S I X
Chapter 18
Pinag uusapan ni Daniel at Niel ang pormahan na gagawin nila sa event nang dumating ako ng opisina. Mukhang may isusuot na silang dalawa habang ako ay wala pa. Makabili na rin nga ng damit mamaya.
Naupo na kami sa kanya -kanya naming lamesa nang lumabas si Miss Jenyl ng opisina namin. Baka ipinapatawag na naman siya ni President.
-
Pagkatapos ng trabaho ay nagpunta na muna akong muli sa Minx para sa driving school ni Clovis na plano na yatang maging instructor sa pagmamaneho.
Nabanggit ko sa kanilang kailangan ko ng suit para sa company event at biglang isasama raw ako ni Clovis sa kakilala niyang yumayari ng ganoong damit.
“Sasakyan, kailangan mo? May kakilala rin akong pwede mong mahiraman ng gwapong sasakyan.” Dagdag pa niya.
“Damn, para kang may Fairy godmother kay Clovis.” Sabi ni Caleb.
“I’m the Godfather, I’m gonna make him an offer he can’t refuse.”
Natawa kami ni Caleb sa sinabi ni Clovis. Loko talaga isang ‘to.
“Hindi na, brad. Company event lang naman ‘yon.” Sabi ko.
“Kaya nga, ibig sabihin naroon ‘yung boss mong maganda.” Dagdag ni Clovis.
“Ano namang kinalaman niya rito? Natural na naroon siya.”
“Mag prisinta kang ikaw ang susundo sa kanya.”
“May kasabay akong iba pagpunta sa venue.” Sagot ko lang. Sumipol naman si Caleb at nag high five pa silang dalawa ni Clovis. Mga loko talaga.
-
Dumating kami ni Mica sa venue labinlimang minuto matapos ang alas otso. Lahat nga ay mga naka bihis at nakaayos. Nagpagupit pa si Niel at pinigilan ko ang matawa. Tindi ng effort ni brad. Sabi ni Clovis kapag may mga ganitong event ay huwag kang pagugupit. Sinunod ko ang payo ni brad at sinuklay ko na lamang ng maganda ang buhok ko. Huwag din daw akong mag aahit at hayaan ko na lamang daw na medyo magaspang ang mukha ko dahil sa balbas. Gusto raw ng mga babae iyon ayon sa kanya. Tama nga si Caleb, parang fairy godmother si Clovis.
Para namang tama siya dahil nang sunduin ko si Mica kanina ay masaya siya sa nakita niya.
“Hi Mica, Calvin.” Si Daniel iyon at lumapit sa amin. Isinama niya kami sa table na designated para sa amin. Humiwalay na rin si Mica sa amin at pumunta na siya sa mga ka-department niya.
“Wala pa si Miss Jenyl?” Tanong niya sa dalawa.
“Hindi ko alam, hindi ko pa nakikita pero baka naman kasama na ni President.” Sagot ni Daniel.
“Baka nga, alam mo naman ‘yon, laging patawag.” Dagdag ni Niel bago tumayo at kumuha ng mixed drink mula sa bar. “Maigi pa simulan na agad natin ‘tong mixed drinks.”
“Wala bang beer? Mas gusto ko ang beer o kaya whiskey.”
“Beer meron, wala yatang whiskey.” Sabi ni Niel pero mukhang hindi siya sigurado. Tumayo ako at ako na mismo ang pumunta sa bar. May whiskey naman roon, may wine at champagne rin.
“Hey, Cal.” Si Mica iyon at dumampot rin siya ng maiinom mula sa bar.
“Masaya nga itong event tulad ng sinasabi niyo.” Sabi ko kay Mica at ngumiti siya sa akin.
Kumuha ako ng whiskey at sinimsim iyon. Inilibot ko ang paningin ko sa buong lugar at mukhang halos lahat naman ay nag eenjoy sa event.
“Gusto mo bang kumain?” Tanong ni Mica sa akin at umiling ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/186208430-288-k209990.jpg)
BINABASA MO ANG
Six
Romance[Mature Content] Calvin didn't expect his life to turn out like this. He was also so sure he does not like a particular person in their office. Anything he didn't want to happen became his reality in a blink of an eye.