga ay hindi pa ito lumalabas. Nakita ko siyang nakasubsob sa computer niya at naka ponytail na ang buhok niyang lampas balikat.
Pag harap ko sa table ko ay nakangisi sa akin si Niel at si Daniel.
“Ano, bakit?” Singhal ko sa kanila.
“Wala naman, p’re. Para napatingin lang.” Sabi ni Niel at lumaki naman ang ngiti ni Daniel.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa trabaho. Makalipas ang isang oras ay lumabas si Miss Jenyl ng opisina niya dala ang tumbler niya. Mukhang pupunta siya sa pantry. Dapat ay hindi nagpapalipas ng gutom dahil hindi iyon maganda sa kalusugan.
“Habol tingin siya.” Sabi ni Daniel at narinig kong tumawa si Niel.“Ikuha mo nga ako ng kape sa pantry.” Sabi ulit ni Daniel sa akin at iniabot ang tumbler niya.
“Hoy, hindi mo ako utusan.” Sabi ko sa kanya.
“Sige na, p’re. Ikuha mo na ako, tsaka itong si Niel.” Sabi niya ulit.
“Tsk. Akin na.” Sabi ko at tumayo na ako. Parehong ang laki ng ngiti n’ung dalawa nang kuhanin ko ang mga tumbler nila. Mga sira ulo.
Lumabas din ako at pumunta sa pantry. Naroon nga si Miss Jenyl at kumukuha siya ng samdwich at may laman na ring kape ang tumbler niya. Kumuha na rin ako ng kape at lumapit ako sa kanya.
“Ngayon ka pa lang kakain?” Tanong ko sa kanya.
“Hmm? Yes.” Sagot niya at blangko ang mukha niya.
“Dapat kumakain ka ng tama sa oras.”
“I’m good thanks. Bumalik na tayo sa trabaho.” Sabi niya at itinuro niya ang tumbler ni Niel at Daniel bago lumakad pabalik ng office. Nakasunod naman ako sa kanya pero hindi ko maiwasan ang mapabuntong hininga.
Nang magkasunod kaming pumasok sa opisina ay tumayo pa si Daniel para kuhanin ang tumbler niya.
“Naniniwala na talaga kaming wala kang gusto kay Miss Jenyl.” Sabi niya at tumapik sa balikat ko.
“Wala naman talaga akong gusto sa kanya.” Sabi ko at humalakhak si Niel sa harap ko habang ngumisi lang si Daniel.
“Naniniwala kami.”
-
“Umuwi ka na rin at hindi naman overtime ang irog mo.” Sabi ni Niel. Hindi ako nag react at inimis ko lang ang mga gamit ko.
Mukhang may lakad si Miss Jenyl dahil saktong alas sinco ay paalis na rin siya.
“Good bye, Miss Jenyl. See you po bukas.” Sabi ni Niel.
“Thanks, see you.” Sagot naman ni Jenyl na diretsong lumabas lang ng opisina. Susunod sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko dahil parang gago na nakaabang sa gagawin ko itong si Daniel at Niel.
Pagbaba namin sa lobby ay naroon si Mica at kasali na roon sa dalawa na nag iisyoso sa mga ginawa ko kay Jenyl. Para namang may magagawa ako kapag nasa opisina kami ni Jenyl.
-
Pinabili ako ni Callie ng dinner sa labas nang dumating ako sa bahay. Habang naglalakad ako ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Miss Jenyl na buhat ang pamangkin niya na nakita ko noong nakaraan. Nakatayo siya sa may bandang gitna ng lugar. Nasa loob sila ng isang restaurant at mukhang nag c-celebrate sila ng birthday dahil may cake sa gitna ng lamesa. Automatic na kumilos ang mga binti ko at pumasok ako sa loob ng restaurant. Pasimple akong dumeretso sa may counter at humiram ng menu.

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.