S I X
Chapter 28
Kasabay ko ulit mag lunch si Jenyl at kaming dalawa lang. May sariling lunch date iyong dalawa kaya. Habang kumakain si Jenyl ay nakatitig lang ako sa kanya.
"Kung may sasabihin ka ay sabihin mo na." Sabi ni Jenyl habang kumakaim siya.
Hindi ako umimik at nanatili lang nakatitig sa kanya. Natutuwa lang ako na parang nagiging komportable na siya na kasama niya ako. Suplada pa rin siya sa akin at palagi pa ring sumasagot ng "No" pero hindi naman niya ako itinataboy. Idagdag pang natural na rin na inihahatid ko siya pauwi sa kanila. Pumapasok naman ako sa bahay nila at nakikipag usap sa parents niya pero hindi rin ako nagtatagal dahil pinandidilatan ako ni Jenyl.
"What? Quit staring." Sita niya sa akin pero hindi ako nagpaawat. Ang ganda niya, ang adorable niya at talagang humahanga ako sa kanya. Ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Kahit boss ko siya hindi ako nakakaramdam ng pressure sa pagkatao ko na dapat akong magbago, na dapat akong mag adjust, basta sobrang relax ko lang at hindi bumababa ang confidence ko sa tuwing kasama siya. Masaya lang ako, parang kahit suplada siya sa akin ay hindi ko kailangang mag pa impress pa sa kanya dahil hindi naman niya ako huhusgahan. Tangina, mahal ko na yata si Jenyl.
"Bahala ka kung hindi mo sasabihin pero kumain ka na dahil one hour lang ang break time natin. I need to go back to the office, may ka-meeting ako sa phone mamaya." Sabi niya. Nakinig naman ako sa kanya at kumain na rin ako nang nakatutok pa rin sa kanya anh atensyon. Gusto ko ang ganitong klase ng multitasking. Kumakain habang tumititig sa babaeng gusto ko.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin nang naglalakad na kami pabalik ng office.
"Yeah." Sagot ko sa kanya.
"You're quiet. Odd." Sabi niya. Ngumiti lang ako at pumasok kami sa elevator.
Pumaling siya sa akin nang nasa loob na kami at umangat ang kamay niya. Lumapat iyon sa noo ko at nanlaki ang mga mata ko at biglang kumirot ang puso ko.
Napahawak ako sa dibdib ko at parang gusto kong ipasok ang kamay ko sa dibdib ko upang ibalik sa normal ang tibok ng puso ko.
"Calvin? Are you okay?" Tanong niya at naroon ang panic sa boses at mukha niya. Itinaas pa niya ang isa pa niyang kamay at humawak naman sa pisngi ko.
Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa physical contact na siya ang gumawa. Parang nanlalamig ang buong katawan ko pero tagatak ang pawis ko.
"Calvin, oh God, talk to me, are you okay? Gusto mong dumeretso sa clinic? Do you want to go home?" Magkakasunod niyang tanong.
"Please say something, you're making me worry." Sabi pa niya at hinawi ng bahagya ang buhok kong humaharang sa noo ko.
Tangina, sarap naman n'on.
"I'm ... I'm fine." Sabi ko sa kanya.
"Sigurado ka? You're feverish." Tanong niya ulit. Bumukas naman ang elevator at inalis na rin niya abg kamay sa noo ko.
"Oo, okay lang ako." Sagot ko. Huminga siya ng malalim at kasunod niya akong labas ng elevator.
"If you want to go home then do so. Magpahinga ka na muna kung masama ang pakiramdam mo." Sabi pa niya.

BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.